Saturday, November 19, 2016
Cinema One Originals 2016: 2 COOL 2 BE 4GOTTEN is not your typical teen movie
November 17. Nagkaroon ng premiere night ang 2 Cool 2 Be 4gotten sa Trinoma Cinema 1. First time kong umattend ng premiere night. Laking gulat ko sa dami ng tao. Karamihan pala sa mga ito ay fans nila Khalil Ramos at ang dating PBB housemate na ngayon ay Hashtag member Jameson Blake. Surprising na jam packed o puno ang sinehan ultimo sa mga aisle na yung iba nakaupo. Todo support naman talaga ang mga fans. Natatawa ako sa hiyawan, tilian at sigawan like "Jameson! Jameson!", "Ethan!", "Khalil, may space pa sa tabi ko!" (pero boses ng lalaki narinig ko at hindi beks).
Ang "2 Cool 2 Be 4gotten" ay tungkol kay Felix Salonga (Khalil Ramos) na introvert, geek, achiever at hindi palakaibigan. Nakilala niya ang Fil-Am na magkapatid na si Magnus Snyder (Ethan Salvador) at Maximus Snyder (Jameson Blake) na transferee sa kanilang high school. Mapapansin na ang milieu ng pelikula ay 90's at ipinakita ang epekto ng pagputok ng Mt. Pinatubo at Lahar sa Pampanga. Going back, humingi ng tulong na magpagawa ng math assignment sa Math si Magnus kay Felix dahil naasiwa siya sa kanilang openly gay math teacher (Joel Saracho). Pumayag naman si Felix at tinulungan ang kaklase. Binayaran naman ni Magnus si Felix sa paggawa ng assignment nito. Di nagtagal ay nagkasundo ang dalawa. Madalas magkasama na sumasagot ng assignment si Felix para kay Magnus pati na rin kay Maxim at parehas na rin nilang binabayaran si Felix. Matagal ng gustong makasama ni Magnus ang kanyang Amerikanong ama at mamalagi na sa Amerika dahil ayaw niyang magtagal sa Pilipinas. Si Maxim naman ay hindi naapektuhan o balewala sa kanya ang gustong mangyari ni Magnus. Nakilala naman ni Felix ang mommy (Ana Capri) ng dalawang Fil Am na magkapatid. Considered na cool si mommy dahil okay lang sa kanya na magyosi at uminom ng gin ang kanyang mga anak. Naimpluwensiyahan naman ng magkapatid si Felix. Hmm... "Bad company corrupts good character."
Napapansin naman ni Maxim na close sa isa't isa sina Magnus at Felix kaya napaghinalaan niyang bakla ito. Hanggang sa maisipan ni Maxim na isama sa masamang plano si Felix. At ito ay ang patayin ang kanilang mommy. Ayon kay Maxim, papayag lang ang ama nila na parehas silang makapunta ng Amerika kung papatayin nila ang kanilang mommy. Alang alang sa kapatid, gagawin ni Maxim ang lahat. Sasama kaya si Felix sa gustong mangyari ni Maxim? Alam kaya ni Magnus ang masamang balak ng kapatid?
2 Cool 2 Be 4gotten is not your typical teen movie. Dark ang tema at approach ng film maker sa pelikula.
Humanga ako sa performance ni Khalil Ramos dito bilang Felix. Ipinaalala niya sa akin at may kaunting pagkakahalintulad ang karakter nya kay Tom Ripley na ginampanan ni Matt Damon sa pelikulang "The Talented Mr. Ripley" (1999). Sa pelikulang ito, maaaring merong identity crisis ang karakter na si Felix dahil hindi tayo nabigyan ng kwento sa nakaraan nya o karanasan nya noong bata pa na maaaring magbigay sa atin ng ideya. Nagkwento lamang siya ng karanasan niya noong pumutok ang Pinatubo na bahagi ng nakaraan nya. Maaari ring dahil teenager pa siya kaya may identity crisis ang karakter.
Ang pagkakahalintulad nila Felix at Tom ay ang longingness to connect sa ibang tao ngunit marami rin ang kaibahan tulad sa motibo ng karakter.
Ang karakter naman ni Ethan Salvador na si Magnus Snyder ay meron rin konting pagkakahalintulad kay Dickie Greenleaf ng "The Talented Mr. Ripley". Ito ang karakter na ginampanan ni Jude Law sa nabanggit na pelikula. Parehas silang lumalabas at itinuturing na bestfriend ng pangunahing tauhan. Tulad ni Felix, may longingness to connect din si Magnus. Kay Magnus, ito ay ang kanyang ama.
Sa kabilang banda, marami ring kaibahan sina Dickie at Magnus tulad nang socialite na adult si Dickie samantalang estudyanteng Fil Am si Magnus.
Ang karakter naman na si Maxim (ginampanan ni Jameson Blake) ay may pagka-psychopath.
Mahusay ang pagganap ni Khalil Ramos sa isang challenging role. Khalil Ramos is superb. Nabigyan niya ng hustisya ang kumplikadong karakter. Ito na ang pangalawa niyang mapanghamong pagganap na napanood ko matapos ang Honor Thy Father (2015).
Bumagay naman kay Ethan Salvador ang kanyang role. Nabigyan niya ito ng maayos na pagganap.
Jameson Blake is a revelation in this movie. Napasabak siya sa mga mapangahas na eksena ang dating PBB housemate at ngayo'y Hashtag member tulad sa eksena kung saan ay pinaghubo't hubad siya ng damit ni Felix, nag-butt exposure at pinag-masturbate. Nagulat ang mga tao sa eksenang ito.
Magaling din ang mga supporting actor tulad nila Ana Capri, Joel Saracho, Ruby Ruiz, Peewee O' Hara at Jomari Angeles.
Kung ating bibigyan ng pansin ang mga simbolismo sa pelikula, si Felix ay sumasalamin sa mga Pilipino nahuhumaling sa banyagang ideya. Maaari ring ang identity crisis ng pangunahing tauhan sa pelikula ito ay maging pulitikal ang perspektibo.
Mahusay din ang direksyon ni Petersen Vargas at iskrip ni Jason Paul Laxamana. Magaling din ang musika at teknikal na aspeto ng pelikula.
Kung gusto mong makapanood ng kakaibang pelikula, panoorin ang "2 Cool 2 Be 4gotten."
Subscribe to:
Posts (Atom)