Si Bea Binene ay gumanap bilang Bea, isang vlogger at student filmmaker.
Meron siyang YouTube page na "ParadisoGirl" kung saan nilalagay niya
ang kanyang mga vlog (video blog) ng mga travels niya. Naisipan niyang
bisitahin ang isang tagong isla sa Bicol na napuntahan niya at nang kanyang ina
noong bata pa siya. Kaya naman hinikayat niya ang kanyang bestfriend na si
Stacy (Krystal Reyes) at iba pang kaibigan (Coleen Perez at Mark Castillo) na
pumunta sa isla. Pumayag at sumama sila. Sa pagpunta sa isla ay naging guide
nila si Tonio (Kenneth Paul Cruz) na lumaki rin sa tagong islang iyon. Laking
gulat nila ng mapuntahan ang isla dahil hindi na ito ang dating isla na
kanilang napuntahan. Iba na ang hitsura nito dahil nasira na ang kalikasan sa
mga nagkalat na basura. Ang masaklap nito ay pati ang mga naninirahan sa isla
ay umaalis sa lugar at naghahanap ng ibang trabaho sa ibang lugar. Ano kaya ang
gagawing hakbang ng ating bida sa kanyang nasaksihan?
Mula sa konsepto ni Bea Binene ang pelikulang "Fading
Paradise". Aniya, na-inspire siyang gawin ang pelikula ng isang beses ay
nag shoot siya ng programa sa isang isla at nakita niya ang other side
na hindi ito maganda. Para sa kanya, ito ay advocacy niya sa climate change.
Kaya naman ng ipresent niya din ito sa mga artistang kaibigan ay sinuportahan
siya.
Okay. Maiintindihan natin na ito ay personal project ito ni Bea Binene pero
hindi maiwasang may mapuna at mapansin ka sa pelikula. Ito ang mga ilan sa
kapuna-puna at mapapansin sa pelikula:
> Parang episode ng "Maynila" ang pelikula na pwede mo ring
isipin na movie made for TV o TV movie ang feels.
> Kung si Charo Santos ay pinaalala sa atin ang tono ng kanyang boses
at paraan ng pagbasa ng mga liham sa "Maalala Mo Kaya" sa
storytelling at pag-VO sa "Ang Babaeng Humayo", si Bea Binene naman
sa "Fading Paradise" habang nagbabasa ng spiel sa vlog ng character
niya ay parang din siyang nasa Public Affairs TV program na "Good
News".
> Sa eksena kung saan pinakilala ni Tonio ang kapatid niya kay Bea.
Tinatanong ni Bea ang kapatid ni Tonio. Ang sumasagot si Tonio. Akala namin pipi
si kapatid. Yun pala nagsalita din siya nung huli. Laughable sa audience. Pati
si lolo yung totoo? Anyare? Bakit hindi maayos ang dialogue?
Hindi naman kami nag-expect na makapanood ng educational o advocacy film
o dokumentaryo tulad ng gawa ni Sari Dalena pero sana nakakakuha ng ideya ang
filmmaker kung paano gumawa ng programa sa GMA Public Affairs kung saan si Bea
ay naroon. Ang masaklap ay ilang beses na tayong nakakapanood ng ganitong
kwento. Sana ay binago ang approach o istilo. Mismong ang mga millenial o
kabataang nanonood na kasabay ko ay hindi interesado sa pinapanood.
Natuwa ako sa Q&A portion o interaction ng mga aktor sa millenials dahil
nabigyan sila ng pagkakataon na mag-participate sa kung ano ang maaari nilang
gawin upang protektahan ang kalikasan. Mas interesting na malaman kung ano ang
nasa isipan ng mga millenials at icontribute nila at mas interesado sila sa mga
artista. Nakakatuwa na handa naman ang mga artista sa Q&A. Kilig na kilig
ang mga millenials kanila Bea Binene at Kenneth Paul Cruz.