Isa sa
mga pelikulang kasama sa 2016 Cinema One Originals ang Baka Bukas. Ito ay
tungkol sa twenty-something na si Alex (Jasmine Curtis – Smith). Isang
jill-of-all-trades at multi-tasker na nagrerepresent ng ating millenial
generation. Sa sobrang creative nya ay nag-juggle siya sa iba’t ibang trabaho.
Ilan lamang dito ang pagiging writer, director, production designer at social
media manager. Isang bagay ang gumugulo sa kanya iyon ay dahil hindi siya
makapag-come out sa kanyang bestfriend at aspiring actress na si Jess (Louise
Delos Reyes) pati na sa feelings niya sa aktres.
Habang
pinapanood ko ang pelikula, mapapansin ang social status o class ng mga
tauhan. Socialite sila kaya naman pati sa language at mga outfit nila ay
talagang hindi sila nagpapahuli sa uso o fashion. Dagdag pa rito ang
pagtratrabaho nila sa industriyang fast-paced. Ito ay ang media.
Naiiba
ang pagganap ni Jasmine Curtis – Smith bilang Alex. Innocent-looking, child-like,
gamine ngunit mas madalas na quiet at observant na may pagka-playful. Parang
Audrey Hepburn ang dating. May mga bagay na naguguluhan ako sa karakter ni
Alex. Hindi malinaw kung ano ang gusto ng karakter ni Alex. May mga lines sya
na pilit ang lalim pero hindi ako maka-connect sa emosyon niya o sadyang hindi
naman intentional na parang nag shut down siya ng emotions. Maaari ring ganito
ang representation sa mga millenials. Nag-come out siya pero parang nag-hold
back.
Surprisingly,
nagustuhan ko ang portrayal ni Louise Delos Reyes sa pelikula bilang bestfriend
ni Alex – si Jess. Kahit pa hindi masyadong na-establish ang pag come out ni
Jess. Siya ang risk-taker, clingy at coquettish. Roller coaster ang kanyang
emosyon. Mas matapang siyang mag-express ng feelings niya toward Alex lalo pag
sila lang dalawa. Dahil sa sikreto ang naging relasyon nila mula bestfriend
hanggang sa maging mag-jowa.
Kapansin
pansin ang maong jacket na sinusuot ni Alex. Maaaring it represents rebellion.
Kumbaga eh millenial generation ng mga James Dean.
Makikitang
may issue ng absentee parenting sa part ng nanay ni Alex (Cheska Inigo) na common
nowadays. Kaya nakaapekto ito sa karakter ni Alex. Isa pa ang hindi visible na
presence at hindi nabanggit ang tatay ni Alex sa pelikula.
On the other hand, natuwa ako sa mga supporting
actors na sina Nel Gomez bilang David at Gio Gahol bilang Julo. Si David na
photographer at si Julo naman na stylist. May issue din ang dalawa. Ito ang
hindi pag-amin ng feelings sa isa’t isa hanggang sa hinarap nila ang pagiging
mag-jowa.
Directorial debut ito ni Samantha Lee. Kaya
maiintindihang personal sa kanya ang pelikula. Pakiramdam ko lamang ay may
kulang sa pelikula. Kulang ito sa lalim pero hindi maikakailang maganda ang
sinematograpiya ng pelikula.
Dahil sa matapang na pagganap nila Jasmine
Curtis-Smith at Louise Delos Reyes sa “Baka Bukas” ay napasama ang kanilang
performance sa TV show na Ang Pinaka sa episode nitong “Ang Pinaka: Memorable
Lesbian Roles in Philippine Cinema”.