"Hindi ba dapat maging mabuting
tao muna kesa maging tunay na babae." - Samuel Panti (Christian Bables)
Mas gusto ko ito kesa Die Beautiful
(2016) at Born Beautiful (2019) kahit pa may kanya-kanyang isyu na tinatalakay
sa bawat pelikula. ENERGETIC at ENTERTAINING ang pelikula. Kumbaga, ang
pagkagusto ko dito ay pantay sa Ang Dalawang Mrs. Reyes (2018).
Isang Tricia at Dalawang Barbs in
one movie. Pagsamahin pa naman ang tatlong magagaling na aktor ng ating
henerasyon kaya riot talaga sa katatawanan.
Sa kanilang tatlo, stand out si
Christian Bables. Nakakatawa ang style niya na mala-Vice Ganda. Sa pagpili ng
damit, kilos at pananalita talaga namang Vice kung Vice ang peg pero sympre
dahil Christian Bables yan sure fire ang performance.
Mas gusto ko si Paolo Ballesteros
dito kesa Die Beautiful. Sa Die Beautiful naman kasi parang MMK. Dito sa
pelikula, mas evident ang comedic abilities ni Paolo.
Cute ni Martin Del Rosario as
demi-girl Daniel na sa bandang huli ay *spoiler alert*. Panoorin nyo na lang
po. Babaeng babae si Martin dito na parang extension ng Barbs role niya sa Die
Beautiful.
(IMO, kung Best Actor dapat si
Christian Bables talaga nanalo. Magaling naman silang 3 though Christian ftw!)
Kitang kita ang iba ibang atake ng
mga aktor sa bawat role. Para sa akin, interesting ang back stories nilang 3.
Si Joross Gamboa akala ko naligaw
from Ang Dalawang Mrs. Reyes at Deadma Walking.
Basta, no dull moments itong
pelikula. Laugh out loud. Ito ata ang pangatlong pelikulang Pilipino na comedy
na malakas tawanan ng mga tao na nanood ako sa sinehan after Ang Tanging Ina
(2003) at Patay na si Hesus (2016).
Pinakanatawa kami ng bff ko sa
mata-mata acting nila Rosanna Roces as Vilma at Carmi Martin as Nora na
reference sa Ishmael Bernal classic na "Ikaw ay Akin" (1978) na kami
lang ni bff ang nagkaintindihan kaya natawa ang nasa likuran namin kasi
magkasabay kami ni bff na nagkatinginan at napalakas ang boses na "Ikaw ay
Akin".
Panalo din si Via Antonio as Chiqui.
Dati napanood ko siya sa "Silent Soprano" (2008) musical play sa UP.
Nagagalingan na ako sa kanya noon pa.
Regarding John Arcilla, magaling din
siya kaso ang character niya eh stereotype-ish na tatay na hindi matanggap ang
anak na mga bakla.
May mga pasundot na isyu tulad ng
same-sex marriage, gender equality, pagtatanong sa Diyos dito sa pelikula na
asahan na dahil LGBT movie ito.
Final judgment: Kay bff, okay naman
ang pelikula.
IMO, enjoy at fave ko siya na PPP
film this year so far. Pwera na lang if makapanood pa ako kasi naman hindi na
kaya ng budget. Support pa more sa Philippine Cinema.
Parehas kami ni bff na sulit panood
namin sa pelikulang ito.