Isa sa
mga pelikulang kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang "Patay na si
Hesus". Una itong naging kalahok sa 2nd QCinema noong 2016.
Nabalitaan
ng single mother na si Iyay/Maria Fatima (Jaclyn Jose) na namatay na ang
kanyang estranged husband na si Hesus. Nagdesisyon siyang isama ang kanyang mga
anak upang bumiyahe mula Cebu hanggang Dumaguete para makipaglamay sa burol ni
Hesus. Ayaw sumama ng dalawa niyang anak na sina Jude o Judith Marie (Chai
Fonacier) na isang transman at underachiever na anak niyang si Jay (Melde
Montanez) na unemployed at maka-ilang beses ng bumagsak sa board exam at patuloy
pa ring umaasang makakapasa pa. Si Bert (Vincent Viado) lang ang gustong sumama
kay Iyay habang bitbit ang alagang asong si Hudas (Sadie). Hindi payag si Iyaya
na hindi sumama sina Jude at Jay kaya naman siya na ang nagdesisyong magmaneho
ng kanilang van. Dadaanan din nila sa isang kumbento ang madreng hipag ni Iyay
na si Lucy (Angelina "Mailes" Kanapi). Sa kanilang paglalakbay ay
marami silang makikilala at mapagdadaanan at unti-unti itong magbubukas sa
komunikasyon sa isang dysfunctional family hindi lamang upang masabing
nakipaglamay sila sa burol ng ama bagkus ito ay para mas mapalapit ang isa't
isa at mapagtibay ang samahan ng pamilya.
Matagal
na din akong nakakapanood ng road movies. Ilan lamang ang mga sumusunod na road
movies: Two For the Road (1967) kasama sina Albert Finney at Audrey Hepburn,
Thelma and Louise (1991) kasama sina Geena Davis at Susan Sarandon, Little Miss
Sunshine (2006) kasama sina Steve Carell, Toni Collette, Greg Kinnear, Abegail
Breslin at Paul Dano kahit ang pelikulang "Biyaheng Lupa" ni Armando
Lao at "Langit sa Piling Mo" ni Eric Quizon.
Naiiba
naman ang road movie na "Patay na si Hesus" sa pelikulang Pilipino. Surprising
na nakakatawa ang pelikula. Grabe ang tawa naming ng bestfriend ko habang
pinapanood ang pelikula. Patay na si Hesus is very witty, outrageously and
wickedly funny. May bahagi ang pelikula na somewhat may "Little Miss
Sunshine" feels lalo't tungkol ito sa isang dysfunctional family at merong
namatay na karakter.
Chai
Fonacier is magnificent. Labis ang aking paghanga sa aktres na si Chai Fonacier
bilang Jude o Judith Marie. Nabigyan nya ng puso ang isang transman na
naghahanap ng kalinga at pagmamahal at umaasang maibabalik sa kanya ang
pagmamahal ng kanyang girlfriend dahil na rin sa itinuring na niyang para itong
anak. Jaclyn Jose is astonishing. Napahanga rin ako ni Jaclyn Jose bilang Iyay
o Fatima Marie dahil naiiba rin ang pagganap niya dito. Ewan ko ba kung bakit na-convince
niya ako sa pagiging Bisaya niya. Talagang pinag-aralan niya ang paggamit ng
Bisayang lengwahe. Isa ito sa mga dramedy roles nya na hindi ko makakalimutan
tulad na lamang sa kanyang teleserye na “Mundo Mo’y Akin”. Subtle at hindi
pilit magpatawa gaya na lamang ng kanyang co-actors. Natutuwa din ako kay Melde
Montanez dahil effortless din ang pagpapatawa niya. Natural na natural. Ang
pagganap ni Angelina Kanapi sa pelikulang ito ay parang extension ng kanyang
role sa “Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington.” Hahaha. Ang karakter
naman ni Vincent Viado ang nagbigay ng konsensya sa kanyang pamilyang
naguguluhan sa current situation nila sa buhay.
Mahusay
ang paggawa ng script at execution ng direction dahil hindi ito pilit magpatawa
at pinapakita ang normal na conversation at pinagdadaanan ng isang
dysfunctional family. Magaling ang character development sa pelikula na makikita
mo habang pinapanood ang bawat miyembro ng pamilya ni Iyay mula simula hanggang
huli.
Maraming
nakakatawang moments ang pelikula na ayokong masyadong maging spoiler.
Mag-share ako ng konti. Mapapansin sa pelikula ang contrasting na pangyayari o
masasabi mong irony tulad na lamang sa burol at libing ni Hesus kung saan may
nagpropose ng kasal sa burol at ang mah-jong na naging lego. Sa eksenang namatay
ang asong si Hudas, nakaputi ang mga nakikiburol sa pagkamatay ni Hesus
samantalang nakaitim ang pamilya nila Iyay at mas iniyakan nila ang pagkamatay
ng aso kesa Hesus. Nagpapakita lamang na mas meron pang relasyon o koneksyon
ang pamilya nila Iyay sa hayop kesa sa ama nilang namatay. Kahit sa pangalan ni Hesus at Hudas ay makikita mo ang contrast o irony.
One
helluva ride ang Patay na si Hesus. Hindi ko pinagsisihang panoorin ang
pelikulang ito.