Si Paul (Joross Gamboa) at Ivan (CJ
Reyes) ay magkababata na parehas nagtratrabaho sa Thailand. Nakilala ni Ivan si
Red (Prince Estefan) dahi kay Paul. Nag-resign si Paul sa trabaho bilang guro
dahil hindi niya ito passion. Sina Ivan at Red naman ay apat na taon ng
nagsasama at mag-celebrate ng anniversary bilang mag-boyfriend. Si Red naman ay
masaya sa pagiging bartender. Madalas siyang napapansin ng mga customers dahil
charming at maganda ang pangangatawan niya. Lingid sa kaalamam niya na matagal
na palang may lihim na pagtingin sa kanya si Paul. Nagdesisyon naman si Paul na
magbakasyon sa Siem Reap, Cambodia dahil ito ang kanyang paboritong lugar na
pasyalan at para makapag-isip isip din. Samantala, nanlalamig naman si Ivan kay
Red. Habang namamasyal si Paul ay nakilala niya si Tang (Ae Pattawan), isang
Thai gay porn writer. Sa kalasingan ni Paul sa bar ay inuwi siya ni Tang sa
tinutuluyang bahay. Bigla na lang naglahong bula si Ivan sakto sa 4th
anniversary nila ni Red. Kaya naman sa pagbalik ni Paul sa Thailand laking
gulat niya ng maglaslas ng pulso si Red. Inamin din ni Paul na mahal niya sa
Red ngunit patuloy pa rin siyang naghohold on sa kung ano ang meron sila ni
Ivan lalo't wala silang closure. Naging malapit naman sina Paul at Tang sa muli
nilang pagkikita. Nakahanap naman ng trabaho si Paul sa Ho Chi Minh, Vietnam
bilang wedding coordinator. Lumalim naman ang relasyon nila Paul at Tang.
Napagdesisyunan nilang maging mag-boyfriend. Sa hindi inaasahan, nagkita si
Paul at Ivan. Si Tang naman ay patuloy na inalagaan ang kanyang lolong may
Alzheimer's Disease. Sa pagtatagpo tagpo ng mga tauhang ito sino ang pipiliin
ng isa't isa upang punan ang pagmamahal na hinahanap ng bawat isa?
Ang pelikulang "I Love You.
Thank You." ay naglalarawan sa pagiging martir sa pag-ibig. May mga
tauhang umasa, pinaasa, pinaghintay, naghintay, sinaktan at nasaktan. Mga
kasangkapan na kapupulutan ng hugot na bentang benta sa millenial generation.
Ang napansin ko sa pelikula ay ang
mga sumusunod:
1. Verbose na dialogues na parang
nanonood ka ng isang stage play production o gay Woody Allen o gay Ingmar
Bergman film.
2. Kahit cheezy ang ilang mga
dialogues, muli, sure benta ito sa mga millenials.
3. Sadya bang masokista ang mga
karakter at mas pinili nilang masaktan na parang wala ng redeeming value na
naganap.
Sa kabilang banda, may mga
mahahalagang eksena sa pelikula tulad ng magkaroon ng trabaho si Paul sa Ho Chi
Minh at na-appreciate ng kanyang amo ang trabaho nya. Kahit may low self-esteem
si Paul ay nakatulong ang motivation ng amo nya para maniwala sa kanyang
sarili.
Maganda ang location ng pelikula.
Bumabagay sa mala-soul searching journey ni Paul.
Napanood ko si Joross Gamboa dati na
gumanap na bakla tulad ng cross-dresser role niya sa isang episode ng Maalala
Mo Kaya kasama si TJ Trinidad. Dito sa pelikula ay isa siyang discreet na
baklang may unrequited love sa karakter ni Prince Estefan. Napanindigan niya
ang kanyang role. Aabangan ulit siya sa pelikulang "Deadma Walking"
nila Edgar Allan Guzman.
Nakakatawa naman ang eksena bago
matapos ang pelikula kung saan nagtakbuhan ang mga karakter sa paghahabol sa
minamahal. Beshie ano to? My Bestfriend's Wedding? Buti na lang walang kasamang
ulan. Hahaha.
Gayunpaman, mas prefer ko pa din ang
isang gay movie na sinulat ng filmmaker ang "Daybreak" nila Coco
Martin at Paulo Rivero at ang kanyang dokumentaryong "Kung Giunsa Pagbuhat
ang Bisayang Chopsuey".
Ang maganda naman sa mga likha ng
filmmaker ay ipinapakita niya ang iba't ibang personalidad at karakter ng mga
bakla.