Sina
Commander Lai at Lt. Raiza Umali (Dionne Monsanto sa dual role) ay dalawang
babaeng nasa magkaibang panig na magkaiba ang paniniwala at ipinaglalaban.
Si
Commander Lai ay miyembro ng NPA (New People’s Army na nais madakip ang isang
makapangyarihang heneral na merong korapsyong kinasasangkutan. Samantala, si
Lt. Raiza Umali ay isang matapat na officer ng Philippine Army para tugisin ang
grupo nila Commander Lai.
Ano
ang kanilang magiging reaksyon at aksyon sa kanilang pagkikita sa hindi
inaasahang pagkakataon?
Ang
good points ng pelikula ay ang pagganap ni Dionne Monsanto ng dual role. Mula
sa accent at paggamit ng lengwahe sa dalawang karakter ay naitawid naman ng maayos
ang kanyang pagganap. Magaling din naman ang kanyang co-actors tulad nila Perry
Dizon bilang Heneral Rapatan at Dax Alejandro bilang Kapitan Nuñez.
Subalit,
naging preachy ang pelikula. Hindi ito faith-based film na ineexpect nating
lahat na mag-share ng gospel. Sa pelikulang ito naman, hindi malinaw kung ano ang
gustong iparating ng filmmaker. Maaari kasing isipin na isa itong propaganda o
binubuhay ng filmmaker ang kamalayan ng manonood sa mga kabuktutan sa ating lipunan.
Tungkol
sa usaping teknikal, hindi pulido ang editing. Hindi consistent ang
lighting. May bahaging masyadong madilim ang mga eksena na maaaring intensyon ng filmmaker.