Isa sa mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang BAR
BOYS. Mapapansing 2016 pa lamang ay nailabas na ang trailer nito.
Ang Bar Boys ay patungkol sa apat na magkakaibigang lalaking nangarap na
makapasok sa law school. Sa apat na magbarkada, tatlo ang nakapasa. Sina Eric
(Carlo Aquino), Torran (Rocco Nacino) at Chris (Enzo Pineda). Sa kasamaang
palad, hindi nakapasa si Josh (Kean Cipriano). Makikita sa pelikula ang proseso
ng tatlong karakter kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok at paano sila
naging matagumpay sa law school.
Para sa akin, interesting ang characters sa pelikula tulad ni Eric na
ginampanan ni Carlo Aquino. Sa grupo, si Eric ang mahirap ngunit matiyaga at
masipag mag-aral dahil alam nya ang kanyang kahinaan na hindi siya ganoong
katalino at isinasaalang alang niya na iginagapang ng kanyang ama na isang
security guard ang kanyang pag-aaral sa law school. Magaling si Carlo Aquino
dito at yumminess siya (hala! Ano to). Extension ng yummyness sa TV series na I
Will Survive.
Si Enzo Pineda ay gumanap bilang Chris. Ang eloquent at grade conscious
sa kanilang magkakaibigan dahil na rin sa gusto niyang patunayan sa kanyang
daddy na kaya niyang mag-excel sa law school sa Pilipinas. Mas gusto kasi ng
kanyang daddy na subukan niyang mag-aral ng law school sa Harvard. Kaya may
kondisyon ang kanyang dad para mag-stay siya sa Pinas yun ay hiwalayan ang
kanyang girlfriend na si Rachel (Anna Luna). Napansin ko ang gwapo masyado ni
Enzo dito at yummyness din siya dito (hala!) saka I believe big break nya ang
pelikulang ito. I also believe na greatest performance ni Enzo ang pagganap
niya sa Bar Boys. Magaling din si Anna Luna dito as girlfriend nya.
Si Rocco Nacino naman ay si Torran, ang happy-go-lucky sa barkada.
Supportive sa kanya ang nanay niya na ginampanan naman ni Mailes Kanapi. Sa
kalagitnaan ng pelikula, sumali siya sa fraternity para magkaroon ng koneksyon.
Isa na naman ito sa hindi niya malilimutang pelikula matapos "Ang Sayaw ng
Dalawang Kaliwang Paa."
Maraming supporting actors at characters ang nakakatuwa na mapanood
tulad ni Atty. Victor Cruz (Sebastian Castro) na noong una inakala nilang
classmate nila na nakasuot ng polo na may design na maraming saging at
nakatingin kay Eric.
Nakakatuwa yung eksena na pumunta si Eric sa office ni Atty. Cruz. Take
note: naka-boxers si Eric. (Kailangan ba talagang naka-boxers ang lalaki para
mang-akit? At kailangan sa pagpasok ng office talaga? Buti di siya nasita ng
guard. Sana napanood ni kneejerk kneecritic ang pelikula. Gusto ko malaman
reaksyon nya sa eksenang ito. Hahaha.) In fairness, sa chemistry ni Carlo at
Sebastian ha... panalo!
Kahit sa maiksing oras, natuwa din ako kay Hazel Faith Dela Cruz na
classmate nila Torran na naka-one night stand niya. May future si ate sa acting
career nya. Napanood ko siya sa "Ang Kababaihan ng Malolos" at
"4 Days". Nagalingan ako sa kanya sa "Ang Kababaihan ng
Malolos"' Nag-request pa siya ng round 2 ha. All the best kay ate
mag-round 2 at level up ang career at exposure niya sa mga future projects
niya.
Siyempre, maasahan na natin si Odette Khan bilang intimidating, strikto,
terror ngunit may pusong professor sa kanilang huling term sa law school.
Balanse ang atake ni Ms. Odette Khan mula sa terror professor hanggang sa
maging sympathetic siya sa character ni Carlo Aquino. Nakakaloka yung eksenang
tinanong niya si Carlo at ang sinagot ng binata, "I think". Bigla siyang
pinutol ni Odette at sinabing, "That's what you think!" Sinermunan
siya na dapat accurate siya at ang opinyon niya ay hindi makakatulong. Dapat
siyang maging nominado bilang Best Supporting Actress sa iba't ibang award-giving bodies.
Si Vince Larena na gumanap na Lord Master ng fraternity ay magaling din.
Menacing ang portrayal niya sa pelikula. Ramdam din ang pagiging terror professor ni direk Emmanuel Dela Cruz sa isang eksena kung saan ay tinanong niya ang ninerbyos, napaiyak at napa-walk out na babaeng estudyante.
Natuwa ako kay Mailes Kanapi sa pelikulang ito. Lalo na yung part na
excited siyang salubungin si Rocco Nacino para malaman ang result ng bar exam.
Kakaiba siya dito sa mga nauna niyang pelikula tulad ng Zombadings at Patay na
si Hesus.
Nalulungkot ako sa karakter ni Kean Cipriano na si Josh dahil hindi siya
binigyan ng maayos na story arc o character development. Agree ako kay Present
Confusion o devasishanti sa point nya. Pwede naman na tanggalin ang character
niya dahil kaya na nang tatlong lead characters na buhayin ang kwento o di kaya
gawan siya ng subplot na pwedeng suporta o magrepresent ng maayos na proseso sa
buhay niya kahit di siya nakapasa sa law school.
Trivia: Sa orientation at introductory scene sa law school, hindi dapat
si Ms. Maey Bautista ang magbibigay ng opening remarks. Ang eksenang ito ay
para kay Odette Khan ngunit may sakit si Ms. Odette sa araw na gagawin na niya
ang eksena kaya pinasinalo ito kay Ms. Maey.
Hindi man ako nag-aral sa law school pero sa panonood ko ng pelikula ay
naramdaman ko ang pressure sa law school.