“Pati ba naman
pagko-condom, pinakikialaman ninyo?”
“Jakol tayo.”
“Bakla lang nagkakaroon ng ganyan. Bakla ka ba?”
Isa sa pinakamahusay
na pelikula ng taong 2019 ang "Kalel, 15".
Si Kalel (Elijah
Canlas), 15, ay anak ng isang pari na sa murang edad ay nagkaroon ng HIV.
Ang binata ay
repleksyon ng isang fatherless generation.
Neglected at abandoned
siya ng kanyang magulang lalo ng kanyang ama kaya naman kitang kita sa kanyang
desisyon, kilos, salita at kaisipan ng binata. Hindi emotional available ang
parehas na ama at ina ni Kalel (Eddie Garcia at Jaclyn Jose) para sa kanya.
Kaya kitang kita din na kulang sa gabay, marupok at mapusok si Kalel. Ito ang
mga dahilan ng kanyang insecurities.
Gumawa pa ng alter
account ang binata at nasa masalimuot ding relasyon sa kanyang nobyang si Sue
(Gabby Padilla) para mapunan ang kakulangan na ipadama ang pagmamahal sa
tahanan. Masaklap pa nito ay nag-desisyon ang kanyang inang si Judith (Jaclyn
Jose) na iwan ang magkapatid na Kalel at Ruth (Elora Españo) dahil sa isang
lalaki. Idagdag pa ang kanyang ateng si Ruth na kahit pa hindi showy sa
pagmamahal niya kay Kalel ay nalulong naman sa droga dahil na rin sa
impluwensiya ng nobyo nito.
Hindi din malinaw kung
paano nakuha ni Kalel ang HIV. Sa mga huling sandali ng pelikula ay dama mo ang
galit ng binata sa mundo mula ng traydurin siya ng mga kaibigan niya, husgahan
siya sa kanyang Catholic school hanggang sa itakwil siya harap-harapan ng kanyang
amang pari.
Mahusay ang lahat ng
aktor mula sa bidang si Elijah Canlas at supporting actors Jaclyn Jose, Elora
Españo, Gabby Padilla, Dylan Ray Talon, Cedrick Juan, Timothy Castillo at isa
sa mga huling pagganap ni Eddie Garcia bago siya pumanaw.
Magaling ang paggamit
ng black and white pati ang cinematography. Mahusay din ang screenplay pati ang
direksyon ni Jun Lana.