Saturday, August 13, 2016

DO YOU BELIEVE: More than a faith-based movie



Pureflix Entertainment brought another remarkable movie after “The Encounter” (2010) and “God’s Not Dead” (2014). For several years, Pureflix developed quality faith – based movies. Do You Believe? (2015) is a movie that challenges our perception on how faith must be accompanied with works or deeds. With its ensemble acting including 1995 Academy Award Winner Mira Sorvino (Mighty Aphrodite, Romy and Michelle High School Reunion), Lord of the Rings series star Sean Astin, Cybil Shepherd (Taxi Driver, Chances Are), Delroy Lindo, Alexa PeƱavega (Spy Kids) and Lee Majors, it’s a must see film of the year!
Never have I seen a faith – based movie so far that discusses different struggles of various people with their decision to act or to move for what they believe. In last year’s groundbreaking effort and controversial God’s Not Dead, it showed different characters whether they compromise or not compromise their faith in a highly – pressurized environment. Five years ago, The Encounter placed five characters in difficult situations only to find out that they actually encounter Jesus Christ. In Do You Believe?, the film makers convey their messages clearly to anyone who believes in the Lord Jesus Christ. Not all people walking in the faith to our Lord have smooth sailing life. In the film, we observe characters that have active and inactive faith. We also see characters who are backsliders, doubtful, skeptical, atheist, needy, working progress, changed and transformed. These characters are human which we meet in our daily life. It could be our friends, family, relatives, classmates, workmates even church mates and pastors.
The film confronts in an in – depth level when it comes to faith and works or deeds. It’s not preachy because usually most faith – based movies tend to fall with that mistake. The movie experience let us reflect on what areas of our life are we lacking on faith. This movie is more than a faith – based feature because it encourages and motivates us to act or to move. We can watch a lot of inspirational and life – changing movies, as well as read self – help books, but if we’re not moved to change, it’s not effective and not intentional in molding our personal relationship with the Lord.
This movie reminds me of the Oscar winning film "Crash" (2005). This film is considered equal to the film in Christian cinema because of the technique and style.

(Originally posted last November 4, 2015 at https://m.facebook.com/notes/jim-paranal/do-you-believe-more-than-a-faith-based-movie/981722151871166/?refid=21&ref=bookmarks&_ft_)


SUING THE DEVIL: A thought provoking film



Malcolm McDowell appears in the Aussie flick "Suing the devil" as satan. No wonder that this is one of his villainous roles to date after his signature and breakthrough role as the brainwashed violent Alex deLarge in the highly-controversial Stanley Kubrick futuristic movie based on Anthony Burgess novel "A Clockwork Orange" (1971). In the film, McDowell plays satan. Luke O 'Brien (Bart Bronson) is a working progress Christian who sues satan for 8 trillion dollars. Sounds crazy right? This concept could have been created in comics or a stage play production.
Surprisingly, satan defends himself by hiring top lawyers in the world and let him show the world his powers. This becomes a trial of the century. Some critics might find the film laughable because of it's style and approach. The filmmakers want to make the movie in a lighter note by creating comic dialogues especially on part of satan. On the other hand, filmmakers see to it that the devil is not a reckoning force that can be underestimated. The enemy is depicted as a scheming, manipulative and strategic force. Luke, meanwhile, is not a perfect believer. In the film, he personifies a struggling Christian facing issues with his past.
The film has many flaws. For instance, the technicality of the legal case proceedings and processes even some unnecessary or irrelevant dialogues. On serious note, we can see the enemies deceptive ways. There are remarkable parts of the film that sticks to mind. Here as follows: 1. When top lawyers of the world were asked if they believe in God, all of them raised their hands. And the follow-up question "do they like God?", nobody raised a hand. 2. In a mini-tribute to the Tom Cruise-Jack Nicholson courtroom drama "A Few Good Men" (1992), Luke said that he wanted to know the truth. The devil responded, "You can't handle the truth!".
3. Suddenly, the opponent or defendant let his lawyers allow to show that he's not the devil by tricking them because his mental condition. 4. The devil let him show his power to court terrifying all of the people inside the court. Well, there's a spoiler alert. Better watch out. It's still a thought-provoking movie. It's giving the audience an idea that the devil trick is to let people forget God.Trivia: According to imdb.com, LA Times reported the film as one of the most illegally-downloaded movies of 2012.

(Originally posted last May 5, 2016 at https://mobile.facebook.com/notes/?id=100000288026080&refid=21#)



"HENERAL LUNA: Heneral ng Bayan - Kahapon, Ngayon at Bukas"





Maipagmamalaki talaga ang pelikulang Pilipino dahil sa wakas ay dumating ang isang Heneral Luna. Isang malaking karangalan kapag magkaroon ng nominasyon sa darating na Oscars o AMPAS (Academy Motion Pictures of Arts and Sciences o Academy Awards) bilang Best Foreign Language Film kahit ang mahusay na pagganap ni John Arcilla kapag nabigyan ng nominasyon sa Best Actor in a Leading Role.

Sa maingat na pagtalakay ng isang makasaysayang tao, nabigyang buhay ni John Arcilla ang messianic, eccentric at multi - faceted na tauhan na maaaring isang bayani o hindi sa iba. Makikita ang isang komiko ngunit seryosong pagganap ni Arcilla. Kadalasan, seryoso lamang ang pagganap sa mga makasaysayan at makabuluhang karakter. Naipakita ni Arcilla ang maka - taong pagganap na may kontrol, balanse at consistency. Habang pinapanood ko ang pelikula, sa kanyang pagganap ay naalala ko si Peter O' Toole bilang T. E. Lawrence sa epikong pelikulang Lawrence of Arabia. Mapapansin din na may pagkakahalintulad ang pagganap niya sa karakter na ginagampanan ni Johnny Depp sa iba nyang pelikula. Karapat - dapat lamang na magwagi ng Grand Slam si Ginoong John Arcilla sa pelikulang ito. Magaling din ang kanyang mga katuwang na aktor na sina Epi Quizon, Joem Bascon, Archie Alemania, Mon Confiado, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, Lorenz Martinez, Aaron Villaflor, Alex Medina at iba pa.

Sa simula ng pelikula, inilahad ng filmmakers na ito ay kathang isip na bunga ng masalimuot na pananaliksik. Makabago ang pagkakagawa sa pelikula mula sa editing at approach at istilo nito. Magaling ang pagkakadirek ni Jerold Tarrog maski sa iskrip, musika at sinematograpiya.

Habang pinapanood ko ang pelikula, naalala ko na naman ang mga Hollywood period films tulad ng mga likha ni Edward Zwick na Glory (1989) at Legends of the Fall (1994). Maaaring mahanay sa mahalagang pelikulang Pilipino ang Heneral Luna. Maalala na binigyang buhay din ang karakter na Heneral Antonio Luna ni Christopher De Leon sa pelikulang El Presidente (2012). Sa El Presidente ay maliit lamang ang partisipasyon ng tauhan. Sa pelikulang Heneral Luna, mas nabigyan ng makulay na paglalahad at unconventional na buhay ng isang tao na marahil ay nalimutan na ng makabagong henerasyon. Mabuhay ka, Heneral Luna!

(Originally posted from https://m.facebook.com/notes/jim-paranal/heneral-luna-heneral-ng-bayan-kahapon-ngayon-at-bukas-ni-jhim-para%C3%B1al/965412236835491/?refid=21&_ft_&__tn__=H last September 23, 2015)

WHISTLEBLOWER (2016): Highly conceptualized political thriller na pelikula pero bitin


Noong nakaraang Biyernes, napanood namin ng aking kaibigan ang pelikulang WHISTLEBLOWER. Pinagbibidahan ito ng nag-iisang Superstar Nora Aunor kasama sina Cherry Pie Picache, Angelica Panganiban at Laurice Guillen. Masasabing napapanahon ang kwento ng pelikula. Maaaring ilang taon na ang nakakalipas ng mangyari ang eskandalo ng mga Napoles ukol sa korapsiyon ng PDAF at mga gawa-gawang NGO's pero palaisipan pa rin kung ano ang resulta ng imbestigasyon. Tumugma ang kwento ng pelikula sa matagal na pinag-usapang kontrobersiya na sangkot ang ilang malalaking pangalan sa pulitika.

Si Cherry Pie Picache ay si Lorna. Ginampanan niya ang tauhan ng may pagka multi-dimensyonal. Maaaring maikumpara ang kanyang tauhan kay Janet Napoles. Ipinakita sa pelikula na hindi lamang pasimuno sa ilegal na gawain si Lorna kundi biktima din ng pang aabuso. Si Nora Aunor ang gumanap kay Zeny na tinutukoy sa pamagat ng pelikula. Si Zeny naman ay naipit sa sitwasyong hindi nya matakasan dahil maski siya ay bahagi nito. Si Angelica Panganiban naman ay si Teresa. Isang mamamahayag na uhaw sa katotohanan. Masasabing highly-conceptualized ang pelikula at risky ito dahil ito ay tumatalakay sa isang isyung pang-pulitikal.

Gumamit ang direktor ng napakaraming flashbacks para maipaliwanag ang motibo at pinanggagalingan ng mga tauhang sina Lorna at Zeny. Kapansin-pansin na pinabilis ang mga pangyayari sa bandang huli ng pelikula kaya lumabas itong bitin. Nakakalungkot lamang dahil meron sanang mas magandang naging katapusan ang kwento ng pelikula. Mapapansing nawalan ng pokus ang pelikula dahil na rin sa maraming gustong iparating na mensahe at hindi rin masyadong na-establish ang kabuluhan ng ibang tauhan kung ano ba ang relasyon o kaugnayan nila sa pangunahing tauhan tulad ng mga ginampanang karakter nila Sharmaine Arnaiz, Lloyd Samartino, Laurice Guillen, Leo Rialp, Benjamin Alves at Bernardo Bernardo.

Kahanga - hanga naman ang pagganap bilang supporting na aktres ni Ina Feleo. Maaaring maraming political drama/thriller na nagawa na noon kahit panahon pa lang nila Brocka at De Leon. Nariyan ang Sa Kanila ng Lahat (1991) maski ang Luksong Tinik (1999). Naiiba naman ang kwento nito sa mga pelikulang nabanggit. Nakakatakot lamang isipin na dahil sa kinalabasan ng pelikula ay makalimutan ito ng mga manonood.

(Originally posted last April 9, 2016 at https://m.facebook.com/notes/?id=100000288026080&refid=21#)

MA ROSA: Higit sa lahat isa kang ina




Magkahalo ang aking damdamin habang nanonood ng pelikulang Ma' Rosa. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng ganitong damdamin? Marami ang gustong makapanood sa pagkakaganap ni Jaclyn Jose sa pelikula matapos siyang manalo ng prestihiyosong Cannes Film Festival Best Actress ay naging usap - usapan o talk-of-the-town ito. Isa na naman ito sa mga hindi malilimutang pagganap ni Jaclyn Jose. Isa rin itong hindi makakalimutang kwento ng isang ina.
Tanyag si Binibining Jose sa kanyang underacting. Tinagurian rin siyang "ang babaeng walang emosyon". Sa pelikulang ito ay kanyang ipinakita ang natural na pangyayari sa pang araw-araw na buhay kung paano ang isang ina ay itaguyod ang kanyang pamilya kahit pa siya'y kumapit sa patalim. Si aling Rosa o Ma' Rosa ay may sari-sari store ngunit siya rin ay nagbebenta ng droga. Naging magulo ang lahat ng siya'y mahuli kasama ng kanyang asawa ng mga pulis. Maraming isyu ang tinalakay sa pelikula tulad ng kahirapan, korapsyon, droga at prostitusyon. Sumasalamin ang pelikula sa bulok na sistema ng lipunan kaya rin ito ay napapanahon. Samantala, nakatanggap ng magkahalong reaksyon ang mga kritiko kung bakit si Jaclyn Jose ang nagwagi sa Cannes bilang Best Actress. Masasabi kong medyo nakuha ko ang kanilang point of view.
Sa pelikula, pantay pantay na binigyan ng pagkakataon ng direktor ang bawat tauhan pati na rin ang pagkakaganap sa kanila ng mga aktor. Walang nag-outshine o nag-upstage sa kanila. Subalit, ang huling eksena sa pelikula kung saan ay kumain ng squid ball o chicken ball si Jaclyn ang nag-angat sa kanya. Naramdaman ko ang desperasyon at pagod ng tauhan kahit hindi ko naranasan ang nangyari sa kanya. Nagawa kong kumunekta sa bahaging iyon ng tauhan lalo pag dumadaan sa krisis. Mahusay ang bawat aktor sa pelikula dahil walang nagpatalbugan sa kanila.
Magaling ang mga aktor na sina Felix Roco, Julio Diaz, Andi Eigenmann, Jomari Angeles, Baron Geisler, Ruby Ruiz, Kristoffer King at iba pa. Hindi lang agaw-eksena sa pag-rampa ng kanyang gown pati ang maikling pagganap ni Maria Isabel Lopez sa pelikula. Mahusay ang aspetong teknikal at istilo na talagang tatak Brillante Mendoza. Humanga ako sa ginamit na musika at tunog sa pelikula. Sa totoo lang, napaka-swerte ni Jaclyn Jose na siya lamang ang nakakuha ng parangal sa Cannes dahil lahat sila ay mahusay. Kung matatandaan, ginawaran ng pantay na karangalan ang pangunahin ay pangalawang aktor sa pelikulang Volver (2006) ni Pedro Almodovar at Long Day's Journey into the Night (1962). Sana ganoon din ang nangyari sa Ma' Rosa.
May mga hindi ako malilimutan eksena sa pelikula tulad ng mabaon sa putik ang sapatos ni Erwin (Jomari Angeles) na ipinakitang simbolo na lahat ng paraan ay gagawin nya makatulong lamang sa paglaya ng ina. Gayundin, ang madulas si Raquel (Andi Eigenmann) sa daan na simbolo ng desperadong sitwasyon nila. Maihahanay ang pelikulang Ma' Rosa na tatatak sa mga mahahalagang pelikula ni Brillante Mendoza. Tunay na world-class at pang-internasyonal! Maaaring may ibang magulat sa atake sa pelikula dahil ipinakita ang tunay na lagay ng ating lipunan tulad na lamang ang mga murahan. Sa kabilang banda, si Ma' Rosa ay babae at higit sa lahat ay isang ina.


(Originally posted last July 6 at https://mobile.facebook.com/notes/?id=100000288026080&refid=21#)

PAUWI NA AT PAGLIPAY: mga pelikulang kalahok sa kauna-unahang Tofarm Festival

Noong nakaraang linggo, mapalad ako na mapanood ang dalawang pelikulang kalahok sa kauna-unahang Tofarm Festival dito sa Pilipinas dahil libre.



Una kong napanood ang pelikulang PAUWI NA sa direksyon ni Paulo Villaluna. Kinatatampukan ito ng mga batikang aktor na sina Bembol Roco, Cherry Pie Picache at Meryll Soriano. Kasama rin si Jerald Napoles, Jess Mendoza, Chai Fonacier at Shamaine Centenera-Buencamino. Tungkol ito sa mahirap na pamilya na sa kahilingan ng ama na umalis sa mahirap na pamumuhay sa Maynila dahil umasa siya noon na magkaroon ng magandang buhay dito ngunit hindi ito natupad ay ninais na lamang na bumalik sa kanyang probinsya. Dahil sa kawalan ng pera ay gamit lamang nila ang payak o side car para bumiyahe.
Si Bembol Roco ang gumanap na mang Pepe, ang padre de pamilya. Si Cherry Pie Picache ay si Remedios, isang labandera. Si Meryll Soriano naman ay si Isabel, ang bulag na asawa ni JP (Jerald Napoles). Si JP ay may bunsong kapatid na si Pina (Chai Fonacier), isang tindera. Samantala, nakikita ni Isabel si Jesus (Jess Mendoza). Kahirapan ang pangunahing tema sa pelikula. Ipinakita rin sa pelikula ang pagbubuklod ng pamilya kahit sa oras ng kagipitan. Dark ang atake sa pelikula pero nabawi ito sa ilang nakakatawang dayalogo at sitwasyon. Mahusay din ang mga aktor sa pagkakapanalo sa kanilang mga karakter. May mga eksena sa pelikula na para bang ang mga tauhan ay nakikita at nakakausap lang natin minsan pa nga ay hindi natin napapansin. Isa mga hindi makalimutang eksena sa pelikula ay ang pagtawid ng buntis na si Isabel (Meryll Soriano) sa Commonwealth sapagkat naiwan siya ng kanyang asawa habang tinatawid ang delikadong daan. Isa pang nakakatawang eksena ay ang paglalaba ni Remedios sa mga damit na may dumi at regla.
Sa unang bahagi, ipinakita ang nakapanlulumong sitwasyon nila dito sa siyudad. Sa kalaunan ay naging road movie ito dahil sa kanilang pakikipagsapalaran upang makabalik ang kanilang ama sa probinsya nito gamit ang padyak. May eksena na kung saan ay inilagay sa black and white ang tila ba daydream o sadyang irony sa sitwasyon ng mga tauhan. Isa sa hindi makalimutan eksena ay ang dance-to-death scene ni Pina. Naalala ko naman sa karakter ni Pepe si Enrico "Ratso" Rizzo na ginampanan ni Dustin Hoffman sa pelikulang Midnight Cowboy. Tulad ni Ratso, may sakit sa baga si Pepe at gusto rin niyang makabalik sa probinsya. Sa pelikulang ito, inilarawan si Jesus bilang imaginary friend ni Isabel. Si Jesus dito dahil sa imaginary friend ay ipinakitang naninigarilyo at may paniniwalang walang impiyerno.
Ang pelikulang "Pauwi Na" ay masasabing dark at bleak sa pagtalakay ng buhay. Sa huling eksena, naipakita pa rin na kahit sa dami ng hindi magandang nangyari sa mga tauhan ay may natitira pa ring pag-asa at kailangan ay magpatuloy sa buhay.


Samantala, natutuwa naman ako sa pelikulang "Paglipay" sa direksyon ni Zig Dulay. Tungkol ito kay Atan (Garry Cabalic) mula sa tribo ng mga Aeta na gustong ikasal kay Ani (Joan Dela Cruz) kaya nagsusumikap siya upang mabayaran ang bandi o dowry na napagkasunduan nila at ng magulang ni Ani. Hindi mabuo ni Atan ang bandi o dowry kaya naisipan n'yang magtrabaho sa bayan. Dito niya nakilala ang estudyanteng si Rain (Anna Luna) at nagbago ang kanyang pananaw.
Napakaganda ng sinematograpiya ng pelikula. Ipinakita ang mga magandang tanawin sa bahaging ito ng Zambales. Ipinakita rin dito ang lugar na naging apektado ng lahar. Tinalakay ang mga sosyoekonomiko at politikal na sitwasyon ng mga aeta matapos masalanta ng lahar. Magaling ang paghahabi sa kwento sapagkat ipinamalas ng direktor ang mga isyu tungkol sa pagbabago ng panahon, pagmimina, at ilang pagbabago sa tradisyon at ang mga tradisyong nais pang hawakan ng mga aeta tulad ng kaingin, pagpapakasal ng kulot sa kulot at unat ay sa unat. Magaan ang approach sa pelikula. Mahusay ang pag-arte ng mga aktor. Ayon sa trivia, kumuha talaga ng mga aeta ang film makers upang maging makatotohanan ang pagganap. Tinuruan at dumaan pa sa workshop ni direk Zig si Garry at ilang aeta cast members sa pag-arte.
Natutuwa ako sa kinalabasan dahil natural ang pag arte ng aeta cast members. Talaga namang lumitaw ang kahusayan ni Anna Luna bilang Rain. Naalala ko siya sa mga teleserye tulad ng Pure Love at Oh my G. Ang kanyang karakter na si Rain ay pilit na nag-move on sa bigong pag-ibig. Pinapaalala nya ang isang tauhan sa isa pang indie film habang pinapanood ko. Tulad ni Mace (Angelica Panganiban) ng That Thing Called Tadhana ay matindi ang hugot ng babaeng karakter. 
Nang magkaroon ng koneksyon ang dalawang tauhan - sina Atan at Rain, nagkaroon din ng pagbabago sa kanilang mga pananaw. Nagkagusto si Atan kay Rain samantalang si Rain ay mas lumaki ang respeto sa mga aeta. Hindi ko na sasabihin ang ilang bahagi ng pelikula. Ayoko maging spoiler. Ang pelikulang Paglipay ay sumasalamin sa isang tao nahaharap sa pagbabago ng panahon at buhay. Si Atan ay nagrerepresenta sa mga taong naharap sa ganitong sitwasyon. 

(Originally posted last July 28, 2016 at https://m.facebook.com/notes/?id=100000288026080&refid=21#)