Sa paggunita ng ika-45 taon ng batas militar ng ideklara ni Ferdinand Marcos sa Pilipinas, inihandog ng GMA News and Public Affairs ang "Alaala: A Martial Law Special". Ito ay isang docu drama hango sa buhay ng kilalang manunulat at aktibistang si Bonifacio Ilagan. Si Ilagan rin ang sumulat ng script at ang award-winning na si Adolf B. Alix, Jr. ang direktor. Katuwang ni Alix sa pagdidirek si Rember Gelera.
Si Alden Richards ang gumanap bilang Bonifacio Ilagan. Si Ilagan ay chairman ng Kabataang Makabayan ng Diliman. Habang nagra-rally noong First Quarter Storm ay nakilala niya si Jose "Pete" Lacaba (Rocco Nacino). Si Lacaba ay sikat na manunulat na iniidolo ni Ilagan . Parehas ang paninindigan ni Lacaba at Ilagan na mapigilan ang pang-aabuso sa karapatang pantao. Kaya naman noong ideklara ni Marcos ang batas militar noong ika-21 ng Setyembre, 1972 ay sumali sa underground si Boni na sinundan din ni Pete.
Samantala, labis ang pag-aalala ng ina ni Boni na si Sara (Gina Alajar) sa mga ipinaglalaban ng kanyang anak. Namulat naman ang kapatid ni Boni na si Rizalina o Lina (Bianca Umali) sa mga pang-aabuso ng karapatang pantao. Malaki ang naging papel at impluwensiya ni Boni kay Lina kaya sumama din sa Kabataang Makabayan ang dalaga.
Nahuli sa isang raid ang magkaibigang Boni at Pete. Dito silang dalaw ay nakaranas ng matinding torture. Gumawa naman ng paraan si Sara upang makita ang anak. Dito ipinakita ni Boni ang bakas ng torture sa kanya. Sa sumunod na pagdalaw ni Sara kay Boni, nagpaalam naman sa kanya ang kapatid na si Lina dahil madedestino siya sa malayong lugar.
Nakalaya naman si Pete sa tulong ni Nick Joaquin ng tanggapin niya ang pagiging National Artist ngunit napatay naman ang kapatid niyang si Eman. Sa paglaya ni Boni, naging aktibo si Lina sa kilusan. Ito rin ang naging dahilan sa pagkawala ni Lina at mapabilang sa Desaparecidos.
Ang ilang bahagi ng docu-drama ay mga interviews kanila Boni Ilagan, Pete Lacaba, Adolf Alix Jr., Michael Pante, Dr. Jose Victor Torres, Nilda Lagman-Sevilla, Edita Burgos, JC Mijares-Gurango, Francisco Rodrigo Jr., Atty. Susan Villanueva, Alden Richards at Rocco Nacino. Ipinakita rin ang ilang behind-the-scenes at pre-production ng special.
Sa una'y aakalain mong miscast si Alden Richards subalit napakahusay niya sa kanyang pagganap. Isa ito sa mga challenging role na kanyang tinanggap. Isa rin ito sa hindi malilimutang pagganap ni Alden. Matatandaang gumanap si Alden Richards bilang Jose Rizal sa mini-series na "Ilustrado" ilang taon na ang nakakalipas. Natutuwa ako sa honesty niya ng makaharap niya si Boni Ilagan na wala siyang malawak na kaalaman sa Martial Law at magre-research siya bago ang shoot ng production. Makikita mo ang kanyang sinceridad at dedikasyon bilang aktor na maganda ang kinalabasan ng kanyang portrayal. Pinaghandaan at pinag-aralan nya ang kanyang role. Maaari na naman siyang maging nominado at manalo bilang Best Actor dito.
Magaling rin si Rocco Nacino bilang Pete Lacaba. Isa ito sa hindi malilimutang pagganap ng aktor matapos ang kanyang pagganap sa "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" bilang isang mananayaw na may lihim na pagtingin sa kanyang kaklase na kapwa niya lalaki, mini-series "Bayan Ko" bilang isang may integridad na alkalde, "Burgos" bilang Jonas Burgos, anak ni Edita Burgos, isang desaparecidos at "Bar Boys" bilang happy-go-lucky law student na pumasok sa fraternity. Second cousin ng ina ni Rocco si Pete Lacaba.
Maasahan natin ang husay sa pagganap ni Ms. Gina Alajar bilang Sara, ina ni Boni, na gagawin ang lahat para sa anak. Nakakaiyak ang eksena kung saan kausap niya si Lina at sinabing, "hindi ako iiyak, hindi ako maghihinagpis" habang pinipigilan ang kanyang pag-iyak.
Magaling din si Cedrick Juan bilang Abe, kasamahan nila Boni at Pete sa underground. Kahit sa maikling oras ay dama mo ang pagiging sanse ni Angelina "Mailes" Kanapi.
Naiiba naman ang pagganap ni Bianca Umali bilang Lina. Hindi siya pa-tweetums dito bagkus ipinakita niya rito na kaya niyang gampanan ang isang soft-spoken na karakter ngunit matatag.
Mahusay ang direksyon at script ng docu drama. Magaling ang paggamit ng musika at tunog dahil ramdam ang tensyon noong panahon ng diktadurya.
Nakakakilabot ang torture scene lalo na sa eksenang ipinasok sa ari ni Boni ang isang bahagi ng hibla nang walis tingting maski ang pananakot sa kanya at kay Pete.
Noong college days ko, nagkaroon ng one day free scriptwriting workshop sa UP sabi si Ricky Lee daw. Pagdating namin sa UP, hindi si Ricky Lee kundi si Bonifacio Ilagan ang naabutan namin. Hindi naman ako nagsisi dahil may natutunan ako sa kanya. May kaibahan din sa paniniwala sa pagsulat ng script ang dalawa. Naikwento nya na sumama sa underground movement siya, si Ricky Lee at si Pete Lacaba. At ang isang indie film na sinulat nya ang pamagat ay "Sigwa" (2010) na pinagbibidahan nila Lovi Poe, Dawn Zulueta at Zsa Zsa Padilla.
Si Jose "Pete" Lacaba naman ay isang batikang manunulat at aktibista noong batas militar. Kinikilala ang kanyang galing sa pagsulat ng script tulad sa mga pelikulang "Bayan Ko: Kapit sa Patalim" (1985) na pinagbibidahan nila Gina Alajar at Philip Salvador sa direksyon ni Lino Brocka, Sister Stella L. (1984) kasama si Vilma Santos sa direksyon ni Mike De Leon, Orapronobis (1989) at Jaguar (1979) mga pelikulang dinirek ni Lino Brocka at Segurista (1996) sa direksyon ni Tikoy Aguiluz.
Sa docu drama ni Sari Dalena na "Dahling Nick" (2015) tinalakay din ang pagpapalaya kay Pete Lacaba nang tanggapin ni Nick Joaquin ang pagiging National Artist.
May mga ilang political films akong napanood na ipinakita ang buhay noong batas militar tulad ng mga sumusunod: "Bayan Ko: Kapit sa Patalim" at "Sister Stella L." na isinulat ni Pete Lacaba, "Dekada '70" (2002) hango sa nobela ni Lualhati Bautista, "Eskapo" (1995), "Gumapang Ka sa Lusak" (1990) kung saan gumanap si Charo Santos bilang mala-Imelda Marcos na asawa ng tiwaling alkalde. Naging inspirasyon din ang kwento ng martial sa mini-series na "A Dangerous Life" noong 80's kasama sina Gary Busey, Dina Bonnevie, Tessie Tomas bilang Imelda Marcos, Ruben Rustia bilang Ferdinand Marcos at Laurice Guillen bilang Corazon Aquino. Ilan lamang ito sa mga pelikulang makakapagbigay sa manonood ng kaalaman noong martial law.
Ang kaibahan ng "Alaala" ay nirereach out nito ang millenial generations upang maging mulat sa mga nangyari sa batas militar na naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipino. Maganda rin ang naging resulta ng matinding pananaliksik ng docu drama dahil nagbibigay din ito ng impormasyon patungkol sa ibang kalagayan noong martial law.
Kung makakagawa ulit ng ganitong produksyon ang GMA, maaari na uling gumawa ng mga critically-acclaimed na pelikula ang GMA Films tulad ng Sa Pusod ng Dagat (1998), Jose Rizal (1998), Muro-Ami (1999), Saranggola (1999) at Deathrow (2000).
Tunay na maipagmamalaki ng GMA News and Public Affairs ang "Alaala: A Martial Law Special".