Hango sa PETA stage
play musical ni Vincent De Jesus ang pelikulang "Changing Partners"
na isa sa narrative features entry ng Cinema One Originals 2017.
Ang pelikula ay tungkol sa romantic relationship nila Alex (Agot Isidro and Jojit Lorenzo) at Cris (Sandino Martin at Anna Luna). Makikita natin ang mga lambingan at bangayan sa kanilang relasyon na umabot ng anim na taon. At ang misteryosong pagkasangkot ng isang mahiwagang Angel na magiging sanhi ng lamat sa relasyon.
Ang pelikula ay tungkol sa romantic relationship nila Alex (Agot Isidro and Jojit Lorenzo) at Cris (Sandino Martin at Anna Luna). Makikita natin ang mga lambingan at bangayan sa kanilang relasyon na umabot ng anim na taon. At ang misteryosong pagkasangkot ng isang mahiwagang Angel na magiging sanhi ng lamat sa relasyon.
Dual characters with
same name ang ginampanan ng mga actors. Si Alex na ginampanan nila Agot Isidro
at Jojit Lorenzo ang mas nakakatanda sa romantic relationship na ito. Parehas
din nilang ginampanan ang older straight at gay characters. Samantalang, sina Sandino
Martin at Anna Luna naman ang gumanap na Cris ang mas nakakabatang straight at
gay characters sa romantic relationship kung saan umikot ang kwento.
Bihira ako makapanood ng musical films sa pelikulang Pilipino na relatable sa millenial generation.
Risk o gamble ang ganitong genre at hindi basta musical film ang "Changing Partners". Tinatalakay pa ng pelikula ang LGBT issues o same sex romantic relationships, May-December love affair sa straight at same-sex couples pati ang live-in. Sa naalala ko, Rent ang napanood ko na pelikula na base rin sa isang musical ang tumalakay sa homosexuality. Hanga ako kung paano na-execute ni Dan Villegas ang pelikula dahil sensitibo at iba iba ang layers ng pakikipagrelasyon ang inilahad sa pelikula lalo pa at ito ay halaw sa isang stage play musical. Natranslate sa screen ng maayos ang realistic take sa isang romantic relationship na ipinakita rin ni direk Dan Villegas sa "All of You". Mahusay din ang screenplay nila Vincent De Jesus at Lilit Reyes.
Hinangaan ko ang editing ng pelikula dahil tumatalon at nagpapalit ang isang eksena sa dual characters. Hindi biro at hindi din simple ang ganyang style.
Stand out si Jojit
Lorenzo sa kanyang pagganap bilang Alex. Convincing siya sa older straight male
character at effective siya sa older gay male character. Mapapansing lumabas si
Jojit sa tatlong pelikulang required siyang kumanta. Dalawa rito ang musical
film na "Changing Partners" at "Ang Larawan" pati sa
musical production number sa Deadma Walking. Tulad ng kanyang kapareha sa
pelikulang si Sandino Martin ay parehas din itong lumabas sa musical films
"Changing Partners" at "Ang Larawan". Sakto ang pagiging
gay lover at younger lover ng isang older woman si Sandino Martin. Yung
kagwapuhan niya kasi ay benta mapa-babae o bakla man. hehehe. Moreno, gwapo at
kumakanta kulang na lang sayawan na kaming manonood. Maaasahan na natin si Agot
Isidro sa kanyang galing sa pag-arte at pag-awit pati sa pagtanggap ng role
bilang lesbian at older straight woman sa straight at same-sex relationship.
Ganoon din naman si Anna Luna. Bongga si Anna Luna. Siya na ang supporting
actress ng taon. Lumabas sa Maestra, Bar Boys at Changing Partners idagdag mo
pa ang Paglipay.
Kakaibang experience mapanood ang Changing Partners.