Sunday, June 2, 2019

FREEDOM WRITERS (2007)



Nagagandahan ako sa pelikulang ito. May moments na naiyak pa ako.

After "Dangerous Minds" (1994) starring Michelle Pfeiffer, "Music of the Heart" (1999) starring Meryl Streep at Coach Carter (2005) starring Samuel L. Jackson, ito yung pelikulang tungkol sa teacher na naging instrument para mabago ang buhay ng kanyang mga estudyante na may iba't ibang nationality, background at trials sa buhay.

Talagang hindi maiiwasan na ma-attach ang mga estudyante sa teacher at sa section nila kasi unconventional teacher si Erin (portrayed by Hilary Swank). Kung sa "Music of the Heart" ay musika ang ginamit para mabago ang buhay nila at sa Dead Poets Society (1989) ay poetry ang naging inspirasyon, dito naman sa "Freedom Writers" ang freestyle writing naman ang naging daan para ipahayag nila ang saloobin sa iba ibang sitwasyon ng estudyante. Nakakalungkot lang ang nangyari sa marriage ni Erin dahil na rin siguro sa wala na rin siyang oras sa asawa niya.

After You're Not You (2014), ito ang pelikula ni Hilary Swank na inspiring at heartwarming. Kakatuwa si Imelda Staunton dito parang showdown nila ni Hilary Swank after parehas silang nominee ng Oscar Best Actress na ang nanalo ay si Hilary Swank for Million Dollar Baby (2004).

THE HUNT (2012)



Nabanggit ni direk Erik Matti ang pelikulang "The Hunt" (2012) sa isang horror film forum ng Cinema One Originals few years ago. Ang description niya pa dito sa pelikula ay "hindi horror pero nakakatakot if mangyari sa'yo". Naniniwala na ako sa kanya ng mapanood ko ito.

Noong 30's, si Lillian Hellman ay gumawa ng stage play entitled "The Children's Hour" kung saan nagkaroon ng film adaptation noong 30's at mas kilala ang 1961 film adaptation na sina Shirley MacLaine at Audrey Hepburn ang bida. Tungkol ito sa spoiled brat na babaeng estudyante na nagsinungaling to get even sa kanyang mga school headmistresses. Kumbaga malaki ang nagawa ng isang problem child na merong issues at home.

Ang pelikulang "The Hunt" ay hindi din nalalayo dito dahil naging biktima ng kasinungalingan ng isang batang babae si Lucas (Mads Mikkelsen). Napakahusay ni Mads Mikkelsen sa pelikula. Deserving na manalong Cannes Film Festival Best Actor si Mikkelsen. Gustong gusto ko ang eksena sa simbahan kung saan nagkaroon sila ng komprontasyon ang ama ng bata na bestfriend nya din.

Ang Brazil din ay nagkaroon ng sarili nilang version ng "The Hunt" na napanood ko noong nakaraang taon. Ang pamagat naman ng pelikula ay "Liquid Truth" (2017). Ang kaibahan sa mga pelikula ay kung paano kumalat ang kasinungalingan sa pagtsismis. Sa "Liquid Truth" ay mas mabigat dahil kumalat ang tsismis sa social media.

QUEZON'S GAME




Isa sa pinakamahalagang pelikula ng taon ang QUEZON'S GAME. Importanteng mapanood ang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na maaaring ngayon ay limot na ng ating henerasyon. Napakahusay ng pagganap ni Raymond Bagatsing bilang Manuel Quezon. So far, ito ang kanyang best performance matapos ang pagganap niya bilang Nick Joaquin sa "Dahling Nick". Hinangaan ko ang karakter ni Quezon lalo na sa kanyang leadership. Hindi man siya perpekto pero nanindigan siya na gawin ang tama na patuluyin sa ating bansa ang mga Hudyo para maligtas kay Hitler. Kitang kita sa pelikula ang mabusising pananaliksik kaya nag-pay off ito sa script. Magaling din ang direksyon at sinematograpiya. So far, ito ang paborito kong pelikula ng taon.

Hanga din ako sa istilo ng pelikula. Sa title card pa lang ay ibinase na ito sa mga 30's o 40's movies. May mga shots sa ilang eksena na maaaring kinuhang basehan ang pelikulang "The Conformist" ni Bernardo Bertolucci at ang mga classic na 30's at 40's movies.

Maaari ring maihalintulad kay Oskar Schindler ng Schindler's List ang ginawang desisyon ni Manuel Quezon.

Kung sa "Ang Larawan", si Rachel Alejandro ay gumanap na Paula. Isa sa magkapatid na babaeng napag-iwanan na ng panahon dahil ikinubli nila ang kanilang sarili sa mga pagbabago ngunit sa huli ay napalaya ang sarili. Dito naman sa Quezon's Game ay malaki ang naging papel niya bilang asawa ni Quezon. Isa rin siya sa nagbigay ideya o mungkahi sa kanyang asawa. Mahusay din si Billy Ray Gallion bilang Alex Frieder na siyang nagmalasakit sa mga kababayan niyang Hudyo.

Tunay na maipagmamalaki ang "Quezon's Game". It's a must see.