Sunday, June 2, 2019

QUEZON'S GAME




Isa sa pinakamahalagang pelikula ng taon ang QUEZON'S GAME. Importanteng mapanood ang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na maaaring ngayon ay limot na ng ating henerasyon. Napakahusay ng pagganap ni Raymond Bagatsing bilang Manuel Quezon. So far, ito ang kanyang best performance matapos ang pagganap niya bilang Nick Joaquin sa "Dahling Nick". Hinangaan ko ang karakter ni Quezon lalo na sa kanyang leadership. Hindi man siya perpekto pero nanindigan siya na gawin ang tama na patuluyin sa ating bansa ang mga Hudyo para maligtas kay Hitler. Kitang kita sa pelikula ang mabusising pananaliksik kaya nag-pay off ito sa script. Magaling din ang direksyon at sinematograpiya. So far, ito ang paborito kong pelikula ng taon.

Hanga din ako sa istilo ng pelikula. Sa title card pa lang ay ibinase na ito sa mga 30's o 40's movies. May mga shots sa ilang eksena na maaaring kinuhang basehan ang pelikulang "The Conformist" ni Bernardo Bertolucci at ang mga classic na 30's at 40's movies.

Maaari ring maihalintulad kay Oskar Schindler ng Schindler's List ang ginawang desisyon ni Manuel Quezon.

Kung sa "Ang Larawan", si Rachel Alejandro ay gumanap na Paula. Isa sa magkapatid na babaeng napag-iwanan na ng panahon dahil ikinubli nila ang kanilang sarili sa mga pagbabago ngunit sa huli ay napalaya ang sarili. Dito naman sa Quezon's Game ay malaki ang naging papel niya bilang asawa ni Quezon. Isa rin siya sa nagbigay ideya o mungkahi sa kanyang asawa. Mahusay din si Billy Ray Gallion bilang Alex Frieder na siyang nagmalasakit sa mga kababayan niyang Hudyo.

Tunay na maipagmamalaki ang "Quezon's Game". It's a must see.


No comments:

Post a Comment