Nabanggit ni direk Erik Matti ang pelikulang "The
Hunt" (2012) sa isang horror film forum ng Cinema One Originals few years
ago. Ang description niya pa dito sa pelikula ay "hindi horror pero
nakakatakot if mangyari sa'yo". Naniniwala na ako sa kanya ng mapanood ko
ito.
Noong 30's, si Lillian Hellman ay gumawa ng stage play entitled "The Children's Hour" kung saan nagkaroon ng film adaptation noong 30's at mas kilala ang 1961 film adaptation na sina Shirley MacLaine at Audrey Hepburn ang bida. Tungkol ito sa spoiled brat na babaeng estudyante na nagsinungaling to get even sa kanyang mga school headmistresses. Kumbaga malaki ang nagawa ng isang problem child na merong issues at home.
Ang pelikulang "The Hunt" ay hindi din nalalayo
dito dahil naging biktima ng kasinungalingan ng isang batang babae si Lucas
(Mads Mikkelsen). Napakahusay ni Mads Mikkelsen sa pelikula. Deserving na
manalong Cannes Film Festival Best Actor si Mikkelsen. Gustong gusto ko ang
eksena sa simbahan kung saan nagkaroon sila ng komprontasyon ang ama ng bata na
bestfriend nya din.
Ang Brazil din ay nagkaroon ng sarili nilang version ng
"The Hunt" na napanood ko noong nakaraang taon. Ang pamagat naman ng
pelikula ay "Liquid Truth" (2017). Ang kaibahan sa mga pelikula ay
kung paano kumalat ang kasinungalingan sa pagtsismis. Sa "Liquid
Truth" ay mas mabigat dahil kumalat ang tsismis sa social media.
No comments:
Post a Comment