Nagagandahan ako sa pelikulang ito. May moments na naiyak pa
ako.
After "Dangerous Minds" (1994) starring Michelle
Pfeiffer, "Music of the Heart" (1999) starring Meryl Streep at Coach
Carter (2005) starring Samuel L. Jackson, ito yung pelikulang tungkol sa
teacher na naging instrument para mabago ang buhay ng kanyang mga estudyante na
may iba't ibang nationality, background at trials sa buhay.
Talagang hindi maiiwasan na ma-attach ang mga estudyante sa
teacher at sa section nila kasi unconventional teacher si Erin (portrayed by
Hilary Swank). Kung sa "Music of the Heart" ay musika ang ginamit
para mabago ang buhay nila at sa Dead Poets Society (1989) ay poetry ang naging
inspirasyon, dito naman sa "Freedom Writers" ang freestyle writing
naman ang naging daan para ipahayag nila ang saloobin sa iba ibang sitwasyon ng
estudyante. Nakakalungkot lang ang nangyari sa marriage ni Erin dahil na rin
siguro sa wala na rin siyang oras sa asawa niya.
After You're Not You (2014), ito ang pelikula ni Hilary Swank
na inspiring at heartwarming. Kakatuwa si Imelda Staunton dito parang showdown
nila ni Hilary Swank after parehas silang nominee ng Oscar Best Actress na ang
nanalo ay si Hilary Swank for Million Dollar Baby (2004).
No comments:
Post a Comment