Thursday, October 17, 2019

QCINEMA FILM FESTIVAL IN REVIEW


BY THE GRACE OF GOD





Napakaganda ng pelikulang ‘By the Grace of God” na dinirek ni Francois Ozon.
Ang pelikulang “By the Grace of God” ay tungkol sa tatlong lalaking inabuso ng pari na pinagbuklod ng isang adhikain na mabigyang hustisya ang pang-aabusong ginawa sa kanila ng pinagkatiwalaan nilang pari noong bata pa sila. Mabibigyan pa ba sila ng hustisya makalipas ang ilang dekada? Mapapaalis ba nila ang pari sa kanyang ministeryo para hindi na ito gawin sa ibang bata?

Maaari siyang maikumpara sa Academy Award-winning film na "Spotlight" (2015).

Matapang na tinalakay sa pelikula ang epekto ng pang-aabuso ng pari sa mga kabataan at kung paano naapektuhan ang mga buhay nila na dala-dala nila hanggang sa kanilang pagtanda. Mahusay ang ensemble of actors.

Gustong gusto ko ang eksena na inamin ng isang biktima sa harap ng pamilya niya na minolestiya siya ng pari. Kahit ang eksenang nagalit ang kapatid ng isang biktima dahil parang nakatutok lang sa kanya ang lahat dahil sa nangyari sa kanyang pang-aabuso.
Maski ang closing scene na tinanong ng anak sa tatay niya kung naniniwala pa siya sa Diyos.

Nakakagalit ang eksena na nagharap ang isang biktima ng pangmomolestiya at ang pari mismo na gumawa ng pang-aabuso. Nakakalungkot ang sinabi ng isang biktima na sinira ng pari ang imahe ng pagiging ama sa kanya.

Nakakagalit din ang eksena na mismong ang cardinal ay gusto pang palitan ang term na "pedophile" na "pedosexual".

Habang pinapanood ko ang pelikula, napapaisip ako na hindi natin masisisi kung bakit ang mga naging biktima ng pang-aabuso ay nawawala ng pananampalataya sa Diyos. 

Ang simbahan ang naging sandigan ng pananampalataya na inaasahan nating magbibigay gabay sa atin. Kung ang mga pinuno ng simbahan tulad ng mga pari ang siya pang magiging dahilan para mapalayo tayo sa Diyos dahil sa kanilang pang-aabuso, paano pa tayo o maski ang iba ay maniniwala sa kredibilidad at integridad ng tagapalaganap ng salita ng Diyos?

Ngayon ulit ako nakaramdam ng galit sa panonood ng pelikula dahil sa mga dinanas na pang-momolestiya sa mga biktima at aksyon ng simbahan. 

Bilang manonood, engaged ako sa mga tauhan. Hanga din ako sa pagdirek ni Francois Ozon.



BABAE AT BARIL



Isang gabi, isang mahiyaing saleslady (Janine Gutierrez) ang nakakita ng baril na babago sa kanyang buhay.

Opening scene at opening credit pa lang plus napakagandang soundtrack ay nakuha na ang interes ko. Tarantino-esque ang style at fast-paced ito. Idagdag pa ang mahusay na cinematography ni Tey Clamor.

Magaling si Janine Gutierrez sa pelikulang ito. Hanga ako na dalawang magandang pelikula ang nagawa niya ngayong taon. Nauna muna ang Elise (2019). Maaaring maihalintulad sa character ni Michael Douglas sa pelikulang Falling Down (1993) ang character na ginampanan ni Janine Gutierrez dito sa pelikula. Kumbaga, siya ang female version. 

Mahalaga ang paggamit ng plant and pay-off device sa pelikula. Dito natin natuklasan kung paano napasakamay kay Janine ang baril.

Isa na naman itong pelikula na may #MeToo Movement na tema. Ang baril ang nagsilbing kapangyarihan ng bida laban sa mga nang-aapi sa kanya.

Sana tumutok na lang talaga ang kwento sa karakter ni Janine kasi hindi ako interested sa ibang kwento na connected kahit sa ibang character kung bakit at paano nakuha ang baril.

Kung ang “Gusto Kita With All My Hypothalamus” ay ipinakita ang Quiapo at Recto, sa “Babae at Baril” naman ay pinakita ang Cubao.

KABUL, CITY IN THE WIND



"Kabul, City in the Wind" somewhat reminds me of "The Kite Runner". Mabuti na rin na nabasa at napanood ko ang "The Kite Runner" kasi nabigyan ako ng idea regarding Afghanistan.

Ito ang docu na sinundan ang buhay ng isang amang bus driver at mga batang lumaki at naninirahan sa mapanganib na sitwasyon sa Afghanistan.

Ito ang maganda sa mga docu dahil kahit hindi tayo nakakapunta sa mga lugar tulad ng Afghanistan ay nabibigyan tayo ng realidad sa mga pinagdadaanan ng mamamayan ng kanilang bansa.

Sa bawat tunog ng putok ng baril o pagsabog ng bomba, nandoon ang takot kung makakaligtas ba ang mga case studies sa docu.

Nakakatuwa ang 2 old couple na nasa likuran ko kasi apektado sila sa mga bata sa docu. Mga walang takot ang mga bata na naglalaro sa ruins. 

Tulad ng kasabay ko manood, nakuha ng docu ang aking simpatiya sa mga case study ng docu na ito sa Afghanistan.