20th Century Fox/Fox 2000 Pictures presents... a faith-based film that
used Uptown Funk by Bruno Mars as soundtrack...
More than that, grabe pinaiyak ako ng pelikulang ito pati kasama ko at
ang mga nanonood sa sinehan. Surprisingly, si Stephen Curry pala Executive
Producer nitong pelikula. Nice!
Sa pagiging tearjerker ng pelikula, this film reminded me of LORENZO'S
OIL.
Hindi lang pang-holy week special pang-Mother's Day Special din.
Pinakita sa pelikula ang matinding pagmamahal at faith ng isang ina sa
kanyang anak. Madami din diniscuss sa film like adoption, older generation
disagreeing then adjusting sa modern way of preaching & worship songs na
ginagamit ng mga pastors sa millenials at generation Z, pride, forgiveness,
family and community.
Millenial at Generation Z talaga ang target ng pelikulang ito.
Grabe lang ang support na pinadama ng church sa film. Kung may ganyan
lang na church, lahat siguro ng tao ay a-attend dahil hindi lang dinaan sa
prayers kumbaga sinuportahan din ang family in times of crisis.
In this film, God proves once more that He is a healer.
Ang butas lang ay hindi pinakita ang struggle ng family sa financial
matters. Siguro dahil ito ay based on a book.
Napakahusay ni Chrissy Metz as a loving mother. Pag moments niya di ko
na mapigilan umiyak. Magaling din si Josh Lucas as tatay ni John. Kahit hindi
masyadong hina-highlight sa pelikula ay pinakita niya ang tagong emosyon ng
isang ama. Surprising si Topher Grace as pastor na tinulungan ang family sa
gitna ng krisis. Isa ito sa pinakamagandang faith-based film na napanood ko.
Nakakapanindig balahibo nung kinakanta ng mga tao sa labas ng ospital ang
"OCEANS" ng Hillsong. Worth watching ang pelikulang ito.