After JAY (2008), ito ang pelikulang accurately depicted ang behind-the-scenes ng isang public affairs program sa TV network.
Satirical comedy kumbaga. Deserving ang panalo ni Nar Cabico sa Best Actor for Sinag Maynila 2019. Napakahusay niya bilang Nanong, CS (case study) ng mala-Face to Face/Personalan na kalaunan ay magiging CS ng isang docu-reunion special. Lahat ay gagawin niya para makatulong sa kapatid at mahanap ang nawawalang ama.
Magaling si Phi Palmos as supportive bestfriend ni Nanong.
Pinaka-relate sa lahat kapag galing ka sa TV ang portrayal ng isang under pressured na researcher na si Dona Mae (ginampanan ni Kiray Celis).
Magaling din si Aaron Rivera as Marky ang ruthless at determined na Segment Producer.
Hongwopo naman ng gumanap na cameraman si Kirst Viray. (Wala pong assistant cameraman).
Scene-stealing din si Angel Aquino bilang Ms. Hope, ang host na nawalan ng pasensiya noong hindi na mahanap ang tatay ni Nanong.
Wickedly funny ang script at mahusay din ang direction. Para sa akin, ito ang pinakamahusay na pelikula ng Sinag Maynila 2019. Isa din ito sa paborito kong pelikulang Pilipino sa taong ito.
No comments:
Post a Comment