ODA SA WALA. Ito ba ang sagot sa SOL SEARCHING?
Kung sa Sol Searching ng ToFarm Film Festival ay naghahangad si Lorelai
(Pokwang) ng maayos na burol at libing para sa bestfriendenemy na si Sol. Sa
pelikulang Oda sa Wala, si Sonya (Pokwang) naman ang may-ari ng paluging
funeraria. Sana pala lumapit si Lorelai sa Langit Funeral Homes para natulungan
si Sol. Teka, Langit? So, dito kumuha ng funeral service sina Lisang at Manolo
ng Hintayan ng Langit? Grabe ang six degrees of separation bes!
Going back, so 'yon na nga may-ari si Pokwang nitong paluging funeraria tapos sinisingil siya ng karakter ni Dido Dela Paz. Kasama niya sa bahay/funeraria ang tatay niyang si Joonee Gamboa pero hindi sila nagpapansinan. Ano kayang nangyari? Kaya sa simula, akala mo ay silent movie ito. Kaso may twist, may nag-iwan ng bangkay ng matandang babae sa funeraria. Nagbago ang buhay ni Sonya (Pokwang) dahil sa itinuring na niya na itong buhay na tao. OMG! Kinakausap, pinapakain, binibihisan, etc. Akala ko hahantong ito sa necrophilia. Hindi naman pala. Tapos, nag-usap na din ang mag-ama dahil sa bangkay ni lola. Weird! Sa kabilang banda, si Sonya pala ay may lihim na pagtingin kay Elmer (Anthony Falcon) na magtataho. Hmm... Matagpuan kaya ng kamag-anak ni lola ang kanyang bangkay? May happy ending kaya si Sonya at Elmer? Magkakaayos pa ba ang mag-ama?
Pansin ko lang nahahanay sa mga black or dark comedy si Pokwang. Mula sa Mercury is Mine (2016), Sol Searching (2018) hanggang dito sa Oda sa Wala (2018). At laging may patay na karakter sa mga pelikula na kasama siya tulad ng D' Anothers (2005), Apat Dapat Dapat Apat (2007), Bulong (2012) at Cinco (2010).
Going back sa pelikula, mahusay ito sa teknikal na aspeto. Mapapansin din sa shots at aspect ratio na may cinematic significance ang mga ito sa pangunahing karakter. Mahusay ang cinematography ng pelikula dahil si Neil Daza ang humawak nito. Magaling din ang execution ni direk Dwein Baltazar na maihahanay sa mahuhusay na Filipina director.
Mahusay nitong ipinakita ang longing for connection at isolation ng karakter ni Pokwang at ang wall sa relationship sa kanyang amang si Joonee Gamboa pati ang desire niya kay Elmer. Para rin akong nanonood ng stage play habang pinapanood ang pelikula sa batuhan ng linya. Mahusay ang mga aktor lalo na si Marietta Subong A.K.A Pokwang.