Sunday, January 19, 2020

MIRACLE IN CELL NO. 7 and WRITE ABOUT LOVE



Okay naman itong remake ng "Miracle in Cell No. 7" na Filipino version kaso nothing beats the original talaga. Hanga ako na gumagawa ng Filipino version o remake ang Viva Films tulad ng ginawa nila last year ang MISS GRANNY na parehas Korea ang unang gumawa.

Mahusay ang mga supporting actors lalo na sina JC Santos at John Arcilla. Si JC Santos ang nagdadala ng comedy part. Sa drama, si John Arcilla naman. Kumbaga malaki ang tulong ng supporting actors. Isama na natin sina Joel Torre, Soliman Cruz, Mon Confiado at Jojit Lorenzo. Magaling din si Xia Vigor. Bumagay din na si Bela Padilla ang gumanap na adult Yesha.

Agree ako sa points ng isang kakilala kong film critic:
1. Malinis ang selda at parang cozy ang dating. (Halatang prod design. Siguro dahil it's an attempt na maging faithful sa original movie at di pinayagan baguhin masyado.)
IMO, kung hanap mo ang pelikula na dama at ma-appreciate ang prod design na preso, ang naiisip ko ay "Bulaklak sa City Jail" (1984) at "Best. Partee. Ever." (2016).

2. Inconsistent ang portrayal ni Aga Muhlach pero sa huling part ng pelikula ay bumawi si Aga kasi nakakaiyak siya doon.

Ang iniisip ko what if ang gumanap na Joselito/Lito ay si John Arcilla o si Soliman Cruz?


Nakakatuwa lang na last full show ang naabutan ko pero puno ang sinehan. Malakas ang tawanan pag comedy. Pag drama, ramdam na nanahimik ang mga tao. Though, yung iba nakatulog kasi siguro dahil LFS na ito.


Sa mga bakla jokes, kahit off ay naalala ko sina Gary Lim at JC Santos sa indie film na kasama sila ang "Esprit De Corps" (2014).


"Kung hindi ka takot masaktan, bakit takot kang magmahal?"

"People who love are capable of hurting."

"Ang tunay na pagmamahal hindi mabubuo kung di mo naranasang masaktan."

Sana ito ang nag-Best Picture sa MMFF 2019. Nagandahan ako sa pelikula.

Kapag TBA Studios ang gumawa ng romance films, whether rom com or romance drama tulad ng "I'm Drunk I Love You" at "Kung Paano Siya Nawala", dama ang naiibang style at treatment sa filmmaking.

Film within a film ang "Write About Love".

Nakakatuwang manood ng pelikula tungkol sa proseso at pagbuo sa pagsusulat ng script. Mula sa pitching, paano ang development ng pagsusulat ng script... sa characters... ano ang strength at opportunities ng co-writing... at marami pang iba. Ipinakita na masalimuot din ang pagsusulat. Nakakatuwa ang sinabi ni Marco (Rocco Nacino) tungkol sa revisions.

Nakakamiss mapanood si Rocco Nacino. Nagagalingan kasi ako sa kanya sa "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa". Pero, bakit parang naririnig ko si Paulo Avelino sa boses ni Rocco Nacino sa pelikulang ito? May mga moments na nakakakilig sina Miles Ocampo at Rocco bilang Joyce at Marco. Ang napansin ko ay reunion movie ito nila Yeng Constantino at Felix Roco na nagkasama sa 2013 Cinema One Originals film na "Shift". Kung sa "Shift", ang character ni Yeng ay umasa kay Felix. Dito sa "Write About Love" baligtad naman, si Felix ang umasa kay Yeng.

No comments:

Post a Comment