“Bata pa lang ako. Dream kong maging
artista”, ilan lamang ito sa linya ni Jane Ciego sa kanyang bagong pelikula na
"Bliss".
Isang sikat na artista si Jane Ciego
(Iza Calzado) na nais makamit ang isang role of a lifetime na makapagbibigay sa
kanya ng karangalan. Hindi masaya sa kasikatan si Jane. Dumagdag pa ang burn-out
habang ginagawa ang pelikula at sumabay pa ang mga personal niyang problema sa
kanyang asawa, demands ng trabaho at kanyang ina.
Sumugal din siya upang i-produce ang
kanyang pelikula dahil sa nakikita niya ang pagkakahalintulad ng buhay niya sa
karakter ni Abigail ngunit hanggang saan siya dadalhin ng kanyang inaasam kung
pati ang kanyang buhay ay naisasaalang – alang na?
Ito ay ilan lamang sa mga tinalakay
sa bagong pelikulang "Bliss". Mula sa henyong direktor ng
"Heneral Luna" na si Jerrold Tarog, ang "Bliss" ay naiibang
psychological horror drama. Bihira na rin tayong makapanood ng ganitong
pelikulang Pilipino. Hindi na rin kataka taka kung bakit nabigyan ito ng pansin
sa Tokyo Osaka Asian Film Fest at nanalong Best Performer sa Yakushi Pearl
Award sa nasabi ring parangal si Iza Calzado. Sa mood at atmosphere ng
pelikula ay maaari na itong makipagsabayan sa mga Asian psychological horror
drama. Para akong nanood ng isang Hollywood film sa quality ng pelikula.
Hindi maikakaila ang husay sa
pagganap ni Iza Calzado bilang Jane Ciego. Balanse at controlled ang
paggaganap ni Iza Calzado kumbaga nasa tamang timpla. Binigyan niya ng buhay
ang isang artistang gustong kumawala sa isang sistema ng buhay na parang isang
preso.
Isa sa hinangaan ko surprisingly ay
si TJ Trinidad. May mga ginagampanan na rin naman siyang unlikeable characters
sa mga teleserye at TV specials ngunit stand out siya dito bilang si Carlo.
Siya ang asawa ni Jane na madalas maliitin ng kanyang mother-in-law dahil sa si
Jane ay isang artista at hindi niya mabigay ang magandang buhay kay Jane.
Kumbaga emasculated ang pagkalalaki ni Carlo. Masaklap pa ng mabuntis nya ang
assistant ni Jane.
Scene stealer at talagang sa lahat
siya ang hinangaan ko sa acting sa pelikulang ito. Kilala si Audie Gemora sa
larangan ng teatro kaya naman ang pagganap niya bilang direk Lexter Palao ay sa
aking palagay ay isa sa hindi niya malilimutang pagganap sa isang pelikula. Si
direk Lex ay isang egocentric na direktor na handang gawin ang lahat at hindi
papapigil sa kanyang personal project na para sa kanya ay pang-Cannes. Wala rin
siyang pakundangan kung makasakit o masaktan ang mga taong nasa paligid nya o
hindi. Ayon kay direk Lex, tribute niya sa pelikulang "Misery"
ang "Bliss". (Lola Kathy Bates as Annie Wilkes?) Tuwang tuwa ako
sa kanya habang pinapanood ang pelikula. Saktong ka-amiga niya pa si Michael De
Mesa sa pelikula. Isa ba itong extension ng theater production nilang "La
Cage Aux Folles"?
Sa kabilang banda, mapangahas at
matapang na ginampanan ni Adrienne Vergara ang dalawang kumplikadong karakter. Nariyan
si Rose Madlangbayan na noong bata pa ay naging biktima ng pangmomolestiya ng
tomboy na kapitbahay at naging nurse na nangmomolestiya ng kanyang babaeng
pasyente. Si Lilybeth naman ang baliw na
nurse o “nurse-from-hell” ni Jane. Maaaring si Lilybeth ay pinaghalong Nurse
Ratched ng pelikulang "One Flew Over the Cuckoo's Nest" at Annie
Wilkes ng "Misery".
Magaling din si Shamaine Centenera
Buencamino bilang stage mother ni Jane na si Jillian na nasilaw sa katanyagan
ng anak at palaging inaasahan na pagbibigyan siya ni Jane sa lahat ng gusto
niya.
Maaaring nakakabit pa rin kay Ian
Veneracion ang mga papel niyang ginagampanan sa mga teleserye kung paano ang
atake ng karakter niya sa pelikulang ito. Maaari ring may bahaging nakatulong
ito at hindi sa kanyang pagganap bilang artista na leading man ni Jane na si
Joshua.
Maraming tinalakay na paksa ang
BLISS. Nariyan ang iba't ibang uri ng pang-aabuso tulad ng sexual abuse kay
Rose noong bata siya ng molestiyahin siya ng tomboy nilang kapitbahay. Matapang
na tinalakay ito sa pelikula. Tulad ng pelikulang "Pamilya
Ordinaryo", hindi maganda ang depiksyon ng LGBTQ sa pelikulang ito. Hindi
lamang ang tomboy na kapitbahay pati na rin ang egocentric na baklang direktor
na si dirk Lex. Buti na lamang hindi nag-react ang mga LGBTQ dito. Kung dati
ang mga ganitong depiksyon ng karakter ay pinagproprotestahan pa. (Remember:
Cruising, Basic Instinct at The Silence of the Lambs).
Pinakita rin sa pelikula ang
kontrobersyal na working hours ng produksyon. Sa isang eksena ng pelikula kung
saan ay magshoot ng isang eksena. May dialogue ang staff at direktor.
Staff: Direk, nakaka-30 hours na po
tayo.
Direk Lex: Kapag hindi nyo inayos ang
trabaho, mag-35 hours tayo dito.
Magaling ang pagkakabit ng kwento
nila Jane at Rose. Kung paano inihambing ang buhay ni Jane kung saan ay ibinase
sa pisikal na anyo ang isang potensyal at ibinase sa talento ng isang tao upang
maging isang artista ayon na sa standard ng media at lipunang uhaw sa
kagandahan. Ipinakita din dito ang hindi maayos na pagtingin kay Rose noong
bata pa kaya kahit na paulit ulit siyang inaabuso ay parang nagustuhan niya na
ito. May kakulangan rin sa paggabay ng magulang ang parehas na karakter nila
Jane at Rose. Makasarili ang ina ni Jane at talagang habol lang niya ay ang
benefit na nakukuha niya kay Jane. Samantalang, inabandona si Rose ng kanyang
magulang kaya nahulog ito sa kamay ng mapang-abusong kapitbahay na nagtake
advantage sa kanyang kahinaan kaya naging dahilan ito ng kanyang insecurity at
na-develop na gawin niya sa iba ang ginawa sa kanyang pang-aabuso.
Bayolente ang ilang eksena kahit ang
mga imahe at simbolismo na ipinakita sa pelikula. Tulad ng paulit ulit na
pagsaksak sa hita ng isang tauhan at ang paulit ulit na pisikal pati emosyonal
na pang-aabuso kay Jane at sa karakter niyang si Abigail.
Ipinakita sa pelikulang ito na ang
masturbation ay habit na kaakibat ng inner demon at konektado sa spiritual
warfare. Magaling ang simbolismo sa pelikula rito kung saan si Jane ay maaaring
minolestiya o nagmasturbate at may mga ispiritu sa kumot niya habang nangyayari
iyon.
Mahusay ang paggamit ng sound effects
sa pelikula. Nakadagdag ito sa mga horror tropes upang gulatin ang manonood.
Magaling din ang musikang akma sa mga eksena. Magaling rin ang editing nito
lalo pa’t sa bahagi ng mga nightmarish sequences.
Isang salita para i-describe ang
pelikulang BLISS... "Intense!”