Thursday, March 12, 2020

I STILL BELIEVE



Aaminin kong mas gusto ko ang "I Can Only Imagine" (2018) kesa "I Still Believe". Mixed feelings ako while watching this film.

Akala ko nga binase sa version ng kanta ni Mariah Carey. Char.

Ako lang din mag-isang nanood sa sinehan.

Mas napansin kong magaling si Britt Robertson as Melissa Hennings. May nabigyan siya ng moments to showcase her acting. Kay AJ Apa naman kasi naapektuhan ang performance sa pagkakasulat ng character niya. Para kang nanood ng leading man sa chick flicks.

May mga moments sa pelikulang natatawa ako dahil ba ang gumanap na nanay ni Jeremy ay si Shania Twain at tatay si Gary Sinise?

Isang gusto kong part sa film ay nag-usap ang mag-ama tungkol sa unanswered prayers at disappointments sa buhay.

Ang pansin ko perfect ang pagkakaportray kay Jeremy Camp dahil ba okay ang family background niya? Kumbaga, goody goody siya. To the point na too good to be true. At di pinakita masyado kung nag-struggle ba siya as an artist. Sa "I Can Only Imagine" kasi pinakita 'yun. Nahirapan as singer si Bart Millard na lead ng MercyMe.

Sa huli na lang pinakita ang struggle na I felt rushed ang pagkakaexecute.

Siguro dahil mas tinutukan ang kwento ng love story nila Melissa at Jeremy. At mas pinakita ang painful moments ni Melissa.

IMO, may part sa movie na nakukulangan ako... Nahahabaan ako... Nabilisan sa huli... 

May mga napanood naman akong faith-based films maski biopic ng musicians. 
Kaya ito okay naman ang level. 

Sa una, chill lang kilig kilig. Then, tearjerker romance parang "A Walk to Remember".