Friday, May 8, 2020

LARUANG LALAKE (CENSORED DREAMS) at ANG LARO NG BUHAY NI JUAN


Bong (Mon Confiado): Sinong paborito mong artista?

Ruel (GA Villafuerte): Maricel Soriano and Jaclyn Jose po.

Bong (Mon Confiado): Bakit gusto mong mag-artista, Samuel?


Samuel (Arjay Carreon): Idolo ko po kasi si Coco Martin po.


Bong (Mon Confiado): Kaya mo ba ang ginagawa niya gaya ng pagpapa-sexy?

"Alam mo naman sa international, mahilig sa mga titi"

Maganda ang pelikulang Laruang Lalake. Huwag magpadala sa pamagat ng pelikula. Kaya naman meron itong alternate na title "Censored Dreams". Film within a film ito. Mahusay na pinakita ng pelikula kung paano ginagawa ang mga low budget films ng umusbong noon ang pink films. Mahusay ang mga aktor na sina Richard Quan bilang Wilfred, ang direktor na gagawin ang lahat para maitawid ang kanyang pelikula at Mon Confiado bilang Bong, ang producer na gustong makalikha ng indie dahil hindi na kumikita ang kanyang bar. Nandyan naman si Samuel (Arjay Carreon) na sa dala ng kahirapan lahat ay gagawin para matanggap sa indie film. Samantalang si PJ (Marco Morales) naman ay isang nagbabalik indie actor na para sa kanya ay nakalimutan na siya ng ibang producer kaya gusto niyang maging bida sa isang indie film na pinamagatang "Laruang Lalaki". Sila ay halimbawa ng mga struggling actors.

Tulad sa pelikulang "Ang Laro ng Buhay ni Juan" na siya ring pelikula ni direk Jay, ipinakita sa pelikula na kahirapan ang nag-uudyok sa bidang tauhan na makipagsapalaran sa siyudad na sa bandang huli ay mas mahirap pa pala kesa sa probinsiya. Ang kinaibahan naman sa "Laruang Lalaki" ay ipinakita sa atin ang mundo sa likod ng kamera sa paggawa ng indie film partikular ang pink films. May mga eksena na pinapakita ang realidad sa indie filmmaking tulad ng gipit sa budget at ang pagpataw ng X-rating sa pelikulang may kontrobersyal na tema.

Sa panimula at huling eksena naman ay maaaring maikumpara ito sa pelikulang "Pretty Woman". Kung sa Pretty Woman, may isang lalaking nagsasabi ng "Welcome to Hollywood. What's your Dream?" Dito naman sa Laruang Lalaki sa katauhan ni Yda Yaneza ay inaalala niya ang old glory days ng Golden Age of Philippine Cinema. "Huwag kang male-late kasi baka magalit si Bernal."

Makikita din sa pelikula na kahit saglit lamang ay nagmarka ang pag-arte ni GA Villafuerte bilang aktor na nagbabakasakali sa audition. 

Mahusay ang pagkakalikha sa satirikal na pelikulang ito.

ANG LARO NG BUHAY NI JUAN (2009)


Ito ang pelikulang ginawa ni direk Joselito "Jay" Altarejos kasabay ng "Ang Lihim ni Antonio" at "Kambyo". Kwento ito ni Juan (Ray-An Dulay) na nangarap ng magandang buhay sa Maynila galing sa probinsya na sa huli'y nabigo kaya uuwi pabalik sa probinsiya. Madaming tinalakay sa pelikula tulad ng kahirapan (poverty), maliit na mundong ginagalawan ng same-sex couple (Ray-An at Nico Antonio) at kung paano sila tingnan ng lipunan. Ang masaklap pa nito ay nakapagtapos ng pag-aaral si Juan ngunit hindi nabigyan ng oportunidad. Ipinakita din sa pelikula ang mga napakong pangako ng pulitiko at hanggang saan at hanggang ano ang kayang gawin ng isang taong mahigpit ang pangangailangan sa buhay.