Sunday, August 28, 2022

MEMORIES OF A LOVE STORY


Si Eric (Oliver Aquino) ay muling nagbalik sa Bicol upang pagbigyan 
ang huling hiling ng kanyang namayapang ina. 
Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay muling nagtagpo ang landas nila 
ni Jericho (Migs Almendras). 
Sa kanilang muling pagkikita, may mga lihim na dapat silang harapin.
 
Nakagawa na noon si direk Jay Altarejos ng pelikula tungkol sa pagmamahalan ng mayaman
at mahirap via "Ang Lalaki sa Parola" kaya hindi na bago ang ganitong tema sa kanyang likha.
Pero ang kaibahan nitong “Memories of a Love Story” sa “Ang Lalaki sa Parola”
ay mas obvious at direct-to-the point ang political reference at social classes divide.

May eksena sa pelikula na sinunog ni Eric ang isang karatulang nakalagay na “eviction notice” pati ang kanyang mga komentaryo sa trato ng mayaman at mahirap.
Isama pa ang kanyang hinaing sa kanyang mga naranasan noon.
 
Dahil ito ay produksyon ng 2076 Kolektib kasama ang VivaMax/Viva Films,
nakisabay si direk Jay sa tone, mood at kulay ng mga pelikulang napapanood sa VivaMax.
Ang laki ng pagkakaiba mula "Ang Lalaki sa Parola" 
kung saan nagsimula si direk Jay sa indie filmmaking.
 
Kitang-kita sa "Memories of a Love Story" ang galing sa teknikal na aspeto.
Nakatulong ang drone shots to capture breathtaking locations partikular sa Bicol.
Ang lokasyon mismo ay naging karakter mismo sa pelikula.
Ang ganda ng lapat ng musika kahit ang mga kanta sa pelikula.
Malaking bagay din ang ginamit na bahay 
to signify the dominance ng character ni Dexter Doria. 
Ang ganda ng structure ng napiling bahay 
na pati ang hagdan ay nagpapakita ng social divide.
 
Ang concern ko lang dito ay ang paggamit ng view master 
dahil anachronism ito sa pelikula. 
Sikat ang view master noong 90's. 
Ang milieu na present time ay 2022.
15 years ago, 'yung flashback kung i-compute eh nasa 2007 'yung past.
 
'Yung treatment ng flashback dito 
ay hindi gumamit ng sepia o black and white kundi view master.
 
Stand out dito si Migs Almendras bilang Jericho. Ramdam mo sa kanyang pag-arte ang longingness niya kay Eric kahit pa alam nating mayaman ang kanyang karakter. Ang kanyang estado at ang pagiging komportable niya sa buhay ang nagiging hadlang sa pag-iibigan nila ni Eric. Mahusay din si Dexter Doria bilang matapobreng lola na may itinatagong lihim at isa sa dahilan ng galit sa puso ni Eric. Scene stealer naman si Rob Guinto dito.
 
Sang-ayon ako kay sir Noel Vera na itong pelikula is one of the better Filipino films this year.
 
Over-all, nagustuhan ko ang pelikula dahil mahusay ang pagkalikha nito.
 
 

Sunday, August 21, 2022

ALT-R HEROES



Congratulations sa iyong 15 taon na indepedent filmmaking, direk Jay Altarejos!
Angkop talaga ang tema mo na Alt-r heroes 
sa pagdiriwang mo ng 15 taon sa paggawa ng indie films.
Sabi nga ay tinahak mo ang “road less travelled”.
 
Bilang iyong taga-hanga at taga-subaybay,
sinong mag-aakala na makakausap kita
at makakapanayam namin noong 2019. 
 
Nagsimula ang aking paghanga sa iyong mga pelikula
noong 2009 na college student ako.
Nang-aarkila lang noon sa Video City
ng mga pelikula mong "Ang Lalaki sa Parola",
 "Ang Lihim ni Antonio" at "Kambyo".
Hiyang-hiya ang kapatid ko 'pag sinasabay niya
sa pag-arkila ang mga pelikula kasi "baklaaan" daw
at iba ang tingin sa kanya ng crew ng Video City. Hahaha.
Ito ang mga panahon ng paglitaw ng mga pink films
at kasabayan mong gumawa ng mga ganitong pelikula
sina Monti Parungao (na naging artista mo rin sa Ang Lalaki sa Parola)
at Crisaldo Pablo.
Tinalakay ng iyong mga pelikula
ang seryosong pinagdadaanan ng mga bakla sa lipunan. 
Kaya naman inihalintulad kita kay Gregg Araki.
 
Noong magkatrabaho na, pinanood ko na sa sine
ang mga pelikulang "Tale of the Lost Boys" (2018),
"Jino To Mari" (2019) at sa online streaming naman
ang "Memories of Forgetting" (2021). 
 
Salamat sa mga libreng pa-sine mo noong lockdown 2020
at hindi ka nagdamot ipalabas ito kaya napanood ko
ang mga pelikula mong hindi ko pa napanood
tulad ng "Kasal" (2014), "Ang Laro sa Buhay ni Juan" (2009),
"Unfriend" (2014), "Laruang Lalaki/Censored Dreams" (2010)
pati ang "Walang Kasarian ang Digmang Bayan" (2021). 
 
Patuloy kang lumikha ng mga matapang, makabuluhan
at nanindigang pelikula para sa katotohanan.
 
Aabangan ko pa ang mga pelikula mo
tulad ng "Memories of a Love Story",
"Finding Daddy Blake" at "The Longest Night". 
 
Alagaan mo po ang iyong sarili at alagaan mo din po
ang iyong mental health, direk Jay. 
 
Lubos na gumagalang, 
Jim