Taong 2017, noong una kong nakapanood ng mga
pelikula sa QCinema.
Hindi pa ako masyadong aware sa mga karamihan ng film festivals noon.
Ito ang taon na ipinalabas ang pelikulang “Balangiga: Howling Wilderness”
ni Khavn Dela Cruz, “The Chanters” ni James Mayo, “Neomanila” ni Mikhail Red
at nagkaroon ng screening ang digitally restored at remastered version
ng “High School Scandal” (1981) sa QCinema.
Para sa akin, taong 2018 ang hindi ko makakalimutang QCinema.
Ilang araw lamang matapos mailibing si nanay noon,
nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa QCinema para sa kanilang opening film
na “Shoplifters” ni Hirokazu Kore-eda.
Dahil na rin sa nagdadalamhati pa ako,

nagdadalawang-isip ako kung dadalo sa opening film.
Pero, sobrang curious akong mapanood ang pelikula

dahil nagwagi ito ng Palme D ‘or sa Cannes.
At saka gusto ko rin ma-divert ang aking kalungkutan.
First time ko ring dadalo sa isang opening film ng isang film festival

at QCinema pa!
Ipinalabas sa Dolby Atmos ng Gateway cinema ang “Shoplifters”.
Nagkita-kita kami ng mga kasama ko sa Third World Cinema Club podcast sa event.
Nangumusta sila sa akin sa kalagayan ko at pamilya ko matapos ang pagkamatay ni nanay.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ko noon.
Siyempre, malungkot pero at the same time ay na-excite akong mapanood ang “Shoplifters”.
Sino ba naman ang makakalimot sa jingle ng QCinema na lumalabas bago ang trailers ng kanilang film selections at bago magsimula ang mismong pelikula?
Sa opening billboard pa lang nung “Shoplifters”, excited na ang lahat.
Tapos biglang may logo na ang nakalagay ay “Gaga”.
May narinig akong nagsabing, “Mali ata itong napasukan nating pelikula.
A Star is Born ata ito ni Lady Gaga?” Tawanan kaming nakarinig.
2018 ang taon kung saan magkasunod ang Cinema One Originals at QCinema.
Opening film naman ng Cinema One Originals ang “A Star is Born” ni Lady Gaga at Bradley Cooper.
Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos ng pelikula.
Nagandahan at nagustuhan ko ang pelikulang “Shoplifters”.

Dito ko natuklasan na mahusay si Kore-eda.
Emosyonal din ako dahil, spoiler alert, may isang karakter na namatay sa pelikula

at namatay din siya sa totoong buhay.
Nasa process pa din ako ng grieving during that time kaya din ako emosyonal.
Malaking tulong pa rin na makapanood ng pelikula dahil ito ang parang kumot
at unan na nagiging sandigan kung sakaling meron pang emosyong hindi mailabas.
Ang screening ng pelikulang “Come on Irene” ang isa din sa hindi ko makakalimutan noong 2018. Polarizing ang pelikula. Habang pinapanood ang pelikula ay iba-iba ang reaksyon ng mga manonood. Merong natatawa, merong tahimik at merong naguguluhan sa pelikula.
Katabi ko si John Tawasil nung mapanood ko ang pelikula. Kasama ko siya sa Third World Cinema Club podcast. Mahilig siya sa Japanese film at meron siyang alam sa background ng pelikula na hango sa comics. May katabi ako sa kabilang side ko na

sa isang eksena
ng pelikula ay nagkatinginan kami at sabay naming napasabi na “anyare?”
Matapos ang pelikula, nagkaroon ng Q&A at talk sina Nats Sitoy at ang filmmaker.
Dito naibahagi ni Nats Sitoy na iba-iba nga ang reaksyon

ng manonood sa Japan at Korea.
Sa Korea daw ay napapapalakpak ang mga tao.
Samantala sa Japan naman ay mga naiyak dahil naka-relate sila
sa pinakitang kultura at representasyon sa pelikula.
Aminadong kamuntikan akong mag-walk out sa “Come on Irene”

dahil hindi ako natutuwa sa depiksyon ng kababaihan sa pelikula
lalong lalo na
sa depiksyon sa mga Filipina.
Pinigilan ako ni John para tapusin ang pelikula.
Sa huli, hindi pa rin ako natuwa sa pelikula dahil wala itong redeeming value.
Iba pala ang experience na makapanood ng polarizing na pelikula mismo sa sine.
“The Wound” at “Sorry Angel” ang dalawang pelikula

mula sa kanilang Rainbow QC
ang nagustuhan ko noong taon na ‘yun.
Sa “The
Wound”, tinalakay rito ang tradisyon sa pagtutuli sa Africa.
Samantalang sa “Sorry Angel” naman ay nagbalik-tanaw ito ukol sa gay lifestyle

at kung paano hinarap ang AIDS sa
France noong dekada ’90.
“Cold War” ni Pawel Pawlikowski at “Climax” ni Gaspar Noe ang back-to-back

na pelikulang napanood ko sa isang weekend ng
QCinema sa taong ‘yun.
“Climax” ang na-shock ako dahil first time ko makapanood ng Gaspar Noe film.
Isa sa dokyumentaryong napanood ko nung taong ‘yun

ang “Pag-ukit sa Paniniwala”.
Nagustuhan ko ang dokyu dahil hindi lamang pinakita

ang pag-uukit ng mga santo sa Laguna
kundi pati ang mga tradisyon at kulturang Pinoy na nakapaloob dito.
Umaasa ako na magpapatuloy na susuportahan din ng QCinema
ang ating mga documentary filmmakers.
Isa pang dahilan bakit remarkable ang taong 2018 hindi lamang sa QCinema
kundi sa pangkalahatan ng pelikulang Pilipino ay maituturing
na one of the best years ito ng Philippine cinema.
“Oda sa Wala” ang isa sa mga mahuhusay na pelikula ng taon

na naipalabas din sa QCinema.
“Suburban Birds” naman noong 2019 ang isa sa hindi ko din makakalimutan
dahil isang hilera kami ng mga kapwa ko manonood ang nakatulog
habang pinapanood ang pelikula.
Nung magising kami, sabay-sabay kaming nagtawanan.
Hindi talaga naiiwasan ito sa film fest. Mahusay sa teknikal na aspeto ang pelikula.
Kaso sa bagal ng galaw ng pelikula

ay hindi
talaga maiwasang makatulog ang manonood.
Meron pang humilik sa bandang likuran namin.
“A is for Agustin” ang isa sa dokyumentaryong napanood ko sa taong ito.
Nakakatuwa ang isang screening na naabutan ko sa dokyumentaryo dahil maraming nanood.
“And then we danced” na bahagi ng RainbowQC ang isa pa sa hindi malilimutang panonood dahil tinalakay sa pelikula ang koneksyon ng sayaw sa sekswalidad

at lipunan sa Georgia.
Kontrobersyal ang pelikula sa kanilang bansa kaya naman nakakaintrigang panoorin.
2019 din ang taon kung kailan nagkaroon ng book launching
ang “Break it to me Gently” ni Richard Bolisay.
Taong 2020 naman, hindi naging balakid ang CoViD-19 pandemya upang idaos ang QCinema film fest.
May mga ilang pelikulang pinalabas sa isang venue
Kung saan pinatupad ang protocol at precautionary measures ng organizers
para sa dadalo ng event.
Hindi ako nakadalo pero buti na lamang at hybrid ang sistema ng panonood.
Merong ilang piling pelikula na ginawang available online.
Nakipag-partner noon sa Upstream ang QCinema.
Hindi ko napanood ang “Cleaners” noong 2019 sa QCinema.

Buti na lamang at ginawa itong available sa pamamagitan ng QCinema
online screening. Napakaganda ng pelikula kaya kahit mga katrabaho ko noong
break namin nagustuhan din nila ito nung pinanood namin.
Nagustuhan namin ang treatment ng pelikula.
Ito rin ang taon kung kailan pinalabas online

ang pelikulang “Midnight in a Perfect World” ni Dodo Dayao.
Mahusay din ang
pelikula. Nagalingan din sa editing ang mga katrabaho ko
na nakapanood ito
habang break sa trabaho.
Pinanood kong muli ang “End of the Century” na napanood ko ilang buwan ang nakakalipas.
Taong 2021 ay mga short films in competition ang aking napanood online.
Busy at conflict sa schedule sa trabaho kaya ‘di na
ako nakapanood sa sinehan ng QCinema. Nga pala, QCinema ang film fest na unang
nagpalabas ng mga pelikula
matapos gumaan ang sistema ng quarantine sa pandemya.
At ngayong 2022 naman, excited ako sa mga pelikulang kabilang sa line-up ng QCinema.
QCinema ang pinakaaabangang film festival sa bansa dahil sa kanilang international film selections.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natitinag ang QCinema sa mga sorpresa
at pagpapalabas ng mga award-winning na mga pelikula mula dito sa ating bansa at sa ibang bansa.
Maraming salamat, QCinema.