Sunday, November 19, 2023

PERFECT DAYS



Namumuhay si Hirayama (Koji Yakusho) sa paglilinis ng mga pampublikong toilet ng Tokyo. Kapag wala siya sa trabaho, tahimik niyang ginugugol ang kanyang mga araw, nagbabasa ng mga libro, nakikinig ng musika, at kumukuha ng mga larawan ng mga puno. Sa paglipas ng panahon, isang serye ng mga hindi pangkaraniwang pagtatagpo ang nagpapakita ng kanyang nakaraan. Inilalagay ni Wenders si Yakusho, isa sa pinakamahuhusay na aktor ng Japan, sa isang character study na unti-unting nagpapakita ng matinding epekto sa isang tao na nakatagpo ng kagalakan sa ordinaryong bagay.

 
Nakahanap na po pala ako ng bagong personality sa katauhan ni Hirayama 
(played by Koji Yakusho). Charot! 
 
Sa unang bahagi ng pelikula eh hindi ko talaga mapigilang mapapapikit ng mata
sa mala-Jeanne Dielman routine at mundanity. 
May narinig din po akong ilang paghilik.
Okay lang 'yun ganyan talaga 'pag film festival.
 
Napakahusay ni Koji Yakusho sa pelikulang ito. To sum up ang napakagaling na performance niya bilang Hirayama eh naalala ko ang speech ni Diana Zubiri 
nung manalong Best Performer, "Na-shock po ako nung talagang ako ‘yung nanalo
kasi nakita niyo naman po dun sa pelikula 
wala po akong ginawa kundi maglakad ng maglakad. 
Parang ‘di po ba nakakapagod din naman ‘yung maglakad ng maglakad. 
Nakalimutan din po ata nila hindi lang po facial expressions ang ginagamit ‘di ba
pati po ‘yung body language." 
Sino ba naman ang hindi mananalo ng Cannes Film Festival Best Actor 
eh walang arte din si Koji sa pagpulot ng mga basura
na walang gamit na gloves. 
 
Sa pangalawa at pangatlong bahagi ng pelikula,
dito ko mas naramdaman ang pag-iisa at kalungkutan ni Hirayama. 
Nung tinanong siya kung hindi ba siya nalulungkot sa pag-iisa.
Sa pagtatanong ng kapatid niya na may halong concern
kung totoo nga bang toilet cleaner ang trabaho niya. 
Sa pag-enjoy sa pakikinig ng lumang tugtugin, pagkuha ng litrato
at pagpapa-develop ng mga ito, pagpunta sa nakagawiang bookstore
at magbasa ng libro pati ang madalas na pagpunta sa mga suking kainan.
 
Pinakita din sa pelikula na people just come and go.
Kaya kita mo 'yung limited interaction niya. 
 
Saka akala ko sina Richard Gomez at Regine Velasquez lang ang magpapalitan ng mga liham sa bench sa "Ikaw lamang hanggang ngayon" aba lumaban din ang lolo Koji sa palitan ng larong dinaan sa liham na sinuksok sa gilid ng banyo habang naglilinis ng toilet. 
 
Si Hirayama eh kung dito sa Pilipinas ‘yan nakatira eh
baka may kumuha ng litrato niya habang kumakain mag-isa at mag-viral pa online.
 
'Yung last shot ng pelikula kung saan nagpakita ng iba't ibang facial expressions
at emotions si Koji Yakusho habang nagmamaneho at tumutugtog ang "Feeling Good"
ay isa sa best scenes of this year. 
 
Evident din ang trademark style of filmmaking ni Wim Wenders
na makikita dito sa pelikula tulad na lamang sa dream sequences
na may pagka-experimental.
Makikisabay ka sa saliw ng musika sa mga ginamit na popular na awitin sa pelikula.

Nagustuhan ko at nagandahan ako sa pelikula na kahit pa matapos ito 
ay mananatili pa rin ito sa aking isipan. 
Tunay na isa ito sa pinakamahusay na pelikula ng taon.
 
Ngunit ang malaking tanong, sapat na bang tawaging “Perfect Days” ang mga araw na kabisado na natin ang mga nakagawian sa schedule natin? Maituturing ba na “Perfect Days” kapag naaayon sa sarili nating kagustuhan ang mga nangyayari? Paano kung may mga hindi inaasahang pangyayari o circumstances na maaaring magpahinto sa itinuturing na “Perfect Days”? Sabagay, depende na lamang talaga sa tao kung paano niya makikita ang bawat araw na perfect days dahil wala nga naman talagang perpektong mga araw.