Isa na namang pasabog ng TBA ang pelikulang "Smaller and Smaller
Circles". Ang TBA Productions ang nasa likod ng mga pelikulang
"Bonifacio: Ang Unang Pangulo", "Heneral Luna",
"Sunday Beauty Queen", "I'm Drunk I Love You", "Women
of the Weeping River" at "Bliss". Hango sa nobela ng parehas na
pamagat ni F. H. Batacan. Napapanood na ang trailer ng pelikula noong nakaraang
taon kaya anticipating ito.
Ang pelikula ay tungkol sa dalawang paring sina Father Augusto "Gus" Saenz (Nonie Buencamino) at Father Jerome Lucero (Sid Lucero) na iinimbestigahan ang serye ng walang awang pagpatay sa mga bata sa Payatas. Samantala, si Joanna Bonifacio (Carla Humphries) naman ay isang seasoned journalist na assigned upang sundan din ang serye ng pagpatay at alamin kung sino ang serial killer. Magtutulungan ang tatlo upang mahuli ang killer at pigilan ito sa susunod niyang mabibiktima.
3/4 of the film ay English ang gamit na language ng mga actors. Hindi rin naman ito ang naunang pelikulang Pilipino na gumawa ng ganyan. Nariyan ang "A Portrait of the Artist as a Filipino" (1965) at "Igorota" (1968).
Unique ang business ng characters nina Father Augusto "Gus" Saenz at Father Jerome Lucero. Saan ka nakakita ng pelikulang Pilipino na may mga paring nag-foforensic?
No doubt ang husay nina Nonie Buencamino at Sid Lucero sa kanilang respective roles. Surprising dahil bumagay naman kay Carla Humphries ang pagiging Joanna Bonifacio. Nakakagulat na biglang kasama pala sina Gladys Reyes, Bembol Roco, Christopher De Leon, Ricky Davao, Dexter Doria, Bernard Palanca. Alex Medina at Junjun Quintana.
May mga funny dialogues sa movie tulad ng mga ss.:
Joanna (referring to Father Jerome): Jesuit priests are getting cuter
these days.
Father Gus (referring to Joanna): Iba siya!
Father Jerome (referring to Councilor Mariano): I'd vote for her.
May mga issues ang pelikula. Ito ang mahirap sa pagsalin sa pelikula ng isang nobela. Merong multiple messages ang pelikulang ito tulad ng religious hypocrisy, sociopolitical at socioeconomic issues. Gusto rin ipahayag ng pelikula ang separation ng church at state sa isyung politikal. Idagdag pa ang corruption at sexual abuse cases. Sa kaunting oras, kelangan icondense ito.
May mga characters din na hindi na binigyan ng exposure na maaari nang
tanggalin dahil nakagulo at hindi nakatulong o sana ay binigyan ng subplot na maayos
tulad ng character ni Bernard Palanca pati ang paring kinasuhan ng sexual
abuse. Ang masaklap merong VO na hindi nakatulong sa narrative ng story. Sa
confrontation scene naman nina Father Gus at serial killer, papaanong nakatakas ang killer sa mga pulis samantalang nakapalibot ang pulis sa area? Anyare? Another
police negligence o mishap? Sa katapusan ng pelikula, hindi mo mawari kung
hindi na naniniwala si Father Gus sa simbahan at gobyerno dahil na rin sa
kanilang sistema at aksyon. Kaya pagkatapos mong mapanood ang pelikula ay
marami kang tanong.
Kailangan kong mabasa ang libro para mas malinaw sa akin ang mga bagay
bagay.
While watching the film, it felt like nanonood ako ng The Silence of the Lambs, Kiss the Girls at Se7en. Tinatangka nang pelikula na maging neo-noir thriller na bibihira mong makitang gawin ang ganitong genre sa pelikulang Pilipino.
Maganda kung gagawing TV series ang pelikulang ito.
While watching the film, it felt like nanonood ako ng The Silence of the Lambs, Kiss the Girls at Se7en. Tinatangka nang pelikula na maging neo-noir thriller na bibihira mong makitang gawin ang ganitong genre sa pelikulang Pilipino.
Maganda kung gagawing TV series ang pelikulang ito.
No comments:
Post a Comment