Nagandahan ako sa pelikulang
ito.
Ang “The Lighthouse” ay set
noong 1890’s sa Maine. Tungkol ito kay Ephraim (Robert Pattinson) na isang
wickie o lighthouse keeper kasama si Thomas (Willem Dafoe) na nagsisilbing
supervisor niya. Sa pagtagal ng dalawa sa lighthouse, unti-unti ay may
matutuklasang kakaiba si Ephraim sa isla. Totoo nga ba ito o imahenasyon niya
lamang? May kinalaman ba si Thomas dito?
Eerie, atmospheric at
nightmarish arthouse psychological horror ang pelikulang “The Lighthouse”.
Maganda ang composition at
texture ng pelikula. Magaling ang cinematography. Maganda ang shots, framing,
sound effects, SFX at VFX. Effective ang paggamit ng black and white style sa
pelikula. Mahusay din ang direksyon ni Robert
Eggers.
Mahusay si Willem Dafoe sa
kanyang pagganap bilang Thomas. Hindi ako fan ni Robert Pattinson pero impressive
at sobrang galing niya dito. Gumamit pa siya ng accent na ginagawa na niya sa
ibang indie movies niya. Kapansin-pansin din na gumanda ang katawan ni Robert Pattinson dahil na din sa work-out at edad.
Nakakatuwa
na madaming millenials at gen Z ang nanonood. Sobrang engaged ng audience sa
film.
Poetic
o parang oratorical or extemporaneous speech ang batuhan ng linya nila Robert
at Willem dahil na rin sa milieu ng pelikula.
Noong
una, akala ko ay ‘di ko ma-appreciate ang pelikula kasi dalawang lalaki lang ang
nakikita ko sa screen pero dahil magaling both ng actors ay hindi ako bumitaw
sa pelikula.
May
mga reference o homage na ginamit sa pelikula tulad na lamang sa “The Birds” ni
Alfred Hitchcock.
For
your consideration po for Oscar Best Actor nomination kay Robert Pattinson.
No comments:
Post a Comment