Star Cinema changed the landscape and set the tone of romcom noong 90's at 2000's sa Philippine cinema. Nagsimula ito sa "May Minamahal" (1993). Sa nabanggit na pelikula, angkop na ang lengwaheng gamit sa panahon. Hindi na matalinghaga at nakikisabay na sa kabataan noon ang mga salita. Light ang atake sa pelikula. At dahil nanggaling ang pamagat ng pelikula sa kanta ay maayos ang paggamit nito. Hindi pa din nawawala ang elementong rich boy meets poor girl with a boyish heart sa pelikula at ang pagpapakita ng magkaibang mundo ng dalawang bida.
Samantala, ang "Got 2 Believe" (2002) naman ang nagpatibay sa love team nina Claudine Barretto at Rico Yan. Sinakto sa kanilang mga pinagsamahang teleserye at on-screen and off-screen relationship nilang dalawa. May pagkakaiba na din sa lengwahe noong 2000's pati sa gamit tulad ng cellphone na makikita sa pelikula. Maituturing na lighter film ito ni Olivia Lamasan dahil kadalasan sa mga pelikula niya ay romantic drama at family drama. Iba din ang atake sa pelikula. Mas nananaig ang mga hindi sinasabi kesa sinasabi. Sa bawat sulyap ay Lawrence (Rico Yan) kay Toni (Claudine Barretto) ay may halong kilig. Si Lawrence ay archetype ng mala-prince charming sa chic flick. Gwapo siya, family-oriented, independent, fun to be with at dating playboy na nagbago dahil sa isang babae. Matapos niyang i-set up si Toni sa iba't ibang lalaki upang maka-date kapalit ng isang deal sa isang magazine, sa wakas ay kay Perry (Dominic Ochoa) na kaibigan ng binata matatagpuan ni Toni ang ideal man. Sa kinalaunan naman kahit na unti-unting nahuhulog si Lawrence kay Toni ay hindi siya nanggulo o nakialam kanila Toni at Perry.
Sa kabilang banda, si Toni naman ay isang achiever, maganda, family-oriented at matalinong babae. Nais niyang magkaroon ng nobyo dahil pakiramdam niya ay nalilipasan na siya ng panahon. Gayunpaman, siya ang namamahala ng isang wedding planning niyang negosyo. Siya din ang nagdidisenyo ng mga wedding gowns ng kliyente niya. Madalas kunan ng larawan ni Lawrence si Toni hanggang mapansin ng pinsan ng binata na magandang gawan ng feature na "always the bridesmaid, never the bride". Sa una, iritable ang dalaga kay Lawrence. Nagdalawang-isip pa kung tatanggapin ang kasunduan na gawan siya ng feature sa pamamagitan ng pagkuha ng kanyang mga litrato. Ngunit, tinanggap niya ito at sa huli'y mapagtatanto ni Toni kahit pa natagpuan niya kay Perry ang ideal man niya ay nahulog din ang loob niya kay Lawrence.
Maaamin ba ng dalawa ang kanilang nararamdaman sa isa't isa?
Sa panahong karamihan ng mga rom com na napapanood ay galing sa Hollywood. Ang "Got 2 Believe" ang namayagpag noong early 2000's sa Philippine cinema. Mas epektibo kasi ang naging chemistry nina Rico Yan at Claudine Barretto lalo't on-screen at off-screen ang kanilang romantic relationship. Sa tulong na din ng mahusay na pag-direk ni Olivia Lamasan, napatunayang hindi lamang mahahanay si direk sa mga seryosong drama kaya niya din gumawa ng romantic comedy. Nakuha din ng pelikula ang energetic youth of the early 2000's sa mga nailapat na salita at paghulma sa bawat tauhan sa pelikula. Nakadagdag pa ang mga nostalgic at nakakakilig na kanta.
Samantala, mababago muli ng Star
Cinema ang romantic genre sa pamamagitan ng mga hugot sa late 2000's at 2010's
sa mga pelikulang "One More Chance" (2007) at "That Thing Called
Tadhana" (2014).
No comments:
Post a Comment