November 19.
Bahagi ng 2016 Cinema One Originals ang Horror Film Making Forum. Interesting,
ano? Isa na ang horror sa genre na tinangkilik ng mga Pilipino. Isa rin ito sa
genre na sa palagay ko ay patuloy na tatangkilikin lalo na nang masang pinoy.
Moderator ng forum na ito walang iba ang nag-iisang "Asia's King of
Talk" (parang ang nag-iisang Superstar. Sa bagay, Noranian siya) si Boy
Abunda at ang mga guest panelists ay ang mga kilalang direktor sa larangan ng
pananakot. Sila Erik Matti (direktor ng Aswang Chronicles at ang mga
kontrobersiyal na pelikula tulad ng On the Job at Honor Thy Father), Rico Maria
Ilarde (direktor ng mga horror films ng Regal Films), Dodo Dayao (film critic
at direktor ng indie film na "Violator") at Ed Cabagnot (Faculty
member ng UP Diliman sa College of Mass Communication at nagtuturo ng film
studies).
Ipinakilala
isa isa ni Boy ang mga guest panelists.
Una ay si
Erik Matti na sa pagpapakilala ni Boy ay highly controversial at walang takot
kahit sino ang banggain kahit sistema pa ito. (Lalo na noong nakaraang taon sa
kanyang Magnum opus "Honor Thy Father"). Hindi inaasahan ni Erik Matti
na mapasama siya sa horror director dahil hindi naman niya considered na horror
ang Aswang Chronicles. At sa pagkakaalala niya ay "Pasiyam" lang ni
Roderick Paulate ang horror na ginawa niya.
Nagpalabas ng
presentation si Erik Matti at sa pagtapos ng bawat video clips ay binigyan niya
ng pakahulugan ang horror. According to Erik Matti, horror is defined as follows:
a. Horror is
what terrifies you in the gut
b. Horror is
pure entertainment
c. Horror is
also about reimagining the tropes
d. Horror
films are all about other horror films
e. Horror is
an exercise in craft
f. Horror is
a quintessential film genre
Hanga ako sa
presentation ni Erik Matti. Sa kanyang estratehiya, ito ay patunay na galing
siya hindi lamang sa industriya ng pelikula kundi pati sa larangan ng advertisement.
Nakakatuwa lang makita sa mga video clips ni Erik Matti ang mga horror movies
sa ibang bansa tulad ng Psycho, Scream, The Shining, Nightmare on Elm Street,
Saw series, The Exorcist at iba pang pelikula pati ang mga pelikulang Cape Fear
na remake ni Martin Scorsese at ang ikinagulat ko ang "Midnight
Express" Sadyang humurous si Erik Matti dahil sa bandang huli ang
nakakatakot na ipinakita niya ay ang video clip ng pag-deklara ng dating
pangulong Ferdinand Marcos ng ideklara ang Batas Militar o Martial Law. Hmm?
Napapanahon.
Merong ilang
katanungan si Boy kay Erik. Nang tanungin si Erik tungkol sa kanyang paborito o
nagustuhang horror film. Binanggit niya ang Danish movie na The Hunt (2012)
kung saan nanalo si Mads Mikkelsen ng Cannes Film Festival Best Actor. Naintriga
tuloy ako lalo sa pelikula dahil hindi ko ito napanood. Para kay Erik, hindi nature
ang horror ng pelikula kundi nakakatakot ang nangyari sa pangunahing tauhan.
Nabanggit din
ni direk Erik na hanga siya sa pagiging effective ni James Wan ngayon sa
horror.
Sumunod na
nagbahagi ng kanyang karanasan bilang horror film maker ang direktor na si Rico
Maria Ilarde. Nagpalabas ng video clips si direk Rico ng mga nagawa niyang
pelikula. Aminadong hindi nakapaghanda si direk Rico kaya ibinahagi niya ang kanyang
karanasan.
Bago iyon,
ibinahagi niya sa amin ang magkaibang naobserbahan niya habang nanonood ng
horror na pelikula. Nang manood siya ng Japanese horror movie "Ringu",
napansin niya ang bulong-bulungan na natatakot sila sa mangyayari sa mga
karakter. Samantala, nang manood siya ng "The Conjuring" ay hindi
mapigilan ng mga tao ang sigawan.
Dito na niya naikuwento
ang sariling karanasan pagdating sa horror film making. Noong dekada '90 nang makaisip
siya ng kwento tungkol sa zombie. Hindi hype ang zombie stories sa pelikula di
katulad ngayon na naglipana matapos ang The Walking Dead TV series at Train to
Busan.
Naalala ko
nakagawa ng isang episode si Erik Matti tungkol sa aprit (zombie) sa kanyang TV
series na "Kagat ng Dilim" sa Viva TV noong early 2000's. Sikat na rin
si George Romero sa paggawa ng zombie films pero oo nga hindi pa masyadong maingay
noon dito sa Pilipinas ang tungkol sa zombie. Nagkaroon lang ng episode dati sa
"Verum Est" ni Tony Velasquez.
Going back,
ni-reject ang konsepto pati ang nagawang script ni direk Rico ng iba't ibang mainstream
film studios dito sa Pilipinas dahil hindi daw ito tatanggapin ng manonood at
baka hindi pa kumita kaya naisipan niyang mangibang bansa para mag-aral. Pagdating
sa Amerika, nagpa-mentor siya sa frequent collaborator ni Roger Corman. Eventually,
nabigyan nya ng pamagat ang script ng "El Capitan". Hanggang sa
makilala niya si James Hong, isang Chinese actor na madalas lumabas sa horror
movies at pinangakuan siyang handa itong mag-invest na gawing pelikula ang script
nya basta bumalik siya sa Pilipinas at idirek ito. Pagbalik niya dito sa
Pilipinas ay gustong gawin ni Mother Lily ang script dahil na rin sa tulong ni
Joey Gosengfiao ngunit may mga kondisyon. (Ang sabi ni direk Rico dapat tandaan
namin ang mga pangalang Joey Gosengfiao kung nais naming magtrabaho sa
industriya dahil isa siya sa tumulong kay direk Rico at sa iba pang film makers
ngayon tulad ni Jeffrey Jeturian). Ibibida ang kanyang mga artista at may
babaguhin sa script. Lalagyan ito ng nudity at sex scene. Laking gulat ni direk
Rico dahil hindi niya intensyong lagyan ng nudity at sex scene ang pelikula. Hanggang
sa nabago ng ilang drafts ang script at maging "Dugo ng Birhen: El Capitan"
ang pelikula na pinagbibidahan nila Klaudia Koronel at Monsour Del Rosario.
Dito nagsimula ang career niya sa industriya. Makalipas ang ilang taon, hindi
naman nakatakas sa film critics si direk Rico. Nang gawin nya ang horror film
na "Pridyider", (wag malito dahil hindi ito yung gawa ni Ishmael
Bernal) negative ang reviews ng critics na kesyo lumabas na psycho lahat ng female
characters.
Nagtanong si
Boy kung gaano katagal ginagawa ang horror at kung mas mahirap ba ang horror
kesa ibang genre. Depende daw ito sa budget ng production at availability ng
actors sagot ni direk Rico na sinang-ayunan din ni Erik dahil kahit sa anong
genre ay nakakaapekto ito sa paggawa ng pelikula. Ang sabi pa ni Erik Matti ay kung
papipiliin siya between romantic comedy at horror dahil wala naman siyang
intensyon na gumawa ng rom com ay mas pipiliin niya ang horror. Mahirap daw
kasi ang gumawa ng rom com dahil kailangan na ang actors ay may chemistry.
Mahirap din ang horror gawin pero mas gusto niya ito aniya.
Pangatlong pinakilala
ni Boy si Dodo Dayao. Isa siyang film critic na naging direktor. Ang pagpapakilala
sa kanya ni Boy ay "new breed of directors".
Tulad ni
direk Rico, hindi nakapaghanda si Dodo for any presentation pero nag-share siya
ng thoughts about horror film making. Ayon kay Dodo, ang paggawa ng horror
movie ay confronting our fears at nagbibigay din ng cathartic effect.
Last but not
the least ay ipinakilala niya si Ed Cabagnot. Tulad ni Erik Matti, may
hinandang presentation si Ed. Hindi daw siya handa. Pero yung totoo? Para
kaming nasa film school at naghanda siya ng slides. Nakakatuwa. Naalala ko
tuloy si Nick De Ocampo. May side comment pa si Ed na hindi namin maintindihan ang
slides nya at wag daw kaming mag take down notes tutal millenials daw kami.
(Mega habol pa naman ako sa notes. Feel na feel ko. Di ko na makunan ng picture
kasi ang bilis ng paglipat nya ng slides. Sayang ang ganda pa naman about
horror). Saka isang oras lang kasi ang forum. Binigyan lang ng ilang minuto ang
guest panelists.
Meron pa
siyang slides about "how critics critique a film" at genre analysis lang
ang nasulat ko. Criticize nya din ang mga film critic. (Natawa ako dito sa part
na ito).
Naalala ko
tuloy ang isang manunulat na ang mga kritiko halimbawa sa pelikula ay dapat din
matuto na gumawa ng screenplay at magdirek ng pelikula.
Going back,
may ibinahagi pa siya tungkol sa 9 emotions na hindi ko na nahabol pa. Nagbigay
din siya ng top 17 horror movies para sa kanya. Here as follows:
17. Black Sabbath
16. Spirits of
the Dead
15. Gabi ng Lagim
14. The Conjuring
13. The Shining
12. Woman in Black
11. The Others
10. The Sixth
Sense
9. Ringu (The
Ring)
8. Orfanato (The
Orphanage)
7. The Eye
6. Itim
5. Phobia
4. Kwaidan
3. The Legend
of Hell House
2. The Haunting
1. The Innocents
Nakakaloka
ang banat ni Ed ng ipakita niya ang slide ng Pelikulang "Itim" kung
saan ang eksena ay sinasaniban ang character ni Charo Santos. "What
happened to the career of this girl?" Maaaring ang ibig niyang sabihin ay
magaling na aktres si Charo Santos at dahil sa comeback movie nya na "Ang
Babaeng Humayo" ay nagkaroon ulit ng pagkakataon na mai-showcase nya ang
kanyang talento. Sana ay nagtuloy tuloy siya sa acting career nya.
Napanood ko
ang ilan sa listahan at agree ako sa kanya tulad ng The Conjuring, The Others,
The Sixth Sense, Ringu (The Ring), The Eye, Itim, Phobia at The Innocents. Yung
iba hindi ko pa napanood. Napanood ko yung remake ng The Haunting nila
Catherine Zeta-Jones, Liam Neeson, Lili Taylor at Owen Wilson. Bata pa ako noon
so hindi ko na matandaan. Sabi nila, "nothing beats the original"
yung bida sila Tony Award winning actress Julie Harris at Claire Bloom.
Napanood ko ang "Itim". Maganda na nakadagdag sa resonance ng
pelikula ang Holy week at nakakatakot ang eksena ng gumalaw ang mga rebulto o
santo sa nightmare o dream sequence ni Tommy Abuel. Nakakatakot ang mood at atmosphere
sa panonood ng Ringu (The Ring) na pinagbibidahan ni Hiroyuki Sanada. Aminado
akong personal favorite ko ang "The Eye" na ang bida ay si Lee Sin
Je. Ipinalabas ang "The Eye" dito sa Pilipinas early 2000's kung kailan
kasabayan nitong sumikat ang ibang Asian horror films tulad ng
"Ringu" ng Japan, "The Grudge" ng Japan,
"Shutter" ng Thailand at "The Phone" ng South Korea. Nakakatakot
din ang "Phobia" ng Thailand. Lumabas ang pelikulang Phobia matapos ang
success ng "Bangkok Haunted 1 and 2" at "Shutter".
Nakakatakot ang episode ng Phobia tungkol sa textmate at isang episode tungkol
sa flight stewardess na minumulto. Ang nakakatuwa rito ay ipinalabas ni Ed ang
video clips ng dalawang episode ng "Phobia" at diniscuss niya ang
importance ng set-up, context, movement at set-up of situation sa horror
movies. Pinapanood niya din ang ilang eksena sa pelikulang original Cat People
noong 1940's at original The Haunting noong 1960's. Going back, nakakatakot
naman talaga ang twist ng "The Others" ni Nicole Kidman kahit ng
"The Sixth Sense." Nagustuhan ko naman ang sexually-repressed character
ni Deborah Kerr na si Miss Giddens sa pelikulang "The Innocents". Tulad
ng iba niyang prim and proper at sexually repressed characters na nagustuhan ko
tulad sa "Black Narcissus" at "The King and I". Hango sa
nobela ni Henry James na "Turn of the Screw" ang The Innocents. Isinulat
naman ni Truman Capote ang screenplay. Ang pelikulang "The Innocents"
ay isang gothic horror film.
Matapos nilang
i-discuss ang horror films. Hinayaan naman na magtanong ang audience.
May nagtanong
na babaeng audience kung bakit laging babae ang bida o survivor o victim sa
horror movies?
Na-intriga si
Boy Abunda kung may problema ba si girl sa issue na ito ay kung naiisip ba ni
girl na sexist ang horror movies. Nilinaw naman ni girl na wala.
Sinagot ito
ni Erik Matti na wala namang dahilan o symbolism o allegory kung babae ang
bida. Depende din sa script at syempre if involved ang talent manager ay gusto
ang artistang babae ang bida.
Dito
nagsalita si Boy Abunda na nagpapasalamat siya sa horror movies dahil
nabibigyan ng project ang mga babaeng artistang handle niya ang career. (Si Boy
Abunda ay hindi lamang host. Isa rin siyang talent manager, kolumnista at dalubguro).
Napansin ko
din yan sa mga horror movies tulad ng "Halloween" na pinagbibidahan
ni Jamie Lee Curtis. Nagkaroon ng mga teoriya na kesyo misogynist ang killer at
dahil bida ang babae ay may feminist touch.
Nag-recommend
naman ng ilang horror movies na dapat namin panoorin si Ed tulad ng Australian movie
na "Babadok" at Sundance Film Festival winner "The Witch"
ni Robert Eggers lalo pa't nagpapakita ang pelikula ng prowess ng babae. Naintriga
tuloy ako sa Babadok dahil hindi ko pa napapanood.
Dagdag pa ni
Ed na nauna pa tayong manakot o gumawa ng horror movies sa kalapit na bnasa
natin sa Asya tulad ng Indonesia at Malaysia.
Nagtanong
naman si Boy Abunda kung importante ba na maulit ang mga tropes sa horror film
tulad ng lumilipad na gamit, nagpapakitang multo... Sagot ni Erik Matti ay ito
ang demand ng mainstream kaya kahit na criticized ang ganitong istilo sa horror
ay dapat gawin dahil naniniwala din siya na horror films are all about other
horror films.
Nagbigay din
ng tips at pieces of advice si Erik Matti na dapat ay panoorin uli o i-rewatch
ang isang pelikula kahit horror pa ito para mas lalong ma-appreciate. Ang sabi
nya pa ay "a good horror film has integrity" kaya very important
"to do a research". Para sa kanya the worst kind of horror is horror
comedy.
Si Rico Maria
Ilarde naman ay nagbigay ng tip habang kausap ang new breed director na si Dodo
Dayao. "So far, Dodo is enjoying himself in creating movies in indie but
when it comes to mainstream pag demand ng studio na gawin ito. Gawin mo."
Sabi pa ni direk
Rico, "There must be balance between passion and professional abilities."
May nagtanong
ulit sa audience kung anu-ano ang challenges sa paggawa ng horror movies at
paano ito na-overcome.
Sabi ni Dodo Dayao
noong ginawa niya ang indie horror movie na "Violator" ay meron
siyang mainstream movie/TV at theater actors. Sa kanyang karanasan, kumportable siya sa mainstream TV movie actors tulad nila Victor Neri at Joel Lamangan. Sa
theater actors naman, na-challenge siya to give them insight sa characters nila
but overall for him it's a rewarding experience.
Dagdag pa
nila Erik at Rico na bread and butter mostly ng actors sa Philippines ang TV at
lumalabas na sideline nila ang pelikula at ang trato naman ng ibang artista
kahit ng ibang tao sa pelikula ay glamor.
Tinanong
naman ni Boy Abunda ang mga direktor na sina Erik Matti, Rico Maria Ilarde at
Dodo Dayao kung nakakita ba sila ng multo o nakaramdam ng pagmumulto sa set o
location ng paggawa ng horror movies nila. Sinagot ang bawat isa ng
"hindi" kahit pa ang mga actors nila ay nakakaramdam.
May bonus pa
sa attendees si Erik Matti dahil sa amin niya unang pinapanood ang trailer ng
"Seklusyon" ang horror movie entry niya sa MMFF 2016.
Pagtapos ng trailer
ay bumanat si tito Boy ng "mukhang kikita!". Sabay tawa.
Naalala ko
ang TV show na "Ang Pinaka" ay gumawa ng listahan ng
Top 10 Pinoy
Horror Movies. Ito ay ang mga sumusunod:
10. Di Ingon Nato
9. The Road
8. The
Healing
7. T2
6. SRR13:
Parola
5. Blackout
4. Numbalikdiwa
3. SRR12: Punerarya
2. Wanted: Border
1. Yanggaw
Kasama sa panelists
ang mga film critic na sina Oggs Cruz (ng Rappler) at Armando Dela Cruz (ng
filmpolicereviews). Criticized din ang paggawa nila ng top 10 Pinoy Horror
Movies. Dahil ang paniniwala ng iba ay hindi horror ang Yanggaw. Nga lang, sa
listahan ang napapanood ko pa lang ay ang The Healing, T2, SRR12: Punerarya at
Numbalikdiwa. Intriga din ako sa Yanggaw.
Sa film forum
na ito at kahit sa pag-feature ng mga Pinoy Horror Movies ay may natutunan tayo
at may natutunan din ang mga film makers.
Sana ay
naimbitahan din ang mga kilalang direktor sa horror sa forum tulad nila Peque
Gallaga at Lore Reyes. Sila ang direktor ng "Tiyanak" ang nagpabago
ng trend sa Philippine Cinema pagdating sa horror. Isa pang tanyag din sa genre
na ito ay si Chito Roño. Direktor siya ng Patayin sa Sindak si Barbara (remake),
Feng Shui, T2 at The Healing.
Sabi nga
nila, "gumastos ka para manood ng horror at takutin ang sarili mo. Parang gumastos
ka sa pamumundok at pagurin ang sarili mo." Nariyan din ang kritisismo ng
escapist daw ang panonood ng horror. Hindi na maialis ang horror genre dahil
naging bahagi na ito ng mundo ng pelikula.
Muli, mabuhay
ang pelikulang Pilipino!
No comments:
Post a Comment