Sunday, November 6, 2016
LIPSTICK AND LETHALITY: A Discussion on the femme fatale archetype characters in film by: Nick De Ocampo
Na-excite ako sa discussion ng Femme Fatale sa UP Film Studio na inorganisa ng UP Cinema noong Oktubre 27. Si Nick De Ocampo ang kanilang speaker. Isa sa mga paborito kong tauhan sa mga lumang pelikulang noir ang femme fatale. Naalala ko tuloy ang mga paborito kong femme fatale na karakter tulad nila Norma Desmond (na ginampanan ni Gloria Swanson) sa pelikulang Sunset Blvd., Evelyn Mulwray (Faye Dunaway) sa pelikulang Chinatown at Amy Elliott Dunne (Rosamund Pike) sa pelikulang Gone Girl.
Bukas muli sa publiko ang film forum. Ilan lamang ito sa open-to-the-public film forum ng UP.
Laking gulat ko na ako lamang ang outsider na pumunta ng film forum na ito. Karamihan sa kanila ay estudyante pa ng UP. Nabasa ko kasi ang mga comments ng mga hindi taga-UP sa post ng event na ito sa facebook. Kung maaari ba silang pumunta, binigyan naman sila ng sagot na maaari silang pumunta.
Tanyag na film scholar, scriptwriter, director, film critic at film historian si G. Nick De Ocampo. Nakilala siya sa mga docu-film tulad ng "Oliver".
Na-enjoy ko ang discussion nya tungkol sa femme fatale. Una niyang hinalimbawa ang mga itinuturing na femme fatale sa panitikan at kasaysayan tulad nila Salome na akda ni Oscar Wilde at Mata Hari.
Ikinumpara niya ang femme fatale at vamp.
Ayon sa kanyang pagkakatalakay, ang femme fatale ay stock characters o archetype in cinema. She is a mysterious and seductive woman who uses her charms to ensnare her man (target or bait) often leading them into compromising, dangerous and deadly situations. Samantalang ang vamp mula sa salitang vampire ay unrepentant and uses her body for upfront sexual advances as a motive in getting something she wants.
Marahil ay nakakalito ay pagkakahambing at pagkakaiba ng dalawa.
Nabigyan ito ng linaw ng mas binigyan ng mga pinagmulan ang femme fatale sa film noir. Dark ang theme ng mga film noir. Mula sa French word ang noir na tumutukoy sa kulay itim. Kaya mapapansin ito sa mga film noir noong 30's at 40's na bumagay sa black and white. Mapapansin din ang lighting na ginagamit sa mga film noir na madalas ay may kadiliman at ang mga krimen ay nangyayari sa dilim.
Naitanong ko tuloy kay G. De Ocampo kung ang mga ginagampanan noon ni Marlene Dietrich ay isang vamp. Napapansin ko kasi na masyadong mapangahas si Dietrich sa mga roles niya tulad na lamang ang saloon girl role nya na si Frenchie sa pelikulang "Destry Rides Again". Depende daw ito sa kung paano binigyang buhay at interpretasyon ang tauhan ni Dietrich.
Ipinakita ni G. De Ocampo ang isang litrato ng nakaupong babaeng mapang-akit, ma-alindog, namumula ang labi sa pulang lipstick at mukhang maghuhubad ng? feather shawl o blazer? At lalaking may cleft chin na hawig ni Aaron Eckhart ang nakahawak sa kanyang? baston. Ganyan na ganyan kung ilarawan ito ni G. De Ocampo. Huwag daw namin isara ang aming isipan. Tinanong niya kung ano ang maaaring simbolismo na nakikita namin sa larawan. Walang sumagot. Dito na po nagbigay ng reaksyon ang Binibini este Kagalang galang na Ginoong De Ocampo. Hahaha. Na malay ba naman namin kung tumayo na ang ano ni koya sa picture. Dinagdagan pa niya ng linyang, "He is coming! He is COMING!" sa kanyang flaunting na boses. Mukhang wala na raw atang kinabukasan ang pelikulang Pilipino kung hindi kami marunong bumasa ng simbolismo, nuance at subtext sa mga pelikula. Pwede rin daw gawan ng re-enactment ang ipinakitang larawan sa forum na iyon. Sir Nick talaga oh!
Bigla na lamang niyang iinsert ang kanyang political views na talagang witty. Natatawa ako kapag naalala ko yung sabi nya sa isang pulitiko na "happy days are here again kay lola mo." At sa isa pang pulitiko na naging kontrobersyal sa kanyang pagkakasangkot sa droga. Baka daw biglang mag-revenge ito ala-femme fatale. Charaught!
Binago niya ang slides at napunta kami sa epitome ng femme fatale na si Norma Desmond (na mahusay na ginampanan ni Gloria Swanson). Halos ituring na siyang crazy actress sa napakagaling niyang pagkakaganap.
Dito na naitanong ni G. De Ocampo kung meron bang femme fatale sa pelikulang Pilipino? Naitanong ko kung maituturing ba na femme fatale ang pagkakaganap ni KC Concepcion sa pelikulang "Arturo Porcuna BOY GOLDEN: Shoot-to-kill". Hindi ito napanood ng aming speaker. Kaya hindi niya ma-evaluate.
Dito na niya kami hinayaang tuklasin ang dalawang karakter sa dalawang pelikulang Pilipino maaaring ituring na film noir at ang mga pangunahing tauhan naman ay femme fatale. Ito ang "ANGELA MARKADO" na pinagbibidahan ni Hilda Koronel mula sa direksyon ng yumaong National Artist na si Lino Brocka at ang kapa-panalo kamakailan lamang ng Golden Lion sa Venice Film Festival "ANG BABAENG HUMAYO" na pinagbibidahan ni Charo Santos mula naman sa direksyon ni Lav Diaz.
Una niya sa aming pinapanood ang mga eksena sa pelikulang "ANGELA MARKADO".
Sa totoo lang, isa ito sa paborito kong pelikula ni Lino Brocka. Nasaktuhan ko lang ito na mapanood ng ipalabas ito sa TV. Kamakailan lamang ay ginawan ito ng remake na ang bida ay si Andi Eigenmann. Pero "nothing beats the original".
Una niyang ipinakita ang rape scene sa pelikulang ANGELA MARKADO. Ipinaliwanag ng tagapagsalita na dahil ang Pilipinas ay isang third world country at ito ay ginawa noong dekada '80 ay mahirap bigyan ng maayos na posisyon ang ilaw para sa lighting subalit nakadagdag ito sa foreboding moments sa magaganap kay Angela (Hilda Koronel). Sa eksenang iyon, mag-isa lamang si Angela sa isang madilim na kalsada.Biglang dumating ang isang parang owner-type jeep at dinakip si Angela. Dinala siya sa isang abandonadong gusali kung saan siya ay pinasayaw muna na mala-theatrical ang dating bago siya gahasain.
Sumunod na eksena ang kanyang paghihiganti kung saan ay gumagamit ng wig si Angela upang magpanggap ng ibang tao.
Pangatlong eksena ang nahuli siya ng kapatid ng isang tauhan at nabunyag na ang kanyang lihim. Dito sinabihan si Angela na may huwag niyang ilagay sa kamay niya ang batas. Dito sinabihan kami ni G. De Ocampo na makinig mabuti sa linya ni Angela.
"Mahirap lang ako."
Dito binigyang diin ni Angela ang kanyang katayuan sa lipunan na sumasalamin sa mga napapanahong isyu.
"Pagbigyan mo na ako."
Biglang lumambot si Angela at humihingi ng pabor upang makuha niya ang inaasam na paghihiganti.
Nagpumiglas si Angela hanggang sa makita ang tattoo niya na may mga pangalan. Ang pagpunit sa kanyang damit ay sumisimbolo sa pagyurak ng kanyang dangal.
Huling eksena na pinapanood sa amin ay ang paghihiganti ni Angela sa utak ng panggagahasa sa kanya ginampanan ito ng yumaong batikang aktor Johnny Delgado. Sa bandang huli ay isinuko ni Angela ang baril sa karakter na ginagampanan ni Raoul Aragon matapos mapatay ang karakter ni Johnny Delgado. Closing credits/CBB na makikita ang "People of the Philippines vs. Angela Del Mar".
Nagwagi ng Best Picture sa Nantes Film Festival ang pelikulang "ANGELA MARKADO"'. Ito ay pangalawa sa prestihiyosong film festival sa France.
Sa katapusan ng pelikula, mapapansin na sumuko si Angela sa batas. Masasabing hindi pa rin siya full-blown na femme fatale.
Ayon kay G. De Ocampo, laking gulat niya ng mapanood niya ang kasunod na pelikulang aming tatalakayin na may elemento ng pagka-film noir at may femme fatale
Kasunod na ipinakita ang ilang eksena sa pelikulang ANG BABAENG HUMAYO.
Unang ipinakita ang eksenang nagpapanggap si Horatia (Charo Santos) na debotong Katoliko na naka-belo. Nagmamatyag siya sa kanyang balak paghigantihang tauhan (Michael De Mesa).
Kasunod na eksena ang pagbili niya ng baril.
Sinundan ito ng eksena kung saan nag-eensayo siya sa pagbaril kay Rodrigo Trinidad. Makikitang nahihirapan at nagdadalawang-isip si Horatia hanggang sa siya ay mapamura at itinutok ang baril bilang pag-eensayo sa pagpatay niya sa kalaban.
Huling eksenang pinalabas ang pag-uusap ni Horatia at Hollanda.
Ipinaliwanag ni G. De Ocampo na maaaring maituring na neo-noir ANG BABAENG HUMAYO subalit (spoiler alert!)... tuklasin nyo na lang.
Dito na niya hinayaan kaming magtanong kaugnay sa femme fatale.
Nagtanong ang isang literature student kung meron na bang "trans fatale" dahil na rin sa ay! (spoiler alert!).
(Pwede rin siguro "gay fatale")
Sagot ni G. De Ocampo, "Wala pa at ikaw ang nagbigay ng bagong tawag sa karakter na ganito. Bigyan ka dapat ng credit. Palakpakan natin siya."
Pinalakpakan namin siya habang natatawa. Kwela kasi si sir Nick.
"Oh, ano? Masaya ka na dahil pinalakpakan ka namin? Magaling ka na? Ikaw na!"
Malakas uli ang aming tawanan.
Nagtanong naman ang isa sa mga estudyante niya kung meron na bang babaeng direktor na gumawa ng film noir mapa-Hollywood o local.
Nabanggit ni sir Nick na maaaring maituring na film noir ang pelikulang SALOME na pinagbibidahan ng batikang aktres na si Gina Alajar mula sa panulat ni Ricardo "Ricky" Lee at direksyon ni Laurice Guillen. Wala sa mga dumalo ang nakapanood ng pelikula maski ako.
Kaya isang malaking tanong kung nakalikha na ba talaga ng film noir at femme fatale ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Sa pag-assess ni sir Nick De Ocampo wala pang nagagawang film noir at femme fatale ang pelikulang Pilipino dahil sa hesitation at tentative na isip at pagsasaalang-alang na bahagi pa rin ng pagiging relihiyoso na isang katangian ng Pilipino ang makakapigil sa paggawa ng mapangahas na karakter sa isang pelikulang Pilipino.
Saka maaari ring dumaan pa ito sa strict guidelines ng Catholic Mass Media o iba pang ahensya.
Maraming Salamat UP Cinema na buksan sa publiko ang ganitong film forum.
Kailan kaya ulit may free film forum si sir Nick? Gusto ko mapuntahan. Paano pa kaya sa script writing workshops nya? Kwela at kalog kasi siya.
(Credits to the owner sa picture)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment