Thursday, January 12, 2017

THROWBACK THURSDAY PRESENTS: REVISITING "THE ENCOUNTER" (2010) and KUNG GIUNSA PINAGBUHAT ANG BISAYANG CHOPSUEY (HOW TO MAKE A VISAYAN CHOPSUEY) [2014]

THE ENCOUNTER (2010)

Five years ago, I was alone in a Good Friday. (Holy week, exactly). I was hoping to watch a Tagalog classic movie. Sad to say, I wasn't able to find a local channel doing that anymore. I decided to switch channels by pressing the remote control to look for something interesting to watch. Suddenly, there's a film that caught my attention. It's about five strangers in a diner where they meet a mysterious man claiming he's Jesus Christ. They must decide whether they accept and obey Jesus or harm themselves as they follow the devil. Pureflix Entertainment made this film two years prior to the year when I watched it. This isn't a Close Encounter to the Third Kind thing. Instead, this is an encounter you'll never forget once you watch this. The movie touched my heart albeit no characters in the movie had an exact situation or circumstances in my life. This film made an impact on a personal level. It confronted some issues such as unbelief, trust, patience, second chances and a lot more. As one of the many actors who played Jesus, Bruce Marchiano portrayed a modern day Jesus Christ on an endearing and natural level. Jaci Velasquez, Madison Gibney, Steve "Sting" Borden and other actors made the film complete with their successful characterization. I admit that this is my favorite movie of all time. This movie cannot be categorized as one of the greatest movies of all time. It's surreal. I love other Pureflix Entertainment movies like God's Not Dead and Do You Believe? even Kendrick Brothers' War Room but The Encounter is still the best. Recommendations: This feature can be used as part of Encounter Retreat. 

KUNG GIUNSA PAGBUHAT ANG BISAYANG CHOPSUEY? (HOW TO MAKE A VISAYAN CHOPSUEY?) by: Charliebebs Gohetia. 

Tatlong taon na ang nakakaraan ng mapanood ko ang dokumentaryong "KUNG GIUNSA PAGBUHAT ANG BISAYANG CHOPSUEY". 

Bahagi ito ng Cine Totoo ng GMA News and Public Affairs noong September 27, 2014. 

Sa dokumentaryong ito ipinakita kung paano pinagbuklod ang iba't ibang sektor ng lipunan upang magkaisa sa isang larong dinala ng isang dayuhan sa ating bansa ang Tchoukball. 

Ang Tchoukball ay isang indoor na laro na natuklasan sa Switzerland noong 70's. Hanggang sa nadala rin ito sa ating bansa noong 2010 sa Davao at Bacolod.

Ang larong Tchoukball ay may pagkakahalintulad sa Dodgeball. May sistema ang laro. Bawal magkasakitan ng pisikal (dahil sa pasahan ito ng bola at hindi ito tulad ng larong basketball football na maaaring maglapat ang katawan ng mga manlalaro) at bawal ring magmura o magkantyawan ang mga players. Dahil sa ganitong patakaran ng laro, mas nakikita ang determinasyon at sportsmanship ng bawat manlalaro. Mas nabibigyang halaga ang respeto sa bawat isa. Kakikitaan din ng kooperasyon at koordinasyon ang bawat players. Tulad sa iba't ibang larangan, binubuo ang Tchoukball ng isang koponan. Makulay ang karakter o personalidad at buhay ng bawat manlalaro pati na rin ang mga bumubuo sa isang koponan. Pastor ang nagsisilbing coach sa larong ito sa Davao.

Ang mga manlalaro naman ay kinabibilangan ng mga bakla, juvenile delinquent, dating drug users o addicts, negosyante, out-of-school youth at working professionals. Tulad sa sangkap ng chopsuey, sa larong ito ay nagsisimbolo na kahit may pagkakaiba sa paniniwala ay nagkakaisa. 

Natutuwa ako sa kuwento ng isang bakla na nagbagong buhay matapos makilala si Hesukristo at nang makapaglaro ng Tchoukball. Kung dati siya ay palaboy o madalas ay rumampa, siya ay nagbago at naging cell o life group leader. May eksena kung saan ay pinapakabisado niya sa kanyang mga barkadang bakla ang mga bible verses. Ang isa sa barkada niya ay nakasuhan dahil sa pangmomolestiya sa menor de edad. May eksena naman na kung dati ay sumasali siya sa beaucon o Ms. Gay. Ngayon ay sinasamahan na lamang niya ang kanyang mga kaibigan at barkada. Ito ang nagbigay ng comic relief sa dokumentaryo. Sa isang seryosong usapan matapos ang paglalaro ng Tchoukball ay hindi ko malilimutan ang salitang binitawan niya, "hindi ka talo pag lumaban ka."

Nariyan din ang kuwento ng dating drug addict na nabago ang buhay dahil sa Tchoukball. Kung dati rati ay wala siyang respeto sa magulang at mas gusto niyang kasama ang kanyang barkada. Ng Ngayon nama'y nagsisisi siya at mas gusto na lamang niyang maglaro ng Tchoukball dahil dito ay natutunan niyang magbigay respeto sa kanyang magulang. Nagwagi naman noong 2011 ang koponan ng Davao ng lumaban sila sa International Tchoukball sa Vietnam kahit pa wala silang maraming sponsors. 

Sa second half ng dokumentaryo, nasaksihan natin ang paghihirap ng koponan ng Davao na maging representative ng bansang Pilipinas sa International Tchoukball na gaganapin sa Taiwan. Nasungkit kasi ito ng Bacolod. Patuloy pa ring umaasa ang koponan ng Davao na maging representative sila ng Pilipinas sa international scene ng panahong ginawa nila ang dokumentaryo. 

No comments:

Post a Comment