Tuesday, September 17, 2019

LSS (LAST SONG SYNDROME)





LSS o tawagin nating "Zack and Sarah's Infinite Playlist".

Kasama ko ang bestfriend ko manood nitong pelikula. Hindi niya nagustuhan. Ako, okay naman. Lista ko na lang ang parts na parehas namin hindi nagustuhan sa movie, interesting parts at napansin. Una muna ang hindi namin nagustuhan at napansin:

1. Gabbi Garcia's miscast at acting. Siguro if si Glaiza De Castro, Anna Luna o Gabby Padilla ang gumanap, ibang level siguro ito. (Parehas kami ni bff sa opinyon. Sabi ni bff, kung si Glaiza iba dapat ang leading man.)

2. Parehas namin na ayaw ni bff. Eksena sa bus na nagkasundo agad dahil sa music. Paano po kung pangit, let's say si Sarah o Zack? Saka in reality, hindi ganito. So, pokmaru pala dahil ba ito sa matinding traffic sa EDSA at C-5? Charot! (Pelikula ito at fictional kaya pinagbigyan ko pero iyong bestfriend ko di talaga natutuwa).

3. Confrontation scene nila Tuesday Vargas, Khalil Ramos at Bernard Palanca. ('Yong bestfriend ko nagreact, anong nangyayari? Out of place ata. Ako naman, may na-out of place).

4. Last scene sa Wanderlast, uy "Begin Again" meets "The Love of Siam" ang peg. Teka, nag-I Love You si Khalil tapos narinig ni Gabbi at nag-I Love You too. Maingay at maraming tao sa music festival. May telepathy po si Virginia P. este Sarah P.? Akala ko The Rape of Virginia P. Sandali, Miss Granny? (Parehas namin napansin ni bff)

5. Anachromism (Napansin ko): Habang naghahanap sa online streaming channel ang mag-inang Tuesday at Khalil, (Take note 2017 ang milieu), nahanap nila ang "Kung Paano Siya Nawala". 2018 pinalabas ang pelikulang nabanggit. (Sinadya ata ng filmmaker. )

Interesting parts sa movie:
1. Pinakahighlight, we believe ni bff, ang subplot ng karakter ni Iana Bernardez. Gusto namin ang Kathang-Isip scene kahit may halikan ang dalawang babae. (Kaso 'yong halikan nila Gabbi at Khalil parang awkward ang dating. Not being conservative, okay na iyong yakapan muna. Siguro, para magical? Sinadya ata ng filmmaker.) Siguro kung ang kwento as a whole ng pelikula ay tungkol kay Iana. Panalo!

2. Ben and Ben Music at acting nila na cute kasi natural. (Parehas kami ni bff)

3. Modern take ng mother-son relationship nila Tuesday at Khalil. Super kakamiss si Tuesday Vargas! (Parehas kami ni bff)

4. IMO, nagagalingan ako kay Elijah Canlas as kapatid ni Gabbi Garcia.

5. IMO, okay naman na hindi lang tumutok kanila Gabby at Khalil lang ang istorya. 

6. IMO, chill lang ang pelikula. Fume-feel good. 

Final Judgment ni BFF: para akong nanood ng music video na pinahaba at ginawang pelikula.

Final Judgment ko:
Okay naman ang pelikula. Mas gusto ko naman ang LSS kesa Zombadings. Pero kung papipiliin ako sa pagitan ng Bakwit Boys at LSS, mas pipiliin ko ang Bakwit Boys. 




No comments:

Post a Comment