Ito na naman ang
experience ko na mag-isa lang ako nanood sa Cinema '76 parang last year noong
pinanood ko ang We Will Not Die Tonight.
Kwento ito ni Donya
Atang (Anita Linda), isang movie producer noong panahon ng studio system sa
Pinas. Umabot siya ng 100 taon kasabay ng selebrasyon ng di mawari kung kelan
ba talaga ang centenario ng pelikulang Pilipino. Dahil na rin sa kanyang
katandaan ay humihina na ang kanyang memorya. Wala ni isa sa kanyang mga anak
(Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao at Laurice Guillen) ang nagkainteres
ipagpatuloy ang paggawa ng pelikula pero ang kanyang apo na si Michael (Enchong
Dee) ay nais maging direktor ng pelikula. Isa sa surpresa ni Michael sa lola
ang dumalo sa kanyang 100 kaarawan ang mga dating nakatrabaho nito.
Maisakatuparan kaya ito ni Michael?
Sa pelikulang CIRCA,
na-impress ako kay Enchong Dee. Noong Enero, siya ang bida ng pelikulang ELISE
at nagalingan ako sa kanya. Samantalang sa Circa naman, siya ay supporting
actor. Makikita ang maturity niya as an actor dito. Mula sa comedy ng Elise
ngayon naman ay sa serious na Circa. (Aminado, di ako fan ni Enchong sa mga
earlier movies. Hanga lang talaga ako sa Elise at Circa niya. Aside from gwapo
siya, moreno at hunkie, may mga mannerisms siya pag umaacting na ayaw ko pero
to be fair with unti unti na itong nawawala. Saka magaling na pumili siya ng
role tulad dito sa Circa at Elise.) Kumbaga, nagustuhan ko siya dito.
Isa pang hinangaan ko
sa pelikula ay si Jaclyn Jose bilang Meding. Siya ang nag-aalaga kay Donya
Atang. May mga funny moments si Jaclyn Jose kahit pa seryoso ang pelikula.
Kahit pa caregiver siya, siya ang nagsisilbing saksi sa mga pagbabago sa
mansyon ni Donya Atang. Sa huli, maaaring maikumpara sa karakter ni Jean Louis
Trintignant sa pelikulang "Amour" ang role ni Jaclyn Jose dito.
Kahit maikli lamang
ang kanyang screen time, nakakatuwa si Erlinda Villalobos. Pinaghalo kasing
Moody Diaz at Lilia Cuntapay ang kanyang karakter dito.
Siyempre, magkahalong
emosyon na makita si Eddie Garcia na gumanap bilang artista din ni Donya
Atang.
Magaling din naman
sina Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Joel Saracho at Menggie Cobarrubias.
Nakakatuwa din na makita sina Anita Linda at Rustica Carpio parang reunion ba
ito ng pelikulang "Lola" (2009) ni Brillante Mendoza. At ang makita na
umaarte pa si Anita Linda sa edad niya talagang hanga din ako.
Nasaktuhan din talaga
ng pelikulang CIRCA ang selebrasyon daw ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino.
Ang tanong kelan ba talaga? Kasi 2017 pa lang sabi 100 years na. This year ang
official?
Anyway, na-appreciate
ko effort ni direk Adolf Alix sa kanyang pa-tribute sa 100 Years of Philippine
Cinema. Given na isa siyang masugid na direktor ng ating bansa lalo't active
siya sa pagdirek sa TV at gumawa ng isang kontrobersyal na pelikula nitong
taon. "Bilangin ang Bituin sa Langit" pa lang ata ang napanood kong
pelikula patungkol sa tribute sa Philippine Cinema. Sa kabilang banda, may mga
elemento ang pelikula na may pinagkuhanang inspirasyon. Tulad na lamang ng
kapreng pinaniniwalaang tumutulong sa negosyo ni Donya Atang. Ang mga matatanda
kasi noon naniniwala sa ganyan pero in filmmaking kita yan kay Thai direktor
Apitchapong. Maganda din na tinalakay ang pagpreserve at archive ng mga lumang
pelikula. May bahagi sa pelikula na pinag-usapan ang "vinegar
syndrome" ng mga rolyo ng pelikula at kung interesado ba sila na
i-digitize ang pelikula.
Hindi for everybody
ang pelikulang ito dahil sa style at treatment pero kung mahal mo ang
pelikulang Pilipino tiyak magugustuhan mo ito. Saka tatak Adolf Alix talaga ang
direksyon. May mga bahagi ng pelikula na parang TV movie ang peg. Mapapansing
hindi masyadong gumamit ng musika at natural sound ang ginamit pag may
pag-uusap sa pelikula.
Para sa akin,
nagandahan ako sa pelikula.
No comments:
Post a Comment