Sunday, August 18, 2019

PARASITE (2019)





"Get out of my house! I don't need a parasite!" - Melissa (Maricel Soriano) in Separada. Charot! 


Shocking itong PARASITE. Ang pansin ko sa dalawang magkasunod na Palme D'Or Cannes Film Festival. SHOPLIFTERS ang nanalo last year tapos this year ay “Parasite”. Parehas na ang Parasite at Shoplifters ay tumatalakay sa isyu kung paano makaka-survive ang pamilya sa pang-araw araw na buhay. At parehas din na tinalakay sa pelikula ang mga sosyopulitikal at sosyoekonomikong isyu. Isa pang mapapansin sa dalawang pelikula ay na-push to the limits at hindi kumbensyunal na paraan ang ginawa ng dalawang pamilya. Hindi poverty porn type ang pelikula. AT NAKAKAGULAT ANG TWIST ng parehong pelikula. PERO to the nth intense level itong PARASITE. Gripping at parang spellbinding novel ang pelikula. Napakagaling ng screenplay, well-acted at superb ang direction. Napakaganda ng pelikula. 

Isang mahusay na halimbawa ng pelikulang gumamit ng "plant and pay-off device" ang PARASITE tulad na lang sa eksena kung saan ang binigay ng kaibigan ni Kevin na rock display ay sa kalaunan ay gagamitin ni Kevin upang makapaghiganti sa mag-asawang sisirain ang plano ng isang pamilya nais lamang makaahon sa kahirapan. Subalit, ito rin ang ikakapahamak niya. 

Ang basement na sa una'y pinagtataguan ng dating caretaker at katulong sa bahay pati ng kanyang asawa. Sa kalaunan din ay pagtataguan ng ama ni Kevin.

Maganda rin na pinakita sa pelikula ang tunay na kalagayan ng ibang Koreano. Madalas mapanood natin sa K-Drama na marangya ang kanilang buhay at maayos ang sistema ng kanilang pamumuhay sa bansa. Meron din palang naghihikaos.

Paborito kong eksena ay ang pagtakas ng mag-aama sa bahay ng mga Park kung saan naabutan sila ng malakas na ulan o bagyo at bumaha sa lugar nila. Dito nakita ang realidad ng buhay ng ibang Koreano at patunay na dapat humarap sa consequences ang pamilyang nagkunwari upang matikman panandalian ang karangyaan.

Sa eksena ding iyan, para siyang eksena sa pelikulang "Buy Bust" kung saan umuulan at tatakas na sina Nina Manicad at iba niyang kasama.

No comments:

Post a Comment