METAMORPHOSIS
Si Adam (Gold Aceron) ay isang
kabataang nagbago ang buhay ng malaman niya na taglay niya ang dalawang
kasarian.
Matapang ang pelikula na tinalakay ang intersex o mas kilala noon sa tawag na hermaphroditism. Tapos ang tatay ng bidang may intersex ay pastor pa. Doon pa lang ay mapang-ahas ang pelikula. Meron ka din matututunan tungkol sa intersex sa pelikula na tatlong uri pala. Mahusay ang cinematography ni Tey Clamor. Magaling din ang paggamit ng kulay sa pelikula.
Malaki ang naitulong ng supporting
actors sa bidang si Gold Aceron. Napakahusay ni Iana Bernardez bilang isang
prostitute na unang tumanggap kay Adam sa kaniyang pagka-intersex. Mahusay din
si Ricky Davao bilang pastor na sa una ay narrow-minded tapos sa huli ay may
napagtanto. Magaling din si Yayo Aguila bilang nanay ni Adam. Tulad ng QCinema
film na “Billie and Emma”, set noong 90’s ang pelikulang ito.
Hindi maiwasang maikumpara ang
pelikula sa “John Denver Trending” dahil na rin sa pagkakahalintulad ng ilang
eksena sa pelikula. Tulad na lamang unang eksena ng pelikula kung saan ay
makikitang troublemaker si Adam dahil na rin sa trato sa kanya ng mga kaklase
niya. Sa eksenang din kung saan naglalakad si Adam sa kalsada, matapos awayin
ng mga kaklase. Maaaring incidental lamang ang pagkakahalintulad.
Sa eksenang parang nasa cocoon siya o
nag-transform siya ay treatment na maihahalintulad noong mid-2000’s na indie
filmmaking o digital filmmaking noon. Parang Joselito Altarejos peg noon.
Subalit, hindi ko masyadong
magustuhan ang pelikula. Siguro ay dahil nag-expect ako ng bongga?
LUCID
Last August, nakapanood ako ng pelikulang tinalakay ang depression. 'Yun ay ang "My Letters to Happy". This time sa Cinema One Originals, para sa akin ay isa na namang pelikulang tinalakay ang depression ang napanood ko. Ito ay ang pelikulang "Lucid".
Si Annika o Ann (Alessandra De
Rossi) ay staff ng isang opisina na inaalagaan ang kanyang tiyahing may karamdaman.
Makikitang hirap at pagod sa pag-commute mula Mandaluyong hanggang Caloocan si
Annika. Nakakaranas din ng matinding kalungkutan ang dalaga. Ang nagiging distraction
lamang niya ay ang nobyo ng kanyang ka-trabaho. Kaya naman upang takasan ang
kanyang pinagdadaanan sa buhay ay gumawa siya ng paraan at ito ay ang Lucid
dreaming. Sa Lucid Dreaming, nakokontrol niya ang mga pangyayari. Ngunit, makikilala
niya si Xavi (JM De Guzman) sa kanyang pag-Lucid dreaming na hindi niya makontrol.
Nakahanap na ba ng katapat si Annika? Si Xavi na ba ang sagot sa kanyang
matinding kalungkutan?
Natuwa ako sa locations. Sa ACTEC sa
B. Serrano at Pages and Lattes sa EDSA pa-Monumento nag-shoot ang pelikula.
Naalala ko 'nung high school dyan kami nag-career orientation sa ACTEC. Sa Pages
and Lattes naman, dyan kami nag-meet ng high school classmates, nag-celebrate
ng birthday ng kapatid ko at jamming sa music session ng isang friend.
Going back, para din sa akin, ito
ang career best performance ni Alessandra De Rossi as an individual dealing
with depression kaya deserving na nanalo siyang Best Actress sa awards night ng
Cinema One Originals.
Maaaring open for interpretation kung
highly melancholic o talagang may clinical depression si Annika o Ann. Pero sa
mga sintomas na pinapakita ng bida ay dumadanas siya ng depression.
Sa mga eksenang nanaginip siya, pinaalala
nito ang eksena sa “What Dreams May Come”. Magkaiba sila ng kwento pero 'yung treatment
sa dream sequences ang tinutukoy ko. Saka, sa part ng character ni JM De Guzman
somewhat may pagka-"Just Like Heaven" ang peg ng konti. Nga lang,
slow paced ang pelikula kaya need ng patience sa panonood. Kahit ganoon,
nagustuhan ko ang “Lucid”.
No comments:
Post a Comment