Isa sa RainbowQC na naabutan ko sa
QCinema ngayong taon.
Si Jose (Enrique Salanic) katuwang
ang kanyang ina ay ginagawa ang lahat upang mairaos ang pang-araw araw nilang
buhay. Nagtitinda ng sandwiches ang ina ni Jose sa bangketa samantalang si Jose
naman ay nag-aalok ng murang pagkain sa mga motoristang napapadaan sa
intersection. Ngunit, may lihim na buhay si Jose. Madalas siyang makipag-hook
up sa mga lalaking nakikilala niya online. Ang alam ng kanyang ina ay
nag-overtime siya kaya late siya umuwi ng bahay. Magbabago ang buhay ni Jose ng
makilala niya sa online dating apps si Luis (Manolo Herrera). Si Luis na ba ang
para kay Jose? Malalaman kaya ang katotohanan sa pagkatao ni Jose?
Mahusay ang pelikulang
"Jose" sa pagtalakay ng isyu ng isang mahirap na 19 anyos na
namumuhay sa mahirap at konserbatibong kultura ng Guatemala. Idagdag pa ang
sosyopulitikal at sosyoekonomikong problema ng bansa.
Mapangahas ang pelikula hindi lang
dahil sa frontal nudity ng dalawang actors kundi pati sa pagtalakay ng
kontrobersyal na isyu tulad ng homosexuality sa mga Kristiyano.
Si Luis ay isang born-again
Christian living a double life. Makikita sa pelikula na dumadalo siya ng praise
and worship service. Sa susunod na eksena ay nagtatalik na sina Jose at Luis.
May eksena sa pelikula na nakiusap
ang nanay ni Jose sa nanay ni Luis upang layuan ang anak. Hindi ipinakita sa
mga naunang eksena na churchmates ang nanay nila Jose at Luis maski sina Luis
at Jose pero sa simpleng eksena na ito makikita ang pagiging konserbatibo sa
bansa. May linya ang nanay ni Jose sa nanay ni Luis na dapat layuan ni Luis si
Jose dahil na din sa turo ng kanilang pastor.
Magaling si Enrique Salanic bilang
Jose dahil nabigyan niya ng buhay at halos yakapin niya ang kanyang karakter.
Ganoon din naman si Manolo Herrera bilang Luis.
No comments:
Post a Comment