Monday, January 27, 2020

VICE GANDA: ANG ARTISTANG BUMAGO SA DEKADA 2010


                                              Kuha mula sa IG @praybeytbenjamin

Naimbitahan ako sa PinoyRebyu upang kilalanin ang Filipino Film Person of the Decade 2010.

Isang tao ang nasa isip ko at iyon ay si Vice Ganda.

Kung nais basahin ang bahagi ng aking komentaryo sa PinoyRebyu. Narito ang link:

https://pinoyrebyu.wordpress.com/2020/01/26/filipino-film-person-of-the-decade/

Hindi maikakaila na si Jose Mari Viceral o mas tanyag sa pangalang Vice Ganda ang namayagpag sa pelikulang Pilipino sa nagdaang dekada 2010. Sino ang mag-aakalang isang bakla ang magiging box-office darling sa nagdaang dekada? Siya lang naman ang bida sa mga pelikula niya kung saan nabigyang pagkakataon ang bakla para magkaroon ng puwang hindi lang sa napapanood natin pati na din sa lipunang ating ginagalawan. Dati rati ang mga bakla ay confidante o supporting o di kaya ay negatibo ang pagganap sa pelikula.

Nakita muna si Vice bilang extra o supporting sa mga pelikulang Apat Dapat, Dapat Apat (2007), Condo (2008), In My Life (2009) at Hating Kapatid (2010). Sa larangan ng telebisyon, magsimula din si Vice bilang extra o supporting sa TV shows na "Maging Sino Ka Man" (2007) at "Dyosa" (2008). Nagbigay daan upang mas makilala si Vice sa noontime show na "It's Showtime" (2009-present). Mula sa pagiging hurado o judge na naging regular na hurado hanggang sa maging host na mismo ng programa. 

Unang nagbida si Vice Ganda sa remake ng "Petrang Kabayo" (2010). Pinagbidahan ni Roderick Paulate ang orihinal na Petrang Kabayo. Sa nabanggit na launching movie ni Vice ay nagsimula ang collaboration nilang dalawa ni late direk Wenn Deramas. Sinundan ito ng "The Unkabogable Praybeyt Benjamin" (2011) na maaaring kumuha ng inspirasyon sa pelikulang "Private Benjamin" (1980) ni Goldie Hawn. Tumabo ito sa takilya. 

2012, dalawang pelikula ang kasama si Vice Ganda. Una, ang "This Guy's is in love with you, Mare" kung saan nakasama niya sila Toni Gonzaga at Luis Manzano. Kasunod naman nito, ang una niyang MMFF entry na "Sisterakas" kasama sina Kris Aquino, Ai-Ai Delas Alas, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hanggang sa bawat taon ay pasok sa MMFF ang mga pelikula na bida siya. Sa "Girl, Boy, Bakla, Tomboy" (2013), gumanap siya na quadruplets. Nakasama niya si Maricel Soriano bilang kanyang ina. Naging kontrobersyal din ang pagkapanalo ni Vice bilang Best Actor of the Year sa PMPC Star Awards for Movies. 

2014 naman ng gawin niya ang sequel na "The Amazing Praybeyt Benjamin". Muli, napasama ang pelikulang ito sa MMFF. "Beauty and the Beastie" naman ang MMFF entry ni Vice Ganda noong 2015. Nakasama niya dito sina Coco Martin, James Reid at Nadine Lustre. Ito ang huling pelikulang ginawa ni Vice Ganda na dinirek ni Wenn Deramas dahil ilang buwan lamang ay yumao ang huli.

Nagkaroon ng pagbabago sa MMFF noong 2016. Kaya naman hindi napasali ang pelikula niyang "Super Parental Guardians" kung saan muli niyang nakasama si Coco Martin. Si Joyce Bernal naman ang nagdirek ng pelikulang ito. Subalit, hindi napigil ang pagdagsa ng tao sa sinehan ng ipalabas ito bago ang MMFF.

Muling bumalik si Vice sa MMFF noong 2017 sa pelikulang "Gandarrapido: The Revenger Squad" kung saan nakasama niyang muli si Daniel Padilla at dinirek ni Bb. Joyce Bernal.

"Fantastica" naman ang pelikulang nilahok ni Vice para sa MMFF na dinirek ni Barry Gonzales noong 2018. Kasama niya sa pelikula sina Jaclyn Jose, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez. At sa 2019, muli dinirek ni Barry Gonzales si Vice Ganda kasama si Anne Curtis sa "The Mall, The Merrier".

Lahat ng pelikula ni Vice Ganda ay tinangkilik ng masa. Patunay na isa siyang bankable actor. Sa kabila nito, critical failure o flop ang kanyang mga pelikula. Umaani ng batikos mula sa kritiko ang tema at offensive jokes sa kanyang mga pelikula. Napapansing parang extension ng kanyang noontime show o kanyang karanasan sa comedy bar ang kanyang pagpapatawa. Sa comedy, maituturing na pinaghalong sarcastic at slapstick comedy ang kanyang linya. Maimpluwensiya din si Vice dahil malakas ang impact niya sa ating lipunan pati sa mga kabataang manonood.

Tunay ngang binago ni Vice ang tingin natin hindi lamang ang telebisyon pati sa pelikulang Pilipino. Binago ni Vice Ganda ang ating viewing experience sa ayaw man natin o hindi.

Sunday, January 19, 2020

KALEL, 15




“Pati ba naman pagko-condom, pinakikialaman ninyo?”

“Jakol tayo.”

“Bakla lang nagkakaroon ng ganyan. Bakla ka ba?”

Isa sa pinakamahusay na pelikula ng taong 2019 ang "Kalel, 15".

Si Kalel (Elijah Canlas), 15, ay anak ng isang pari na sa murang edad ay nagkaroon ng HIV. 

Ang binata ay repleksyon ng isang fatherless generation.

Neglected at abandoned siya ng kanyang magulang lalo ng kanyang ama kaya naman kitang kita sa kanyang desisyon, kilos, salita at kaisipan ng binata. Hindi emotional available ang parehas na ama at ina ni Kalel (Eddie Garcia at Jaclyn Jose) para sa kanya. Kaya kitang kita din na kulang sa gabay, marupok at mapusok si Kalel. Ito ang mga dahilan ng kanyang insecurities.

Gumawa pa ng alter account ang binata at nasa masalimuot ding relasyon sa kanyang nobyang si Sue (Gabby Padilla) para mapunan ang kakulangan na ipadama ang pagmamahal sa tahanan. Masaklap pa nito ay nag-desisyon ang kanyang inang si Judith (Jaclyn Jose) na iwan ang magkapatid na Kalel at Ruth (Elora Españo) dahil sa isang lalaki. Idagdag pa ang kanyang ateng si Ruth na kahit pa hindi showy sa pagmamahal niya kay Kalel ay nalulong naman sa droga dahil na rin sa impluwensiya ng nobyo nito.

Hindi din malinaw kung paano nakuha ni Kalel ang HIV. Sa mga huling sandali ng pelikula ay dama mo ang galit ng binata sa mundo mula ng traydurin siya ng mga kaibigan niya, husgahan siya sa kanyang Catholic school hanggang sa itakwil siya harap-harapan ng kanyang amang pari.

Mahusay ang lahat ng aktor mula sa bidang si Elijah Canlas at supporting actors Jaclyn Jose, Elora Españo, Gabby Padilla, Dylan Ray Talon, Cedrick Juan, Timothy Castillo at isa sa mga huling pagganap ni Eddie Garcia bago siya pumanaw.

Magaling ang paggamit ng black and white pati ang cinematography. Mahusay din ang screenplay pati ang direksyon ni Jun Lana.


MIRACLE IN CELL NO. 7 and WRITE ABOUT LOVE



Okay naman itong remake ng "Miracle in Cell No. 7" na Filipino version kaso nothing beats the original talaga. Hanga ako na gumagawa ng Filipino version o remake ang Viva Films tulad ng ginawa nila last year ang MISS GRANNY na parehas Korea ang unang gumawa.

Mahusay ang mga supporting actors lalo na sina JC Santos at John Arcilla. Si JC Santos ang nagdadala ng comedy part. Sa drama, si John Arcilla naman. Kumbaga malaki ang tulong ng supporting actors. Isama na natin sina Joel Torre, Soliman Cruz, Mon Confiado at Jojit Lorenzo. Magaling din si Xia Vigor. Bumagay din na si Bela Padilla ang gumanap na adult Yesha.

Agree ako sa points ng isang kakilala kong film critic:
1. Malinis ang selda at parang cozy ang dating. (Halatang prod design. Siguro dahil it's an attempt na maging faithful sa original movie at di pinayagan baguhin masyado.)
IMO, kung hanap mo ang pelikula na dama at ma-appreciate ang prod design na preso, ang naiisip ko ay "Bulaklak sa City Jail" (1984) at "Best. Partee. Ever." (2016).

2. Inconsistent ang portrayal ni Aga Muhlach pero sa huling part ng pelikula ay bumawi si Aga kasi nakakaiyak siya doon.

Ang iniisip ko what if ang gumanap na Joselito/Lito ay si John Arcilla o si Soliman Cruz?


Nakakatuwa lang na last full show ang naabutan ko pero puno ang sinehan. Malakas ang tawanan pag comedy. Pag drama, ramdam na nanahimik ang mga tao. Though, yung iba nakatulog kasi siguro dahil LFS na ito.


Sa mga bakla jokes, kahit off ay naalala ko sina Gary Lim at JC Santos sa indie film na kasama sila ang "Esprit De Corps" (2014).


"Kung hindi ka takot masaktan, bakit takot kang magmahal?"

"People who love are capable of hurting."

"Ang tunay na pagmamahal hindi mabubuo kung di mo naranasang masaktan."

Sana ito ang nag-Best Picture sa MMFF 2019. Nagandahan ako sa pelikula.

Kapag TBA Studios ang gumawa ng romance films, whether rom com or romance drama tulad ng "I'm Drunk I Love You" at "Kung Paano Siya Nawala", dama ang naiibang style at treatment sa filmmaking.

Film within a film ang "Write About Love".

Nakakatuwang manood ng pelikula tungkol sa proseso at pagbuo sa pagsusulat ng script. Mula sa pitching, paano ang development ng pagsusulat ng script... sa characters... ano ang strength at opportunities ng co-writing... at marami pang iba. Ipinakita na masalimuot din ang pagsusulat. Nakakatuwa ang sinabi ni Marco (Rocco Nacino) tungkol sa revisions.

Nakakamiss mapanood si Rocco Nacino. Nagagalingan kasi ako sa kanya sa "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa". Pero, bakit parang naririnig ko si Paulo Avelino sa boses ni Rocco Nacino sa pelikulang ito? May mga moments na nakakakilig sina Miles Ocampo at Rocco bilang Joyce at Marco. Ang napansin ko ay reunion movie ito nila Yeng Constantino at Felix Roco na nagkasama sa 2013 Cinema One Originals film na "Shift". Kung sa "Shift", ang character ni Yeng ay umasa kay Felix. Dito sa "Write About Love" baligtad naman, si Felix ang umasa kay Yeng.

Saturday, January 18, 2020

KUNG PAANO SIYA NAWALA (2018) and WAR ROOM (2015)




I was thinking quite some time what films could best describe the decade. 
2010's is a great decade for movies.

I posted before on my Twitter account that "Kung Paano Siya Nawala" is my best Filipino film of the decade. And an acquaintance asked me to respond for his article regarding the films that defined the 2010s. You may check it on 
click here


This film is truly memorable for me. I'm not a fan of romantic movies however this romance drama film stands out. JM De Guzman, in one of his finest performances, portrays Lio a man suffering from face blindness. This condition is a reason for him not to interact much with other people until he met Shana (Rhian Ramos), a carefree spirited girl. Lio begins to discover that love flourished as you find the right one for you. However, Shana has her problems on her own that she needs to face. Can they help each other? Is Shana the right one for Lio?

Kung Paano Siya Nawala is a romantic film that reflects a generation searching for identity and love. Face blindness is a condition which is not discussed before in any movies. It's also a condition where a person is unable to connect well with others. What I love about this film is that even Lio has face blindness, his loved ones didn't treat him differently. His loved-ones didn't force him to do something that might isolate him from his condition.

Forgiveness is also a strong message in the film.

I consider "Shana is everyone at the bar while UDD's Anino is playing as a background music" as one of the most memorable cinematic moments of the decade.




Faith-based films are usually criticized for being preachy and having multiple messages. It may sound funny but I find it enjoyable to watch.

"Don't fight here! This is the war room!", as one of Dr. Strangelove movie characters uttered.

"War Room" (2015) is one of the best produced faith-based films. The film revolves around a wife having resentment to her husband because of his shortcomings. She also has suspicions that her husband is entertaining other woman which will eventually prove her right. Until she met an elderly woman that taught her to fight not only for her marriage but also her identity with God.

War Room is also the best Kendrick Brothers movie. While the film focuses on marriage, it didn't veer away to its message that prayer is important in spiritual life. It's a weapon for spiritual battle and warfare. Moreover, love and forgiveness are given much attention in details in this movie.

The finale scene where the elderly woman is praying for the next generation is giving me goosebumps. She prays that the next generation will take a stand to lead. And it's good to see on screen the unyielding hope and care/concern of older generation to younger generation.

Among the four Kendrick Brothers movies made, this one so far is my favorite. Marriage as a main plot and theme of the story in Kendrick Brothers movies are often discussed. It has also an in-depth look where they pick-up from their previous movie "Fireproof". In "War Room", though it has different characters and situations, it is poignantly depicted. Miss Clara as a supporting character has a great impact to the lead character Elizabeth to put her trust on God regarding her marriage through prayer. In "Fireproof" (2008), Caleb's father let him have the 40-day love journey through a journal and prayer. It's noticeable that there were unnecessary characters in "Fireproof" as well as superfluous subplot. In "War Room", we can see the improvement of Kendrick Brothers in storytelling, narrative and direction as well as technical aspects, aesthetic, artistic and creative values.

In the scene where Tony confesses and asks for his wife's forgiveness, Elizabeth's (Priscilla Shirer) response through her nuance is subtle. She tells her husband, "I'm not done with us. I will fight for our marriage. I've learned that my contentment doesn't come from you. I'm His before I'm yours. And because I love Jesus, I'm staying right here."

There's also a hair-raising or goosebumps moments when Elizabeth realizes that she's more than a conqueror. It is when she rebukes and thwarts the enemy’s distractions by declaring God's power. This moment is powerful among memorable speeches in faith-based movies. "I don't know where you are, devil... You have played with my man. ...No more! You are done! Jesus is the Lord of this house and that means there's no place for you here anymore. So take your lies... accusations and get out in Jesus name! My joy is found in Jesus and just in case you forgot, He has already defeated you, so go back to hell where you belong and leave my family alone!"