Sa
pelikulang "Triangle of Sadness", palaging binibigyang diin ang isyu
ng equality
o
pagiging egalitarian #everyonesequal subalit kailanman ay hindi mangyayari ito.
Nariyan
ang hindi matapos-tapos na isyu tungkol sa equality ng gender roles.
Tulad
kapag nag-date ang magkasintahan dapat ba na lalaki ang magbayad?
O
kailangan salitan na magbayad ang lalaki at babae tuwing mag-date?
At paano
kung mas matagumpay ang babae sa lalaki?
Nariyan
rin ang usaping walang dapat na pinipiling antas ng buhay ng tao
sa
oras ng kasaganahan at sa oras ng kagipitan.
Subalit,
hindi pa rin maalis na mas binibigyang pabor ang mga mayayaman.
Malaki
ang agwat sa inookupang espasyo sa kwarto
ng
mga mayayaman at naglilingkod.
Nasa
itaas na bahagi ng yate ang mga guests na mayayaman.
Samantalang
nasa baba o tago ang kwarto ng mga crew.
Kahit
pa daanin sa usapan at teorya ang debate ng isang Russian capitalist
at
American socialist ay hindi nito mababago
ang
lagay ng mga nasa laylayan ng lipunan.
Pamantayan
o basehan pa rin kung nakakaangat ang buhay sa lipunan.
Mapapansin
na sa isang eksena ay merong nang-iistorbo na langaw habang nag-sunbathing
ang
magkasintahang modelo na sina Yaya at Carl (Charlbi Dean at Harris Dickinson).
Ang
langaw ang nagsisilbing social commentary na bulok ang sistema ng lipunan
lalo
sa social classes at pribiliheyo.
Gayunpaman,
sa oras ng trahedya mas mabuti bang unahin ang sarili
o
tumulong sa kapwa kahit pa mababa ang tingin nila sa 'yo?
Dito
ngayon pumasok ang balanse at napakahusay na pagganap
ni
Dolly De Leon bilang Abigail.
Sa
unang bahagi ng pelikula, dinaanan lamang siya ng lente
at
nag-alok ng “housekeeping” sa kanilang guests.
Hindi
mo siya mapapansin.
Habang
ang mga mayayaman ay kung anu-ano ang pinapagawa sa mga naglilingkod sa yate.
Tuloy-tuloy
ang serbisyo ng mga crew sa yate. At tulad ng ibang crew ng yate,
nais din
ni Abigail na maayos ang kanyang trabaho at ma-please ang kanilang guests.
Subalit,
magbabago ito dahil sa isang trahedya.
Sa
third act, malaki ang bahagi ng papel ni Abigail. Mula sa hindi napapansing
OFW,
kumbaga
invisible, ay naging pinuno siya para ang mga nakaligtas sa trahedya
at
maski siya ay maka-survive sa isla. Ipinakita sa pelikula na maabilidad,
ma-diskarte
at kayang-kayang mamuno ng isang Filipina.
Kapag
nabigyan ng pagkakataong mamuno ay hindi niya ito palalampasin
dahil
namulat siya na madalas minamaliit ang kanyang lahi.
Kung
sa mga ibang international films ay pinapakita
na
masunurin ang mga Filipina
dahil
sa siya ay OFW o mail-order bride.
Sa
pelikulang ito, binigyan ng kapangyarihan ni Ostlund ang isang Filipina
upang
siya naman ang sundin.
Sabi
nga ni Abigail, "In the yacht, I'm the toilet manager.
Here,
I'm the captain."
Meron
din siyang sexual needs kung saan ginamit niya ang kanyang kapangyarihan
para
makuha ang isang gwapo at matipunong lalaki.
Sa
ibang international films, madalas na ang mga foreigners
ang
halos mag may-ari sa mga Filipina.
Ang
mga magiting nating kababayan ang nagbibigay serbisyo
at
simbolo ng mga OFW sa pagiging matiyaga, masipag, masikap
at dedicated
sa kanilang trabaho.
Sa
ibang pelikula naman ay masaklap ang sitwasyon nila dahil
maaring
biktima sila ng karahasan o nahulog sa patibong ng prostitusyon.
Sa
kabilang banda, umaasa ako na sa kauna-unahang pagkakataon
ay
magkaroon ng nominasyon si Dolly De Leon sa AMPAS o Oscars.
Saturday, November 19, 2022
TRIANGLE OF SADNESS (QCINEMA OPENING FILM)
Sunday, September 4, 2022
PAGBABALIK-TANAW SA MGA HINDI MALILIMUTANG KARANASAN SA QCINEMA
Hindi pa ako masyadong aware sa mga karamihan ng film festivals noon.
Ito ang taon na ipinalabas ang pelikulang “Balangiga: Howling Wilderness”
ni Khavn Dela Cruz, “The Chanters” ni James Mayo, “Neomanila” ni Mikhail Red
at nagkaroon ng screening ang digitally restored at remastered version
ng “High School Scandal” (1981) sa QCinema.
Para sa akin, taong 2018 ang hindi ko makakalimutang QCinema.
Ilang araw lamang matapos mailibing si nanay noon,
nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa QCinema para sa kanilang opening film
na “Shoplifters” ni Hirokazu Kore-eda.
Dahil na rin sa nagdadalamhati pa ako,
Pero, sobrang curious akong mapanood ang pelikula
At saka gusto ko rin ma-divert ang aking kalungkutan.
First time ko ring dadalo sa isang opening film ng isang film festival
Ipinalabas sa Dolby Atmos ng Gateway cinema ang “Shoplifters”.
Nagkita-kita kami ng mga kasama ko sa Third World Cinema Club podcast sa event.
Nangumusta sila sa akin sa kalagayan ko at pamilya ko matapos ang pagkamatay ni nanay.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ko noon.
Siyempre, malungkot pero at the same time ay na-excite akong mapanood ang “Shoplifters”.
Sino ba naman ang makakalimot sa jingle ng QCinema na lumalabas bago ang trailers ng kanilang film selections at bago magsimula ang mismong pelikula?
Sa opening billboard pa lang nung “Shoplifters”, excited na ang lahat.
Tapos biglang may logo na ang nakalagay ay “Gaga”.
May narinig akong nagsabing, “Mali ata itong napasukan nating pelikula.
A Star is Born ata ito ni Lady Gaga?” Tawanan kaming nakarinig.
2018 ang taon kung saan magkasunod ang Cinema One Originals at QCinema.
Opening film naman ng Cinema One Originals ang “A Star is Born” ni Lady Gaga at Bradley Cooper.
Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos ng pelikula.
Nagandahan at nagustuhan ko ang pelikulang “Shoplifters”.
Emosyonal din ako dahil, spoiler alert, may isang karakter na namatay sa pelikula
Ang screening ng pelikulang “Come on Irene” ang isa din sa hindi ko makakalimutan noong 2018. Polarizing ang pelikula. Habang pinapanood ang pelikula ay iba-iba ang reaksyon ng mga manonood. Merong natatawa, merong tahimik at merong naguguluhan sa pelikula.
Katabi ko si John Tawasil nung mapanood ko ang pelikula. Kasama ko siya sa Third World Cinema Club podcast. Mahilig siya sa Japanese film at meron siyang alam sa background ng pelikula na hango sa comics. May katabi ako sa kabilang side ko na
Matapos ang pelikula, nagkaroon ng Q&A at talk sina Nats Sitoy at ang filmmaker.
Dito naibahagi ni Nats Sitoy na iba-iba nga ang reaksyon
Samantala sa Japan naman ay mga naiyak dahil naka-relate sila
sa pinakitang kultura at representasyon sa pelikula.
Aminadong kamuntikan akong mag-walk out sa “Come on Irene”
Pinigilan ako ni John para tapusin ang pelikula.
Sa huli, hindi pa rin ako natuwa sa pelikula dahil wala itong redeeming value.
Iba pala ang experience na makapanood ng polarizing na pelikula mismo sa sine.
“The Wound” at “Sorry Angel” ang dalawang pelikula
Samantalang sa “Sorry Angel” naman ay nagbalik-tanaw ito ukol sa gay lifestyle
“Cold War” ni Pawel Pawlikowski at “Climax” ni Gaspar Noe ang back-to-back
“Climax” ang na-shock ako dahil first time ko makapanood ng Gaspar Noe film.
Isa sa dokyumentaryong napanood ko nung taong ‘yun
Nagustuhan ko ang dokyu dahil hindi lamang pinakita
kundi pati ang mga tradisyon at kulturang Pinoy na nakapaloob dito.
Umaasa ako na magpapatuloy na susuportahan din ng QCinema
ang ating mga documentary filmmakers.
Isa pang dahilan bakit remarkable ang taong 2018 hindi lamang sa QCinema
kundi sa pangkalahatan ng pelikulang Pilipino ay maituturing
na one of the best years ito ng Philippine cinema.
“Oda sa Wala” ang isa sa mga mahuhusay na pelikula ng taon
“Suburban Birds” naman noong 2019 ang isa sa hindi ko din makakalimutan
dahil isang hilera kami ng mga kapwa ko manonood ang nakatulog
habang pinapanood ang pelikula.
Nung magising kami, sabay-sabay kaming nagtawanan.
Hindi talaga naiiwasan ito sa film fest. Mahusay sa teknikal na aspeto ang pelikula.
Kaso sa bagal ng galaw ng pelikula
Meron pang humilik sa bandang likuran namin.
“A is for Agustin” ang isa sa dokyumentaryong napanood ko sa taong ito.
Nakakatuwa ang isang screening na naabutan ko sa dokyumentaryo dahil maraming nanood.
“And then we danced” na bahagi ng RainbowQC ang isa pa sa hindi malilimutang panonood dahil tinalakay sa pelikula ang koneksyon ng sayaw sa sekswalidad
Kontrobersyal ang pelikula sa kanilang bansa kaya naman nakakaintrigang panoorin.
2019 din ang taon kung kailan nagkaroon ng book launching
ang “Break it to me Gently” ni Richard Bolisay.
Taong 2020 naman, hindi naging balakid ang CoViD-19 pandemya upang idaos ang QCinema film fest.
May mga ilang pelikulang pinalabas sa isang venue
Kung saan pinatupad ang protocol at precautionary measures ng organizers
para sa dadalo ng event.
Hindi ako nakadalo pero buti na lamang at hybrid ang sistema ng panonood.
Merong ilang piling pelikula na ginawang available online.
Nakipag-partner noon sa Upstream ang QCinema.
Hindi ko napanood ang “Cleaners” noong 2019 sa QCinema.
Nagustuhan namin ang treatment ng pelikula.
Ito rin ang taon kung kailan pinalabas online
Pinanood kong muli ang “End of the Century” na napanood ko ilang buwan ang nakakalipas.
Taong 2021 ay mga short films in competition ang aking napanood online.
At ngayong 2022 naman, excited ako sa mga pelikulang kabilang sa line-up ng QCinema.
QCinema ang pinakaaabangang film festival sa bansa dahil sa kanilang international film selections.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natitinag ang QCinema sa mga sorpresa
at pagpapalabas ng mga award-winning na mga pelikula mula dito sa ating bansa at sa ibang bansa.
Maraming salamat, QCinema.
Sunday, August 28, 2022
MEMORIES OF A LOVE STORY
Nakagawa na noon si direk Jay Altarejos ng pelikula tungkol sa pagmamahalan ng mayaman
at mahirap via "Ang Lalaki sa Parola" kaya hindi na bago ang ganitong tema sa kanyang likha.
Pero ang kaibahan nitong “Memories of a Love Story” sa “Ang Lalaki sa Parola”
ay mas obvious at direct-to-the point ang political reference at social classes divide.
May eksena sa pelikula na sinunog ni Eric ang isang karatulang nakalagay na “eviction notice” pati ang kanyang mga komentaryo sa trato ng mayaman at mahirap.
Isama pa ang kanyang hinaing sa kanyang mga naranasan noon.
Dahil ito ay produksyon ng 2076 Kolektib kasama ang VivaMax/Viva Films,
nakisabay si direk Jay sa tone, mood at kulay ng mga pelikulang napapanood sa VivaMax.
Ang laki ng pagkakaiba mula "Ang Lalaki sa Parola"
Kitang-kita sa "Memories of a Love Story" ang galing sa teknikal na aspeto.
Nakatulong ang drone shots to capture breathtaking locations partikular sa Bicol.
Ang lokasyon mismo ay naging karakter mismo sa pelikula.
Ang ganda ng lapat ng musika kahit ang mga kanta sa pelikula.
Malaking bagay din ang ginamit na bahay
Ang concern ko lang dito ay ang paggamit ng view master
15 years ago, 'yung flashback kung i-compute eh nasa 2007 'yung past.
'Yung treatment ng flashback dito
Stand out dito si Migs Almendras bilang Jericho. Ramdam mo sa kanyang pag-arte ang longingness niya kay Eric kahit pa alam nating mayaman ang kanyang karakter. Ang kanyang estado at ang pagiging komportable niya sa buhay ang nagiging hadlang sa pag-iibigan nila ni Eric. Mahusay din si Dexter Doria bilang matapobreng lola na may itinatagong lihim at isa sa dahilan ng galit sa puso ni Eric. Scene stealer naman si Rob Guinto dito.
Sang-ayon ako kay sir Noel Vera na itong pelikula is one of the better Filipino films this year.
Over-all, nagustuhan ko ang pelikula dahil mahusay ang pagkalikha nito.
Sunday, August 21, 2022
ALT-R HEROES
Angkop talaga ang tema mo na Alt-r heroes
sa pagdiriwang mo ng 15 taon sa paggawa ng indie films.
Sabi nga ay tinahak mo ang “road less travelled”.
Bilang iyong taga-hanga at taga-subaybay,
sinong mag-aakala na makakausap kita
at makakapanayam namin noong 2019.
Nagsimula ang aking paghanga sa iyong mga pelikula
noong 2009 na college student ako.
Nang-aarkila lang noon sa Video City
ng mga pelikula mong "Ang Lalaki sa Parola",
"Ang Lihim ni Antonio" at "Kambyo".
Hiyang-hiya ang kapatid ko 'pag sinasabay niya
sa pag-arkila ang mga pelikula kasi "baklaaan" daw
at iba ang tingin sa kanya ng crew ng Video City. Hahaha.
Ito ang mga panahon ng paglitaw ng mga pink films
at kasabayan mong gumawa ng mga ganitong pelikula
sina Monti Parungao (na naging artista mo rin sa Ang Lalaki sa Parola)
at Crisaldo Pablo.
Tinalakay ng iyong mga pelikula
ang seryosong pinagdadaanan ng mga bakla sa lipunan.
Kaya naman inihalintulad kita kay Gregg Araki.
Noong magkatrabaho na, pinanood ko na sa sine
ang mga pelikulang "Tale of the Lost Boys" (2018),
"Jino To Mari" (2019) at sa online streaming naman
ang "Memories of Forgetting" (2021).
Salamat sa mga libreng pa-sine mo noong lockdown 2020
at hindi ka nagdamot ipalabas ito kaya napanood ko
ang mga pelikula mong hindi ko pa napanood
tulad ng "Kasal" (2014), "Ang Laro sa Buhay ni Juan" (2009),
"Unfriend" (2014), "Laruang Lalaki/Censored Dreams" (2010)
pati ang "Walang Kasarian ang Digmang Bayan" (2021).
Patuloy kang lumikha ng mga matapang, makabuluhan
at nanindigang pelikula para sa katotohanan.
Aabangan ko pa ang mga pelikula mo
tulad ng "Memories of a Love Story",
"Finding Daddy Blake" at "The Longest Night".
Alagaan mo po ang iyong sarili at alagaan mo din po
ang iyong mental health, direk Jay.
Lubos na gumagalang,
Jim
Saturday, July 2, 2022
NGAYON KAYA
Sa pelikulang "Ngayon Kaya", magka-klase sa kolehiyo sina Harold (Paulo Avelino) at AM (Janine Gutierrez). Hindi nagtagal ay naging matalik silang magkaibigan. Magkaiba man ng mga pangarap ngunit magkasundo sila dahil sa musika. Sa kanilang magkaibang estado sa buhay, tutuparin pa rin ba nila ang kanilang mga pangarap at mananatili pa bang magkaibigan? Aaminin ba nila ang kanilang nararamdaman sa isa't-isa?
Mas naunang napanood bilang love
team sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa TV series na "Marry Me,
Marry You."
Kahit pa nauna nilang na-shoot ang pelikulang "Ngayon Kaya" bago mag-pandemya, ito naman ang kanilang unang pagkakataong magkasama sa pelikula.
Hindi naman tayo binigo ng dalawang
aktor dahil parehas silang mahusay sa kanilang pagganap at effective din ang
kanilang chemistry.
Malinaw na naipakita ang business ng mga pangunahing tauhan sa mga kolaborasyon nina Prime Cruz at Jen Chuaunsu sa pelikula. Patunay na diyan ang mga pelikulang tulad ng "Isa Pa With Feelings" (2019) at "Sleepless" (2015). Sa pelikulang "Sleepless" at "Isa Pa With Feelings" ay parehong may kabiguan ang mga pangunahing tauhan sa kanilang buhay at pag-ibig. Sa pelikulang "Ngayon Kaya" naman mula kolehiyo hanggang sa muling pagkikita nina AM at Harold makalipas ang sampung taon, ipinakita kung ano ang mga pagbabago mula sa pribilehiyong meron si AM at working student na si Harold. Hanggang sa freelancer work ni AM at tila matagumpay na karera ni Harold sa ibang bansa.
Samantala sa kanilang mga romantic relationships, si AM noong kolehiyo ay may nobyo. Si Harold naman ay single at na-e-enjoy ang binibigay na atensyon ni AM. Sa muli nilang pagkikita makalipas ang sampung taon, single si AM at engaged na si Harold.
Malaki ang naitulong ng musika at mga kanta sa pelikula. Angkop ito sa milieu. Mula sa paggamit ng kantang "Jopay" at "Bakit part 2" ng Mayonnaise, ibinalik tayo nito sa mid-2000's kung saan sumikat muli ang mga Pinoy band.
Mapapansing gumawa ng ilang rom com films si Janine Gutierrez nitong pandemya tulad ng "Dito at Doon" at "Ikaw" kahit ang "Elise" na ginawa niya bago mag-pandemya. Maaaring i-consider si Janine Gutierrez bilang "pandemic rom com queen". Dahil siya lamang ang nakagawa ng ganitong filmography sa kalagitnaan ng pandemya.
Samantala, ang karakter ni Paulo
Avelino sa pelikulang "Ngayon Kaya" ay naalala mo ang "I'm Drunk
I Love You" (2017) dahil parehas mahilig sa musika ang kanyang karakter sa
mga nabanggit na pelikula. Dito sa "Ngayon Kaya" naman ay siya naman
ang hindi makapagsabi ng kanyang nararamdaman sa taong mahal niya.
May isang eksena sa pelikula kung saan niyaya ni AM si Harold sumabay sa kanya dahil may kotse naman ang dalaga. Bigla nitong pinaalala ang eksena sa pelikulang "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" na pinagbidahan ni Paulo Avelino noon. Sa "Ang Sayaw", ang karakter ni Paulo ang nag-aya sa karakter ni Rocco Nacino na sumabay sa kanya dahil siya naman ay may kotse.
Going back sa pelikulang "Ngayon Kaya", may bahaging naintindihan ko ang karakter ni Harold kung bakit napalapit siya kay AM. Sino ba namang hindi mahuhulog ang loob na binibigyan mo ng atensyon ang isang tao tulad ng ginawa ni AM sa kanya?
Sa kabilang banda, gusto ko rin ang enthusiasm at optimism ni AM. Sana meron din akong ganoong energy.
Isa sa hindi ko makakalimutang eksena sa pelikulang Pilipino ngayong taon ang ending nito. Kumbaga, para nitong nilarawan ang kabuuan ng pelikula.
Sa totoo lang, nakaka-miss manood ng
ganitong pelikula sa sinehan.
At malaking bagay na sumugal sila
para ipalabas ito sa sinehan.
Sunday, June 5, 2022
GOT 2 BELIEVE
Star Cinema changed the landscape and set the tone of romcom noong 90's at 2000's sa Philippine cinema. Nagsimula ito sa "May Minamahal" (1993). Sa nabanggit na pelikula, angkop na ang lengwaheng gamit sa panahon. Hindi na matalinghaga at nakikisabay na sa kabataan noon ang mga salita. Light ang atake sa pelikula. At dahil nanggaling ang pamagat ng pelikula sa kanta ay maayos ang paggamit nito. Hindi pa din nawawala ang elementong rich boy meets poor girl with a boyish heart sa pelikula at ang pagpapakita ng magkaibang mundo ng dalawang bida.
Samantala, ang "Got 2 Believe" (2002) naman ang nagpatibay sa love team nina Claudine Barretto at Rico Yan. Sinakto sa kanilang mga pinagsamahang teleserye at on-screen and off-screen relationship nilang dalawa. May pagkakaiba na din sa lengwahe noong 2000's pati sa gamit tulad ng cellphone na makikita sa pelikula. Maituturing na lighter film ito ni Olivia Lamasan dahil kadalasan sa mga pelikula niya ay romantic drama at family drama. Iba din ang atake sa pelikula. Mas nananaig ang mga hindi sinasabi kesa sinasabi. Sa bawat sulyap ay Lawrence (Rico Yan) kay Toni (Claudine Barretto) ay may halong kilig. Si Lawrence ay archetype ng mala-prince charming sa chic flick. Gwapo siya, family-oriented, independent, fun to be with at dating playboy na nagbago dahil sa isang babae. Matapos niyang i-set up si Toni sa iba't ibang lalaki upang maka-date kapalit ng isang deal sa isang magazine, sa wakas ay kay Perry (Dominic Ochoa) na kaibigan ng binata matatagpuan ni Toni ang ideal man. Sa kinalaunan naman kahit na unti-unting nahuhulog si Lawrence kay Toni ay hindi siya nanggulo o nakialam kanila Toni at Perry.
Sa kabilang banda, si Toni naman ay isang achiever, maganda, family-oriented at matalinong babae. Nais niyang magkaroon ng nobyo dahil pakiramdam niya ay nalilipasan na siya ng panahon. Gayunpaman, siya ang namamahala ng isang wedding planning niyang negosyo. Siya din ang nagdidisenyo ng mga wedding gowns ng kliyente niya. Madalas kunan ng larawan ni Lawrence si Toni hanggang mapansin ng pinsan ng binata na magandang gawan ng feature na "always the bridesmaid, never the bride". Sa una, iritable ang dalaga kay Lawrence. Nagdalawang-isip pa kung tatanggapin ang kasunduan na gawan siya ng feature sa pamamagitan ng pagkuha ng kanyang mga litrato. Ngunit, tinanggap niya ito at sa huli'y mapagtatanto ni Toni kahit pa natagpuan niya kay Perry ang ideal man niya ay nahulog din ang loob niya kay Lawrence.
Maaamin ba ng dalawa ang kanilang nararamdaman sa isa't isa?
Sa panahong karamihan ng mga rom com na napapanood ay galing sa Hollywood. Ang "Got 2 Believe" ang namayagpag noong early 2000's sa Philippine cinema. Mas epektibo kasi ang naging chemistry nina Rico Yan at Claudine Barretto lalo't on-screen at off-screen ang kanilang romantic relationship. Sa tulong na din ng mahusay na pag-direk ni Olivia Lamasan, napatunayang hindi lamang mahahanay si direk sa mga seryosong drama kaya niya din gumawa ng romantic comedy. Nakuha din ng pelikula ang energetic youth of the early 2000's sa mga nailapat na salita at paghulma sa bawat tauhan sa pelikula. Nakadagdag pa ang mga nostalgic at nakakakilig na kanta.
Samantala, mababago muli ng Star
Cinema ang romantic genre sa pamamagitan ng mga hugot sa late 2000's at 2010's
sa mga pelikulang "One More Chance" (2007) at "That Thing Called
Tadhana" (2014).