Tuesday, October 27, 2026

PARA SA AKING KAIBIGANG SI ANTHONY...

 

Naririnig ko na ang pangalan mo noon pa lang. Sinabihan din ako ng dati pastor ko na, 
"Sana ma-meet mo si Anthony Roquel. 'Yung Tonette Macho noon sa "Iskul Bukol." Kinwento niya ang testimony mo dahil gusto niya na kung sakaling magtagpo tayo ay may matutunan ako sa 'yo.

Hanggang sa naging magka-grupo tayo sa isang healing ministry noong 2014. Ang pagpapakilala mo pa noong orientation sa small group ay road manager ka ni Maricel Soriano. Kalagitnaan ng 25 weeks eh in-approach kita kasi naku-curious na talaga ako sa 'yo. Hindi ko pa narinig ang testimony mo na mismong galing sa 'yo ang kwento. Nakipag-usap ako sa 'yo kahit ongoing ang programa at bawal. Biglang nagkasundo tayo dahil sa pelikula. May time pa noon na bawal mag-exchange ng contact numbers pero nagpalitan tayo ng contact kahit nahuli ng Spiritual Director mismo. Pero kahit ganun, hindi naman tayo nag-communicate sa pamamagitan ng text.

Kung ang mga kamag-anak mo ang tawag sa ‘yo ay Nenet. Tinatawag naman kita sa iyong buong pangalan na “Anthony”. Nagtratrabaho kasi ako sa call center sa mga panahon na ‘yun kaya na-adapt ko na kahit older sa akin ay tawagin sa first name. Pero kahit wala na ako sa call center ay “Anthony” pa din ang tawag ko sa ‘yo.

Pagkatapos na nung 25 weeks program saka tayo nag-text at nanood ng sine. Nag-aya ka manood ng pelikulang "Interstellar" at "God's not dead" sa SM Megamall. Kalagitnaan ng "Interstellar" gusto mo na umalis kasi hindi mo maintindihan ang pelikula. Hindi ko din naintindihan pero sinabihan kita, "Anthony, sayang 'yung ticket. Let's give it a chance." Pagkatapos ng pelikula, tinanong mo ako, "May naintindihan ka sa pinanood natin?" Sagot ko, "Wala." Tumawa ka. 
Nag-aya ka kumain sa Yoshinoya kasi manonood pa tayo ng "God's not dead." Habang nasa kalagitnaan ng pelikula ay may nagdadaldalang dalawang babae sa sinehan na rinig ang boses. Bigla mong sinaway na, "Kung gusto niyong magkwentuhan, lumabas na lang kayo! Paano namin maiintindihan itong pelikula? Eh ang lalakas ng boses niyo!"
Tumahimik ang mga sinaway. Pagkatapos noon ay parehas tayong na-uplift sa panonood ng huling pelikula. Kahit pa we find it preachy.
"Ang ganda ng pelikula 'no.", sambit mo matapos ang pelikula.

Nagkaroon ng leadership training ang healing ministry sa Tagaytay noong January 2015, nagtanungan tayo kung sasama ba tayo. Nung nag-desisyon tayong sumamang dalawa, nakisabay tayo sa mga ka-batch natin sa 25 weeks samantalang ikaw pa nag-request na magkasama tayo sa room at maging roommates tayo. Hinayaan kitang ikaw na ang gumamit ng kama. Ako naman sa cot. Hindi ko makakalimutan ang ilang araw na 'yun kasi may moments na nagiging comedy eh. Sa 'yo ko nalaman na kapag dudumi, kailangan may baong posporo. Kasi pagkatapos dumumi, kelangan ang fume ng hinipang posporo to lessen the unpleasant smell sa toilet. Nagtanong ka kung ma-offend ba ako na sabitan ng jeans ang pakong may nakasabit na crucified Jesus sa wall. Sagot ko, "Hindi naman."
Isang umaga namang nagbabasa ako ng libro at nakadungaw ka naman sa bintana. Tinawag mo ang aking atensyon, "Tingnan mo ang mga tiyahin mo, ang ingay!" Pabiro mong sabi nung makita mo ang ibang facilitator na rinig ang boses sa pag-uusap habang natatanaw mo sa malayo. Isang gabi naman, may pumasok na insektong lumilipad sa kwarto natin. "Marunong ka pumatay ng insekto?", tanong mo. "Hindi.", sagot ko.  "Ano ba 'yan, Jim?!"
Ayun mala-slapstick comedy eksena natin sa pagpatay ng insekto. Tawanan tayo pagtapos. Sa isang praise and worship time ng leadership training, hindi mo mapigilan ang pagwagayway sa bandila ng makita mo ‘yung sa multi-purpose hall. At bulong mong sinabi sa akin na, "God is our banner." Habang may sumasayaw sa harapan natin. Bigla na lang akong nagkaroon ng tigdas habang nasa leadership training. Nakakalungkot man kung naudlot na makumpleto ko ang leadership training. Ngunit mas nalungkot ako sa naikwento mong na-tsismis pa tayong dalawa sa leadership training na ‘yun dahil sa pinili mo akong maging roommate. Sabi mo pa nga, “Lolo mo na ako, Jim.” Kinorrect kita. “Hindi kita lolo kasi mas matanda ang tatay ko sa ‘yo. Tatay kita ganun ang labas kung pagbabasehan ang edad.” Sabay tawa ka na naman.

2016 nagkita tayo sa lamay ng iyong yumaong ina. Nung dumalaw ako sa Arlington chapel sa Quezon Ave., umupo ako sa dulo kasi may kausap ka.
Akala ko nung una ay si Nonoy Zuñiga, si Richard Reynoso pala. 
Napansin mo ako na nakaupo sa tabi.
"Jim, hindi ako sanay na nandyan ka sa tabi. Tara na kumain na tayo."
First time ko noong makakita ng catering service sa isang lamay.
Pagkatapos mag-dinner bigla mo akong pinalapit sa isang tabi kung nasaan nakapwesto ang isang artista. Tinawag mo ako, "Jim, halika dito. Ipapakilala kita."
"Magbigay ka ng pamagat ng pelikula ni Gina Alajar." 
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa harapan mismo ni Ms. Gina eh magbabanggit ako ng mga pamagat ng pelikula niya. Sa sobrang kaba, ang naalala kong pamagat ng pelikula niya ay "Biktima". Obra ni Lino Brocka na pinagbibidahan noon ni Sharon Cuneta, Christopher De Leon at Ms. Gina. Diyan sa nanalo ng pinakamahusay na pumapangalawang aktres sa Gawad Urian ang huli.
Nagkaroon pa noon ng memorial service ang yumaong nanay ni Anthony. Nagpaalam din ako sa ‘yo pagtapos ng memorial service.

Nagkita tayong muli noong October 2017 sa screening naman ng digitally restored at remastered version ng “High School Scandal” (1981) na ginanap sa UP Town Center cinema. Kasama mong muli si Ms. Gina at pati ang iyong kaibigan na si Pastor Victor De Ocampo. Nung makita kitang nakaupo na sa cinema seat ay agad kong naisipang lumapit at napasabi akong, “Anthony, I miss you!” Sabay napayakap ako at nagulat ka din. Kaya natawa ‘yung ibang attendees sa screening na nakakita. Natawa ako nung marinig kita sa eksena sa pelikula na naliligo ang karakter ni Gina Alajar na ang gamit na tabo ay improvised at lata pa ng Nido. Rinig na rinig ang boses mo, “Nido talaga?” Maski sina Ms. Gina at Pastor Victor ay natawa.
Paglabas ng sinehan nung makita mo ako uli bigla mong sinabi sa akin na, "Wala pa ring kupas si Jim Paranal!"
Buti na lamang nandun ang isa kong kakilala kaya sa wakas may litrato na tayong dalawa.

January 2018 naman nagulat ako nung tumawag ka sa akin sa phone para tanungin kung ano ang pamagat ng pelikula ni Ishmael Bernal noon na nagkaroon ng remake na si Rita Gomez ang bida. “Ah, Salawahan.”, sagot ko. Ang random lang Anthony pero it was such a delight that you called at siyempre konting catch-up.

April 2019 bigla ka muling nag-aya manood ng pelikula sa SM Megamall. Tinanong mo ako kung ano ba ang magandang panoorin na pelikula. Nag-suggest ako na “The Healer” at “Breakthrough”.
Hindi mo magustuhan ang pelikulang "The Healer" kaya lumabas tayo ng sinehan
at kumain sa Jollibee. 
Quick bite kumbaga. Dahil gusto nating mahabol ang kasunod nating pelikulang
papanoorin ang "Breakthrough".
Nagandahan ka sa pelikula. Nag-iyakan pa tayo kasabayan ng mga kahilera natin. Pero may isa kang puna sa pelikula. "Maganda na pinakita sa pelikula ang miracle o himala pero bakit hindi pinakita kung paano na-provide ang needs o financial matters sa medical procedures ng bata. Mas maganda pa lalo kung pinakita din 'yun." Pero kahit ganun sobrang nag-enjoy tayo sa panonood. 
 
Hindi naman nawala ang ating komunikasyon all throughout these years kasi messenger na tayo nag-uusap. Hindi na sa text messages. 
 
Nang biglang 2020 ay nagkaroon ng CoViD pandemic, kahit pa sa mga nagdaang posts sa social media na binabanggit ko na kailan kaya tayo ulit magkikita siguro pagkatapos ng pandemya ay hindi na 'yun naulit. Tinatanong kita kung saan ka sa Parañaque para madalaw kita sa inyo. Pero seen zoned mo ako kapag tinatanong ko ito sa 'yo ilang beses. Sabi ko sa 'yo kung hindi na kayanin na magkita tayo sa SM Megamall, kahit ako na ang pumunta sa inyo. Nag-deactivate din ako sa social media dahil sa personal na problema. Kaya hindi na ako naging updated sa social media kung ano na ang mga ganap mo. Bukas pa naman ang messenger ko. At tuwing tinatanong kita kung kumusta ka ang lagi mong sagot ay "Tagumpay si Hesus!" Naniniwala ako sa iyong bawat assurance na okay ka. Pero sa kabilang banda, pakiramdam ko ay may hindi ka nababanggit sa akin. 
 
Nitong 2026, ang mga huling serye ng mensahe natin ay umiikot sa pinapadalhan mo ako ng Bible verses. Ako naman ay mga quotes. Kinorrect mo pa nga ako isang beses nung may pinadala akong art card ng prayer. "Jim, you need to be careful kasi parang na siyang nobena." Ang huli kong mensahe sa 'yo ay nitong Setyembre nung kinumusta kita. Ilang linggo bago ang CinePanalo Puregold Film Festival. 
October 16, 2026. Gabi. Nag-message si Den.
"Jim, totoo bang patay na si Anthony Roquel?"
Bigla akong napatda. Hindi ako makapaniwala.
"Hindi ako aware."
Kaya chineck ko ang mismong Facebook profile mo. 
Isa-isa ko nang nabasa ang mensahe ng pamamaalam at tributes. 
Natulala ako. Napasigaw ng hindi naririnig ng iba na sinasambit ang pangalan mo.
"Anthony..."
Dito na tuluyang tumulo ang aking mga luha. 
Biglang nag-flashback ang mga masasayang alaala, ang pinagsamahan, mga biruan, mga pagkakataong nagdarasal tayo. 
Nag-message ang aking kaibigang si Phoebe.
"Jim, coffee tayo sa Master Cafe."
Ewan ko ba at pumayag ako. 
"Phoebe, patay na si Anthony Roquel ‘yung kaibigan ko."
Hindi maikakaila na naging emosyonal ako sa balita. 
Nung makita ako ni Phoebe papalapit sa kanyang kotse, napansin niya na wala ako sa ulirat. 
"Jim, umiyak ka 'no? Wala ako sa ulirat."
Siguro tamang timing din na nag-aya si Phoebe na mag-kape kami kahit hindi naman ako nagkakape. 
Nakatulong din kahit papaano para ibsan ang kalungkutan at pagdadalamhati ko ang catch-up namin ni Phoebe. 

Lunes nung dumalaw ako sa iyong last night. Walang nakakakilala sa akin dahil hindi ako nakadalaw sa 'yo noon. Nilapitan ako ni Jiejie (Benjielyn). Kinwento ko na nagkakilala tayo sa isang healing ministry. Tinanong ko kung ano ang kinamatay mo. "Rectal cancer po na na-overcome ni Tito pero nagkaroon ng remission."
"Nababanggit ko kay Anthony sa PM kahit noon pa na kung pwede ko siyang dalawin. Tinatanong ko kung saan ang exact address niya pero tuwing 'yun ang topic namin ay seen zoned siya. Bakit kaya?, tanong ko kay Jiejie.
"Nahihirapan na din po kasi si Tito na gumamit ng phone sa kalagayan niya.", sagot ni Jiejie.
"Gusto mo bang tingnan si Tito?"
"Oh, sige."
Nung makita kita, gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Ang laki ng pinayat mo, Anthony. Pero ang nasa isip ko ay mas masaya ka na sa piling ng ating Panginoon. 
"Nasilip niyo na po si Tito?", tanong ni Jiejie.
"Oo ah--"
May kinakausap na si Jiejie dahil maya-maya magsisimula na ang memorial service.
Nakigamit muna ako ng toilet bago ang memorial service. Paglabas ay nakita ko sa gilid si Gina Alajar. 
Dumating na ang pastor para gawin ang memorial service. Nag-eulogy sina pastor Victor at Jiejie. Pagkatapos nito ay kumanta ang mga pamangkin at apo mo. Nag-close ang memorial service sa pagdarasal sa mga naiwang kamag-anak mo. Dito ko napansin na kasama ni Ms. Gina si Ms. Amy Austria. 
May dumating namang babaeng nakaitim kasama ang isang matangkad na lalaki at babaeng nakasuot din ng itim. Matagal tiningnan ng babae ang iyong kabaong. Humihikbi. Akala ko sa una ay kamag-anak mo siya. Nang mapansin ko ang side profile ay si Ms. Maricel Soriano pala. Sinabi ko sa 'yo na favorite actress ko si Marya.
Kumain naman ako ng hapunan bago pumunta sa Loyola Memorial. Pero napatingin ako sa catering. Bigla kitang naalala nung inaya mo ako kumain noon. Ayaw mong nagpapagutom tayo and you love food. Kaya pinili ko ang baked mac at chicken cordon bleu. Sapat na siguro dahil malayo pa ang uuwian ko.
Nagpaalam ako kay Jiejie bago umalis kasi hahabulin ko din ang last trip ng LRT pauwi.
 
Ilan lamang ‘yan sa mga alaala ko sa ‘yo, Anthony. Maaaring may nakalimutan akong isama. Pero mahal kong kaibigan, maraming nagmamahal sa ‘yo.
Marami kang na-touch na buhay at na-bless sila.
Mami-miss kita. Salamat sa mga Bible verses na PM mo. Salamat sa mga corrections at reminders. Salamat dahil sa bawat pangungumusta ang lagi mong sagot
ay "Tagumpay si Hesus!" Salamat sa mga pagpapatawa mo.
Salamat sa buhay mo. Tunay na pinagpala ang buhay mo kaya blessed din
kami na makilala ka.
At alam kong masaya ka na sa piling ni Hesus.
 
Hanggang sa muli, Anthony.