Thursday, September 29, 2016
ANG BABAENG HUMAYO: THE WOMAN WHO LEFT (2016)
Kakaiba ang pelikulang "Ang Babaeng Humayo". Ito ay naiiba sa mga napanood nating tema ng paghihiganti. Madalas bayolente ang mga napapanood natin o di kaya ay madrama kapag tungkol sa paghihiganti tulad na lamang sa Babangon Ako't Dudurugin Kita (1989) at Double Jeopardy (1999) na may pagkakapareho sa pelikula dahil na framed-up ang bidang babae sa isang krimeng hindi nya ginawa. Hango ang pelikula sa maikling kuwento ni Leo Tolstoy na "God Sees the Truth but Waits" patungkol sa isang lalaking nakulong sa krimeng hindi siya ang may sala at sa huli ay nagpatawad.
Monday, September 26, 2016
TITANIC (1997)
I was asked to do a reaction paper for the movie Titanic. Here it is:
TITANIC (1997)
Titanic is a gigantic movie on its scale. Titanic is one of the most successful movies in the world. It also boasts as one of the most expensive films ever made and a worldwide blockbuster hit.
Titanic is an Academy Award or Oscar winning romantic drama film focuses on the fictionalized love story of Jack Dawson (Leonardo Di Caprio) and Rose DeWitt Bukater (Kate Winslet) and the sinking of RMS Titanic directed by: James Cameron. Titanic holds the record of winning 13 Oscars which the movie shares with Ben-Hur (1959) and Lord of the Rings: Return of the King (2003). It also holds the record of the number one worldwide box office hit until another Cameron film Avatar beats it.
Titanic is a period costume drama film. It's fascinating to see the costumes used I'm te film as well as the production designs. I'm not really a fond of Iove stories. I find Titanic thrilling. My concentration while watching the movie is not on the love story but on the survival of the passengers. At some point, before the thrilling part of the film, we can see that Rose and Jack are star-crossed lovers like Romeo and Juliet. Rose is the rich girl while Jack is an impoverish boy. In a way, this kind of plot is very predictable especially towards the end when Jack sacrificed his life for Rose.
Music is hauntingly lyrical. The soundtrack "My Heart will go on" captures the emotions of audience because it expresses the undying love of two lovers Jack and Rose.
James Cameron's direction is superb. Leonardo DiCaprio and Kate Winslet both stands out in their star-making role. They will always be remembered by their fans because of their unforgettable characters and portrayal. Kathy Bates as Molly Brown brings the effervescent role in a different approach.
Titanic is a delectable treat to watch for!

Monday, September 19, 2016
ORO, PLATA, MATA: Isa sa pinakamahusay na pelikulang Pilipino
Kamakailan ko lamang napanood ang pelikulang Oro, Plata, Mata. Matapos ko itong mapanood ay labis akong humanga sa detalyado at metikulusong pagkakalikha ng obra na ito. Isa ito sa mga pelikula ng Experimental Cinema of the Philippines. Ang parehas na grupo na gumawa ng pelikulang "Himala". Isa rin ito sa pelikulang ipinalabas sa kauna-unahang Cinemanila at pagpapasinaya ng Film Center of the Philippines. Mula sa panulat ng direktor na si Jose Javier Reyes at direksyon ni Peque Gallaga.
Ito ay patungkol sa pamilyang Ojeda at Lorenzo at kung paano ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay binago ang buhay nila at binago sila mismo. Sa unang yugto na Oro, ipinakita ang marangyang buhay ng dalawang pamilya bago ang digmaan. Sa ikalawang yugtong Plata, nasaksihan ang paghingi ng tulong ng mga Ojeda at ilang mga kaibigan ng Lorenzo at nanuluyan sa kanilang mansyon. Sa huling yugtong Mata, tumakas ang mga tauhan sa malayong kagubatan kung saan ay merong bahay pahingahang ipinatayo si Inday Lorenzo at unti-unti nagbago ang buhay ng mga tauhan sa kanilang naranasan.
Bihira lamang ako makapanood ng pelikulang Pilipinong may accurate na paglalarawan sa buhay ng mga Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maaaring limitado ang access natin sa ibang pelikulang sariling atin lalo pa ang luma at iyong black and white pa. Ilan lamang ang naalala kong pelikula ukol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig tulad ng Tatlong Taong Walang Diyos (1976) at Aishite Imasu 1941 (2004).
Maraming hindi malilimutang pagganap sa pelikula tulad nina Cherie Gil, Joel Torre, Fides Asencio-Cuyugan, Liza Lorena, Mitch (Maya) Valdes, Lorli Villanueva at Ronnie Lazaro.
Ipinakita sa pelikula ang horror at realidad ng digmaan tulad ng violence sa paligid. Maalala ang mga ganitong sitwasyon tulad na lamang sa ipinakita sa Russian movie na Come and See (1985). Ultimo na ang itinuturing mong kakampi na itong kababayan ay kalaban pala. Ang mga tulisan na imbes ay magkaisa sa oras ng digmaan ay may kanya-kanyang paniniwala at kagustuhan. Meron pa akong naalalang eksena sa isang klasikong pelikula sa isang eksena ng pelikula kung saan ay nasusunog ang hacienda. Halintulad ito sa Atlanta Burning Scene ng Gone with the Wind (1939).
Masasaksihan din sa pelikula ang loss of innocence sa mga tauhan tulad na lamang nila Miguel (Joel Torre) at Trining (Cherie Gil) sa ibang tauhan ng pelikula. Maski ang karakter ni Sandy Andolong na si Maggie. Sa kuryosidad ni Trining ay isinuko nya ang pagkabirhen kay Hermes (Ronnie Lazaro). Loss of innocence din na masaksihan ang realidad ng digmaan.
Labis na kahahangaan ang pagganap nina Liza Lorena bilang Nena na ina nila Trining at Maggie. Siya ay isang inang hindi nagkulang sa pangangalaga at pag-aaruga. Siya rin ay isang inang lumaban sa buhay bago, habang at matapos ang giyera. Si Mitch (Maya) Valdes ay si Dra. Jo Russell. Sa una akala mo ay isa siyang intrimidita dahil nag-aral siya sa Amerika. Ngunit, isa siya sa matatag na tauhan ng pelikula. Kalmado, determinado at hindi patitinag. Si Lorli Villanueva naman ay si Biring. Ang mapag-mataas at matapobreng donya na lahat ay gagawin wag lamang makuha ang kanyang alahas na nagsisilbing yaman nya. Maaaring maalala sa kanya si Donya Victorina ng Noli Me Tangere. Si Fides Cuyugan-Asencio naman ay si Inday Lorenzo, ang relihiyosa at konserbatibong ina ni Miguel. Siya rin ang nagpatuloy sa mga kaibigan niya sa kanyang mansyon, sa bahay pahingahan sa kagubatan hanggang sila'y makabalik.
At isa sa mga hindi pa malilimutang eksena ay ang pagbaril ni Miguel sa diwata (Kuh Ledesma).
Masasabing lengthy o mahaba ang pelikula subalit nasapul nito ang paghihirap at pagkamulat ng mga tauhan sa isang masalimuot na bahagi ng ating kasaysayan. Mahusay ang pagkakasulat sa iskrip. Mahusay rin ang direksyon ni Peque Gallaga. Maganda ang pagkakalapat sa musika lalo na sa eksenang nalaman nilang sila ay napasok ng mga hapon. Ang mga costumes ay kapuri-puri sapagkat umayon ito sa panahong tinatalakay.
Talagang isa sa maituturing na pinakamahusay na pelikulang Pilipino ang "Oro, Plata, Mata". Sana ay makapanood pa tayo ng ganitong pelikula.
Sunday, September 18, 2016
PARA SA'YO AKING AMA
(Bahagi ng dapat kong sabihin sa eulogy)
Una sa lahat, magandang gabi po sa inyong lahat. Si tatay Paciano o kilalang Atching sa mga malalapit sa kanya ay isang anak, ama, kapatid, tito at lolo. Tulad nating lahat, hindi siya perpekto dahil isa siyang tao. Iba iba ang pagkakakilala natin sa kanya. Itinuturing siyang isang institusyon. Alam natin lahat na ilan sa kanilang magkakapatid ay nakipagsapalaran sa Maynila upang magkaroon ng magandang buhay. Isa siya sa magkakapatid na nagtayo ng isang negosyong medalyahan tulad nila Pay Dalmacio o Pay Amay at Pay Luis. Dahil sa magkakapatid na ito ay naipasa nila ang baton sa negosyong medalyahan tulad nila kuya Jimmy, kuya Romeo, ate Tessie at ate Lordita. Marami akong naririnig na maraming magandang alaala ng mga malalapit kay tatay na kung minsan ay gusto kong mainggit kasi yung iba doon hindi na namin nararanasang magkakapatid kami ni Patrick at Jea. Siguro dahil generation gap na din. Hindi ko intensyong i-dishonor ang aking ama. Kung isasalarawan ko si tatay, strikto siya at disciplinarian minsan sobra pa sa pagiging disciplinarian. Kuripot pati sa kanyang sarili. Marahil nakita ito ng mga pinsan namin o mga naging trabahador namin na nagtrabaho sa amin. Sa dami ng mga tao na nagdaan sa buhay ng pamilya namin, palagay ko ay marami silang alaala at natutunan kay tatay. May pait, may lungkot, may saya. Hindi ko na ito idedetalye pa kasi baka anong oras na tayo matapos. Bilang isang anak, nakakatuwang pakinggan ang magagandang alaala ng mga tao kay tatay. Tulad ng isang ama, ginusto ni tatay na bigyan kami ng magandang buhay. Nagpapasalamat kami doon tay sa pagiging good provider mo. Dahil sa hindi siya perpekto, may mga bagay na hindi niya maibigay. Sabi nga, "you can not give what you don't have." Malaki at mahirap ang responsibilidad ng isang ama. Ang haligi ng tahanan ang siyang nagsisilbing pundasyon ng isang pamilya. May mga panahon na kami ay naghahanap ng kanyang kalinga ngunit hindi na nya ito maibigay pa. Bahagi siguro ng pagkabata ang paghahanap na iyon. Sa huling sandali ng kanyang buhay, napansin kong naging emosyonal sya. Alam nating lahat kung gaano katigas ang kanyang ulo, minsan hindi mo din maunawaan. Kaya ang pagiging emosyonal nya ay kakaiba. Madalas kaming maiwan ni tatay sa bahay noon. Sila nanay madalas nasa Binangonan kaya mas magkasama kami. Kasama ko siya nanonood ng pelikula kahit black n white o luma na ang pelikula. Tulad ng ibang anak, may panahon na sana kasama namin sya ka-bonding pero mas pinipili nya mag-isa. Yung tipong lalabas kami pero depende pa sa mood nya.
Masyado na atang mahaba ito. Dahil madalas kami ang magkasama, ma miss ko kay tatay yung sasabihan ko siyang, "tay, doon ka na matulog sa kwarto." Kapag sinasaway ko siya pag nakakatulog sa upuan. Yung boses nya... Ang mga alaala... Ilan lamang ito sa mga ma miss ko sa'yo tay. Sa aking kinagisnang ama, hindi ka man perpekto. Ikaw ang bigay ng Amang Maykapal.

Monday, September 12, 2016
BERNAL, SIGUON-REYNA at MENDOZA: Tatlong Henerasyon ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino
Naging
makulay ang Pelikulang Pilipino sa nakalipas na panahon. Dumaan ang industriya
sa isang roller coaster ride pero patuloy pa rin sa paglikha ang mga alagad ng
sining upang buhayin ang industriyang nagpapatuloy sa nagbabagong panahon.
Sabi
ng ilan ay dinaig na tayo ng mga kalapit nating bansa. Dati rati ay hindi tayo
pamilyar sa bansang South Korea at Thailand sa mga ginagawa nilang pelikula.
Kumbaga, Hollywood at lokal lang alam natin. Ngayon, pwera sa mga foreign
countries tulad ng France, Italy, Germany at Japan. Nalalaman na rin natin ang
mga pelikula nila.
Noon,
tayo ang itinuturing na pangatlo sa pinakamaraming nagagawang pelikula sa isang
taon sa buong mundo. Una dyan ang India kung saan kilala sila sa tawag na
Bollywood. Pangalawa, ang Estados Unidos o Amerika na sikat ang Hollywood.
Pangatlo, tayo - ang Pilipinas. Dati, nakakalikha tayo ng 140 na pelikula sa
isang taon. Ngayon, hindi pa umaabot sa 40 na pelikula ang nalilikha sa isang
taon magkasama pa ang mainstream at independent.
Ang
mga pelikulang Pilipino ay maaaring dumadaan sa proseso ng paghuhulma tulad ng
isang tauhan. At ang isang tauhan tulad sa pelikula ay patuloy na lumalago sa
pamamagitan ng mga taong bumubuo sa kanyang kabuuan.
Ang
pelikula ay isang uri ng sining na itinuturing na bata pa rin. Aking
napagdesisyunan na bigyang pansin ang ilan sa mga likha ng mga direktor sa
tatlong henerasyon. Labis ang paghanga ko sa mga direktor. Kaagapay ng kanyang
manunulat, staff at crew at artista nais nilang tayo ay mapasaya o kung anuman
sa nais nilang ipaabot na mensahe.
Noong
bata pa ako ay mahilig na akong manood ng pelikulang Pilipino. Nagsimula ang
lahat ng mapanood ko ang pelikulang "Bampira" ni Maricel Soriano.
Sinundan ito ng ibang comedies nya at TGIS movies.
Mas
lalo akong naka-appreciate ng mga pelikulang Pilipino noong high school.
Naalala ko pa ang mga critically-acclaimed na tagalog movies tuwing mahal na
araw. 2nd year high school ako ng mapanood ko ang pelikulang Himala na
pinagbibidahan ng nag iisang superstar Nora Aunor nasundan ng Kisapmata ni Mike
De Leon. Dito lalo akong naghanap at nag-abang ng mga pelikulang Pilipinong
makabuluhan. Hindi pa ako pamilyar sa mga film makers tulad ng direktor at
manunulat.
Hanggang
sa natuto rin akong maging pamilyar sa mga filmmakers. Wala kaming cable
hanggang ngayon din naman. Ngayon kasi mas may access ka na makapanood ng kahit
anong pelikula. Pwede kang mag online streaming, download, tumangkilik ng
piratang kopya o sa legal na paraan tulad ng mga free admission o free
screening ng pelikula. Maaaring pumunta ka ng Cinematheque Manila, Cinema '76,
Cultural Center of the Philippines (CCP), University of the Philippines Film
Institute (UPFI) at iba pa.
Si
Ishmael Bernal ay itinuturing na isa sa mga mahuhusay na direktor na sumikat sa
panahon na kung saan ang pelikulang Pilipino ay namayagpag hindi lamang sa
artistikong paraan kundi sa lahat ng aspeto noong dekada '70 at dekada ' 80.
Kasabayan niya ang iba pang magagaling na direktor tulad nila Lino Brocka,
Eddie Romero, Celso Ad Castillo at Mike De Leon.
Tatlo
sa kanyang pelikula ang maituturing na pinakamahalaga niyang obra.
Aminado
ako na isa sa paborito kong pelikula ang Himala (1982). Sumasalamin ang obrang
ito sa iba't ibang aspeto ng kalagayan sa Pilipinas mapa-pulitikal at
mapa-sosyoekonomiko. Masasabi ring hindi naluluma ang pelikulang ito. Ang
pelikulang Himala ay mula sa matalinong panulat ni Ricardo "Ricky"
Lee. Ito ay tungkol sa isang dalagang nagngangalang Elsa na pinagpapakitaan daw
ng mahal na birhen at nakapagpapagaling daw ito ng mga may sakit. Nabago nito
ang kanyang buhay pati na rin ng isang maliit na baryo at mga tao sa paligid
niya.
Ang
Himala ay isa sa mga pelikulang nilikha ng Experimental Cinema of the
Philippines noong dekada '80. Isinali ang obrang ito sa iba't ibang film
festival lokal man o sa ibang bansa tulad ng Metro Manila Film Festival at
Berlin Film Festival. Nagkamit ng iba't ibang parangal sa loob at labas ng
bansa. Nakakalungkot lamang isipin na ang pelikula ay hindi nabawi ang gastos
ng unang ipalabas ito ngunit kahit ganoon ay patuloy na pinag-uusapan ang
Himala. Isa ito sa mga experimental movies na talagang nagpatanyag sa dalawang
pinakapipitagan sa industriyang sina Ricky Lee at Ishmael Bernal. Ito rin ang
dahilan ng pagkahanga ko sa kanilang dalawa. Ginawan rin ito ng stage play
makalipas ang ilang panahon. Itinuring din na Best Asia Pacific Film ng CNN.
Bihira
akong makapanood ng pelikulang komedya na tumatalakay noon sa kalagayan ng
babae sa lipunan. Naipahayag ito ni Bernal at naipamalas niya ang pagiging
peminista sa pelikulang Working Girls (1984). Mula ito sa panulat ni Amado
Lacuesta. Tungkol ito sa pitong babae sa panahon na kung saan ang bansang
Pilipinas ay gumagawa ng tatak sa kasaysayan at paano nila hinarap ang kanilang
buhay sa lipunang may iba't ibang pagtingin sa pagkababae.
Si
Carla (Hilda Koronel) ay isang namamayagpag na female executive na doble
kumayod upang makuha ang Senior Vice President position kahit pa mga lalaki ang
kalaban nya subalit nawawalan naman siya ng panahon sa kanyang nobyong
manunulat. Si Anne (Chanda Romero) naman ay dalubhasa sa professional
management ngunit hindi pinagtitiwalaan ng asawa at pinagbabalingan ng
insecurity nito dahil sa tinatamasa niyang tagumpay. Balewala sa kanya kung ang
isa sa mga kliyente (Robert Arevalo) niya ay nililigawan siya.
Magkatrabaho
sa iisang kumpanya ni Anne ang aroganteng si Amanda (Baby Delgado) na tanging
ipinapakita ang kanyang sweetness sa playboy na si Raul (Tommy Abuel). Si
Isabel (Rio Locsin) naman ay secretary ni Carla na nabuntis at ayaw pananagutan
ni Raul. Si Nimfa (Gina Pareno) ay nagbebenta ng mga pekeng alahas sa Makati ay
naakit kay Raul pero hindi siya papatalo at may plano siya kay Raul upang
ma-secure ang kinabukasan ng anak.
Si
Suzanne (Carmi Martin) ay mali-maling sekretarya, ineffective kumbaga, pero
magaling mang-akit. Lahat ng kanyang amo ay target niya pero ang iisang gusto
niya ay mukhang di siya type. At si Rose (Maria Isabel Lopez) ay isang
magandang receptionist na baon sa utang ay pinasok ang mundo ng prostitusyon
upang makabayad ng utang at makatulong din sa pamilya.
Isa
sa mga paborito kong pelikula ni Maricel Soriano at kolaborasyon niya kay Ishmael
Bernal ang pelikulang Hinugot sa Langit (1985). Napakahusay ng direksyon ni
Ishmael Bernal. Mula ulit ito sa mahusay na iskrip ni Amado Lacuesta.
Si
Carmen Castro (Maricel Soriano) ay isang dalagang minabuting maging
independent. Parehas sila nang kanyang matalik na kaibigan at pinsang si Stella
(Amy Austria) na nakipagsapalaran sa Maynila. Nabuntis si Carmen ng kanyang
karelasyong may asawa na si Gerry (Al Tantay). Gustong ipalaglag ni Carmen ang
kanyang dinadala. Payag sina Gerry, Stella at Bobby (Rowell Santiago) sa
desisyon ng dalaga. Si Bobby ay childhood sweetheart ni Carmen na organized at
gustong pakasalan si Carmen kapag pinalaglag niya ang sanggol. Samantala,
tinutuluyan naman ni Carmen ang apartment ni aling Huling (Charito Solis) na
kanyang landlady. Si Huling ay debotong Katoliko ngunit hindi maayos ang
pakikibagay sa iba n'yang nangungupahan at may madilim rin siyang nakaraan. Si
Stella naman ay nagtangkang magpakamatay ng hindi siya matipuhan ng gusto
niyang lalaki.
Tulad
sa Himala, tinalakay ng direktor ang isyung panlipunan mapa-sosyoekonomiko at
politikal. Naipakita rin sa pelikula ang isyung pangkababaihan. Tinalakay sa
pelikula ang kontrobersyal na isyu ang aborsyon o pagpapalaglag ng sanggol sa
sinapupunan. Ang tauhang si Carmen ay naipit sa suliraning nabuntis siya ng may
asawa at malaking kahihiyan para sa kanya ang nangyari pati na rin sa kanyang
pamilya. Kaya naisip niya na ang tanging paraan ay ang aborsyon na umayon naman
sa nakabuntis sa kanya. Samantalang, ang karakter naman ni Charito Solis ay
nagpakita naman ng religious hypocrisy. Pakitang tao na kabutihan lalo sa mga
taong hindi niya kasundo at hindi malapit sa kanya.
Noong
dekada '90, nakilala ang mga direktor na sina Jose Javier Reyes, Joel Lamangan,
Chito Roño (na kilala ring Sixto Cayco) at Carlos Siguon-Reyna. Ang mga
pelikula ni Carlos Siguon-Reyna ang ilan sa tumatak sa dekadang ito. Hindi ko
makakalimutan sa mga pelikula niya ang magandang sinematograpiya at lokasyon
tulad sa Batanes, Villa Escudero at Ilocos. Katuwang ang kanyang inang si
Armida Siguon-Reyna na nagsilbing producer at Bibeth Orteza na kanyang asawa at
tagapanulat ng script o screenplay pati rin si Raquel Villavicencio na
nagsilbing tagapanulat ng iskrip. Sila ang bumubuo ng Reyna Films.
Dalawa
sa pelikula ni Carlos Siguon-Reyna ang hindi ko malilimutan.
Ang
Ikaw pa lang ang Minahal (1992) ay hango sa pelikulang "The Heiress"
ni Olivia De Havilland. Ang The Heiress naman kung saan kumuha ng reference ang
pelikula ay loose adaptation ng novella ni Henry James na Washington Square.
Si
Adela Sevilla (Maricel Soriano) ay mala-ugly duckling na tagapagmana ng kanyang
amang si Don Maximo (Eddie Gutierrez). Lagi na lamang sinisisi ng kanyang ama
si Adela sa pagkamatay ng kanyang ina habang pinapanganak siya. Kaya naman uhaw
siya sa pagmamahal ng ama. Ang kanyang tiyahin (Charito Solis) ang tanging
sumusuporta at umuunawa sa kanya. Matalino, masunurin at mahiyain si Adela
hanggang sa makilala niya ang matipuno at guwapong si David (Richard Gomez).
Nagbago ang pananaw ng dalaga ng umibig siya kay David. Tutol naman si Don
Maximo sa pag-iibigan ng dalawa sa paniniwalang pera o yaman lang ang habol ni
David kay Adela. Nang magdesisyon si Adela na sumama kay David ay iniwan siya
nito. Labis siyang umasa sa pagmamahal
ng mga lalaki sa kanyang buhay. Hanggang sa mapagtanto niyang kailangan niya
ring mahalin ang sarili.
Old-fashioned
ang pagkakagawa sa pelikula pero napakaganda ng kwento, sinematograpiya, musika
at acting ng mga artista. Surprising ang ilang sex scenes ng dalawang aktor
(Soriano at Gomez) tulad na lamang ang eksena sa bukid, jacuzzi at kama.
Ang
Abot Kamay ang Pangarap (1996) ay hango sa maikling kwentong "Bonsai"
ni Elsa Coscuella na nagwagi ng Palanca Awards. Si Elena (Maricel Soriano) ay
nawalan ng alaala habang pauwi ng kanilang probinsya. Palaisipan ito sa kanyang
pamilya. Hanggang sa isang matinding rebelasyon ang gumulantang sa mga taong
nakapaligid sa kanya. Sa pamamagitan ng flashback, nailahad na namasukang
katulong si Elena sa mayamang mag-asawa (Tonton Gutierrez at Dina Bonnevie).
Ang mag-asawang ito ay hirap magkaanak kahit pa OB Gyne ang karakter ni Dina
Bonnevie. Hanggang sa magkaroon ng relasyon si Elena sa kanyang among lalaki.
Nagbunga ito ng sanggol. Noong una ay hindi pa alam ito ng doktora. Nang
matuklasan niya ang katotohanan, isang kagimbal gimbal na pangyayari ang
naganap. Na-involve ang pinsan ni Elena (ginampanan ni Cherry Pie Picache) na
namamasukan ding katulong sa parehas sa subdivision kung saan sila ay
nagtratrabaho.
Mahusay
ang execution ng direktor sa pelikula. Hindi ito naging basta ordinaryong crime
investigative story. Nabigyan ng ibang treatment ang amnesia sa pelikula. Imbes
na ito ay cliche sa mga drama ay nagdagdag ito ng misteryo naidagdag pa ang
feminismo sa pelikula ng hindi mamamalayan.
Naging
kontrobersyal ang pelikula sa tema ng pakikiapid ng katulong sa kanyang amo.
Nabigyan ito ng X rating ng MTRCB na ikinagulat at labis na ikinadismaya ng
producers.
Ang
ilan sa mga pelikula ni Carlos Siguon-Reyna ay naging official entry ng ating
bansa para ilaban sa Oscars for Best Foreign Language Film tulad ng Ikaw pa
lang ang Minahal, Inagaw mo ang Lahat sa Akin at Abot Kamay ang Pangarap.
Si
Brillante Mendoza naman ay direktor sa dekada ng pag-usbong ng digital film
making o mas kilala na independent films. Nahanay siya sa mainstream
independent films ng dekada 2000 magpasahanggang ngayon.
Hindi
na bago sa industriya si Brillante. Dante ang tawag sa kanya ng mga malalapit
niyang kaibigan sa pelikula. Unang naipamalas ang kanyang talento sa pelikulang
Takaw Tukso (1987) ni William Pascual. Siya ang nagsilbing production designer
ng pelikula. Dito niya unang nakamit ang Gawad Urian.
Makalipas
ang ilang panahon, siya ay nalinya sa advertising industry at nag-direk ng mga TV commercials hanggang sa mapag-desisyunan
niyang mag-direk ng pelikula. Una niyang pelikula bilang direktor ang Masahista
(2005) na pinagbibidahan ng sikat na aktor ngayon na si Coco Martin.
Ang
pelikulang Foster Child (2007) ay ibinase sa dokyumentaryo ni Kara David. Ito
ang kauna-unahang pelikulang inilaban ni Brillante Mendoza sa Cannes Film
Festival. Tungkol ito kay Thelma (Cherry Pie Picache) na na-assign mag-alaga
kay John John (Kier Segundo). Si Thelma ang nagsisilbing foster mother ng bata
lalo pa't mahina ito at may sakit ng una itong makita. Katuwang naman niya ang
kanyang asawa (Dan Alvaro) at mga anak (Jiro Manio at Alwyn Uytingco) alagaan
ang bata. Si Eugene Domingo naman ang social worker na madalas bumisita kanila
Thelma upang tingnan ang kalagayan ng bata.
Mahusay
ang pag-didirek ni Mendoza sa pelikula. Heartbreaking ang pelikulang ito
sapagkat ipinakita sa pelikula ang pag-aaruga at pagmamahal ng isang ina kahit
na hindi niya pa kadugo. Ang nakakadurog ng pusong eksena sa pelikula ay nang
magkaroon ng emotional attachment si Thelma sa kanyang inaalagaang foster child
lalo na ang eksena na ibibigay na si John John sa talagang aampon sa kanyang
foreigner. Sa isang eksena, halos hindi na siya kilala ng dati niyang inalagaan.
Sa aspetong teknikal, dahil ito ay indie movie. May eksena habang naglalakad
ang social worker sa eskinita ay nahagip ng camera ang anino ng cameraman. Sa
akting, nangingibabaw ang galing ng bidang si Cherry Pie Picache. Magaling din
ang mga kasama niyang aktor.
Sa
pelikula naman na Lola (2009), inilahad ang kwento ng dalawang lola na gagawin
ang lahat matapos na masangkot sa krimen ang kanilang apo - ang isa ay biktima
ng pamamaslang at ang isa ay akusado sa pagpatay. Si Lola Sepa (Anita Linda)
ang lola ng biktimang si Arnold Quimpo na naghahanap ng hustisya sa malagim na
kamatayan ng apo. Siya rin ang naghahanda sa pagpapalibing ng apo sa tulong ng
kanyang anak (Tanya Gomez). Samantala, si Lola Puring (Rustica Carpio) naman ay
tindera ng gulay sa palengke at ang apo niyang si Matteo Burgos (Ketchup
Eusebio) ang inakusahang pumatay kay Arnold. Kasama niyang nagtitinda ng gulay
sa palengke ang isa pa niyang apo (ginampanan ito ni Jhong Hilario). Parehas
ang dalawang lola na gumawa ng paraan tulad ng pangungutang, pagsangla at
pagbenta ng gamit, panghingi ng abuloy at tulong sa ibang kamag anak, kaibigan,
kakilala pati politiko. Ginawa ito ni lola Sepa upang mabigyan ng maayos na
burol si Arnold samantalang si Lola Puring naman ay ginawa din ang lahat upang
mapalaya si Matteo. Sa huli, mas minabuti ng dalawang panig na magkasundo
na-iayos ang kaso sa labas ng korte.
Karapat-dapat
ang pantay na pagkawagi nila Anita Linda at Rustica Carpio sa Gawad Urian
bilang Pinakamahusay na Pangunahing Aktres. Sa pelikulang ito ay hindi
binalewala na kahit may edad na ang dalawang aktres ay ipinamalas nila ang
husay sa pag arte. Parehas nilang nabigyan ng hustisya ang tauhan na kanilang
ginagampanan. Mahusay din ang paglalahad ni Mendoza sa pelikula. Nabigyan ng
pantay na exposure ang artista at maayos din ang bawat perspektibo ng dalawang
pangunahing tauhan.
Saludo
ako sa tatlong direktor na nagbigay kulay sa pelikulang Pilipino sa tatlong
henerasyon. May kanya kanya silang teknik, estratehiya at istilo na nagbigay
kilala sa kanila. Mabuhay ang tatlong direktor na ito! Mabuhay ang pelikulang
Pilipino!
Subscribe to:
Posts (Atom)