Friday, January 25, 2019

ARIA



Napakahusay at napakaganda ng pelikulang "ARIA" ni Carlo E. Catu.

Isa ito sa mga period drama na napakagaling sa teknikal na aspeto mula sa mga shots at framing pati kulay.

Maganda rin ang pagkakalikha sa mga babaeng karakter tulad nila Pining (Liya Sarmiento), Delia (Pearl Lagman), Kumander Liwayway (Cindy Lapid) at Kapitana (Samanta Anne Bicu). Mahusay ding nagampanan ang mga karakter. 

Tulad sa naunang pelikula ni Carlo Catu na "Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon" at "Mga Anak ng Kamote", feminismo ang tema ng pelikula.

Mahusay na ipinakita sa pelikula ang pamumuno ng kababaihan sa gitna ng digmaan.

Sana mas hinabaan ang bahagi kung saan nahihirapang kumuha ng pensyon si Pining.

Paborito ko ang "Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon". Nahuhusayan naman ako kay Katrina Halili sa "Mga Anak ng Kamote". Magkahalo ang emosyon ko habang pinapanood ang "Aria" dahil hindi lamang bahagi ng kasaysayan ang inilahad ng pelikula pati na rin ang kontribusyon at ang pagiging malakas ng mga babae sa panahon ng karimlan.

Patunay ito na si Carlo E. Catu ay isa sa pinakamahusay na direktor ng ating henerasyon.

No comments:

Post a Comment