Friday, January 25, 2019

BORN BEAUTIFUL




Nakakamiss pa din si Christian Bables bilang Barbs. Best choice na replacement si Martin Del Rosario.


Ilang beses na rin gumanap ng gay at transgender roles sa TV si Martin. Notable na naging Kevin Balot siya sa MMK. Dito sa BORN BEAUTIFUL, magaling ang pagkakaganap niya bilang Barbs. Scene stealer si Chai Fonacier as prostitute na nabuntis ni Barbs during the time na nag-undergo ng gay conversion/reparative therapy ang bida.

Ang interesting part sa pelikula ay ang gay conversion/reparative therapy kasi meron talaga niyan dito sa Pinas. Disturbing ang part na kahit na sa therapy na siya ay may nagaganap pa ring pangmomolestiya at sexual harassment. May mga narinig na akong kwento tungkol sa ganyan. Kaya matapang ang pelikula na talakayin ito.

Isa pa sa naging interesting sa akin ay ang short but important role ni Elora EspaƱo. She reminds me of Maureen Mauricio in Sibak: Midnight Dancers. Nakakaloka iyong eksena na "hindi naman ako madamot". Nakakatuwa din ang cameo ni Paolo Ballesteros lalo na ang Mama Mary scene. Kahit ang mala-Ma Rosa reference sa eksena habang nagkwento si Michael Angelo (Akihiro Blanco).

Nalulungkot lang ako dahil nahulog si Barbs sa dalawang lalaking may asawa. Multiple messages o maraming gustong sabihin ang pelikulang ito. Ang sabi ay condensed version ito ng first five episodes of Born Beautiful TV series. Ang ending parang sa European cinema mo lang mapapanood. Over-all, okay naman ang pelikula.

No comments:

Post a Comment