Akala ko remake ito ng Mary Poppins (1964) ni Julie Andrews. Hindi pala. Sequel pala ito. Mahilig ako sa musical pero hindi ko gusto ang Mary Poppins ni Julie Andrews. I prefer The Sound of Music than Mary Poppins. Kung napanood mo ang Nanny McPhee, magkahawig sila ng kwento ng Mary Poppins tanggalin mo lang ang musical.
Gusto ko ang Nanny McPhee dahil kay Emma Thompson. Kaya laging gulat ko na nag-enjoy ako sa Mary Poppins Returns kasi iyong mga kids na inalagaan ni Mary Poppins ay lumaki na at humaharap sa realidad ng buhay. Ang mga anak naman nila ngayon ang gustong alagaan ni Mary Poppins.
Siyempre hindi pa rin nawawala ang makulay na imahinasyon at mahika sa tulong ni Mary. Perfect na si Emily Blunt ang naging choice as Mary Poppins. Mahusay niyang nagampanan ang role. Si Rob Marshall ang direktor nitong pelikula kaya naman marami akong naiisip habang pinapanood ko ang pelikula. Naalala ko na ginawa niyang musicals noon tulad ng Chicago (2002) at Into The Woods (2014) dahil may mga eksena na biglang maiisip mo na ay parang Chicago, Into The Woods... Tapos naman ang setting/location, parang Sweeney Todd at My Fair Lady.
Nakakatuwa ang cameo ni Meryl Streep na ruma-Russian accent habang kumakanta. Sumabit-sabit, nag-breakdance at sumayaw si lola (pero siyempre double lang iyong sumabit at nag-breakdance). Queen-of-all-accent meets Mamma Mia! pala. Mas gusto ko sina Emily Blunt at Meryl Streep dito sa Mary Poppins Returns kesa Into the Woods.
Magaling din sina Ben Whishaw at Emily Mortimer dito. Gwapo ni Ben Whishaw dito. Patunay na kahit gay actor siya ay kaya niyang gumanap ng straight roles. Okay naman din si Lin Manuel-Miranda dahil napantayan niya si Dick Van Dyke noon. Over-all basta natuwa, nagandahan, nag-enjoy at na-cutean ako sa Mary Poppins Returns.
No comments:
Post a Comment