Monday, June 24, 2019

INTERVIEW PARA SA TESIS UKOL SA PAGSUSURI NG REPRESENTASYON NG MGA SINGLE MOTHER SA PELIKULANG PILIPINO




Nais kong ibahagi ang interview kung saan ako inimbitahan upang suriin ang representasyon ng single mother sa pelikulang Pilipino:

1. Tanong ng interviewer: Sa mga pelikula ni Ai-Ai delas Alas na Ang tanging ina (2003), Ang cute ng ina mo (2007), Pasukob (2007), Ang tanging ina niyong lahat (2008), Ang tanging ina mo: Last na ‘to! (2010), Enteng ng ina mo (2011), Sisterakas (2012); at Bes and the beshies (2017), na may karakter na single mother, ano po ang masasabi ninyo sa pagrerepresenta sa mga single mother? 

Sagot: Sa mga nabanggit na pelikula lalo na sa Ang Tanging Ina movie series na kalaunan ay nagkaroon din ng TV series, ipinakita ng karakter ni Ai-Ai Delas Alas na kahit pa siya ay single mother dahil namatay ang mga naging asawa niya ay handa siyang magsakripisyo at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Ang kanyang karakter na si Ina ay pinasok ang iba't ibang trabaho at ginawa ang lahat upang buhayin ang mga anak niya. Dumating sa punto na pati pulitika ay pinasok na ni Ina hanggang sa isuko niya ito para lamang sa pamilya. Matapang, palaban at determinado sa buhay ang ginampanang papel ni Ai-Ai Delas Alas. 

2. Tanong ng interviewer: Ano ang kadalasang pattern sa mga katangian at karanasan o estereotipo ng mga ina na ipinapakita sa mga pelikulang Pilipino? 






Sagot: Sa mga pelikulang tulad ng Separada (1994), Minsan Lamang Magmamahal (1997) at Abandonada (2000) na pinagbibidahan ni Maricel Soriano, Batang PX (1997) kasama si Zsa Zsa Padilla at Nang Iniwan Mo Ako (1997) ni Sharon Cuneta, madalas ay iniiwan o ipinagpapalit sa ibang babae o hiwalay sa kanilang asawa ang dahilan ng mga pangunahing tauhan na babae sa kanilang pagiging single mother. Dito pumapasok ang motivation ng character na kailangan niyang buhayin ang kanyang anak na mag-isa. Kailangan din nilang patunayan na kaya nilang alagaan ang kanilang sarili upang patunayan sa mga asawang sila'y iniwan na kaya nilang mabuhay mag-isa kahit walang karamay sa buhay.

3. Tanong ng Interviewer: Sa tingin po ba ninyo ay makatarungan ang ganitong representasyon sa mga ina o single mother sa mga pelikulang ito? Ano ang mga positibo at negatibong representasyon nito? 






Sagot: Para sa akin, makatarungan at positibo naman ang depiction ng mga kababaihan o mga babaeng pangunahing tauhan sa mga pelikulang nabanggit. Sa mga pelikulang ito mas dama ang feminismo. Mas nakikita na hindi lamang gawaing bahay ang kaya ng kababaihan kaya rin niyang magtrabaho para sa sarili at kanyang anak. Hindi rin siya umaasa kung tutulungan pa siya ng kanyang asawa o nobyo niya. Nagiging independent at empowered siya dahil sa kanyang sitwasyon. Sa kabilang banda, sa palagay ko, ang negatibong representasyon sa mga pelikulang ito ay ang kahinaan ng mga lalaki sa temptasyon o di kaya'y hindi na bukas ang puso ng babae sa mga eksternal at internal na dahilan ng mga asawa nila sa pelikula. 

4. Tanong ng interviewer: Ano po kaya ang mga posibleng dahilan ng pagpapakita ng ganitong imahen ng mga ina sa mga pelikula?

Sagot: Sa aking palagay, ibinabase ng mga manunulat ng mga pelikulang ito ang karanasan ng kanilang mga malalapit sa buhay tulad ng mga kaibigan o kakikilala. Kaya dito sila humuhugot ng inspirasyon upang isulat ang mga ganitong kwento. Maaaring may pagkakahalintulad ang mga ina sa Pilipinas na ating napapanood sa pelikulang Pilipino at sa ibang bansa. Iisa lang ang nagpapatunay dito sa pagiging ina mapa-single mother man o hindi... Ang isang ina ay isang babae. 

5. Tanong ng interviewer: Paano po kaya mas mapapaunlad ang pagrerepresenta sa mga ina o mga single mother sa pelikula?

Sagot: Sa mga nakalipas na panahon sa pelikulang Pilipino, iba-iba na rin ang depiction ng pagiging isang ina. Kung dati-rati madalas ay martir o di kaya'y mapagmahal o babae lamang ang isang ina, ngayon naman ay may mga depiction ng isang ina na taliwas sa nakaugalian. Kamakailan lamang sa Cinema One Originals, itinampok ang pelikulang "Mamu; and a Mother too". Ipinakita sa pelikulang ito ang isang transgender woman na nagsilbing ina ng kanyang pamangkin na walang magulang. Sa katatapos lamang na Sinag Maynila, si Marie (Angela Cortez) sa pelikulang "Jino To Mari (Gino and Marie) ay isang single mother ay pinasok ang isang trabaho na niyurakan ang kanyang dangal dahil sa pagmamahal sa kanyang anak. Sa aking palagay, hindi lamang nasusukat sa kasarian ang pagiging isang ina. Ito ay nagiging mas matibay kung nagagampanan ba nang isang ina ang kanyang responsibilidad at kaya niya bang harapin ang hamon ng buhay kung siya ba ay nasa iba't ibang sitwasyon o circumstances ng buhay. Idagdag pa kung mas nagkaroon din siya ng pagpapahalaga sa kanyang sarili bago magmahal ng iba. Iyon, sa aking tingin, ang dapat isaalang-alang upang mapaunlad ang pagrerepresenta ng isang single mother o ina sa pelikulang Pilipino.

Wednesday, June 19, 2019

ROCKETMAN (2019)



Better than "Bohemian Rhapsody" to the nth level. If you're a fan of Elton John, this is a must see movie. For Your Consideration Oscar Taron Egerton for Best Actor. Napakahusay at impressive ang performance ni Taron Egerton. Triple threat. Kumanta using his own vocals, sumayaw at umarte. Inaral ang kilos, galaw, mannerisms, gestures even ang boses ni Elton John kaya nag-pay off ang spectacular performance. Makakatuwa ang mga song and dance numbers at magaling ang choreography. Kaya enjoy ang musical part at mapapa-sing along ka talaga. Saka sa part na nag-iimagine si Elton na fantasy ay nakakamangha.

Sa personal life ni Elton, it hits home. Relatable ang neglect/abandonment sa parents ni Elton lalo noong naging broken family sila kaya dama mo ang longing niya sa pagmamahal simula bata pa lang. Magaling ang chemistry nila Taron Egerton at Jamie Bell as Reggie and Bernie na bumu-bromance. Ang nakakatuwa kahit hindi naging sila dahil Bernie treats Reggie as his brother ay nakita mo ang respeto nila sa isa’t isa. Surprising din sina Bryce Dallas Howard as Elton/Reggie's apathetic mother at si Richard Madden as the charming but later on ay scheming boyfriend ni Elton. Over-all, enjoy panoorin ang pelikula.

Hindi ko maiwasan ikumpara ito sa Bohemian Rhapsody. Malayong malayo ang husay ni Taron Egerton kay Rami Malek na gumamit ng false teeth at lipsync. I love Freddie Mercury lalo na sa voice dynamics pero I find insulting ang performance ni Rami kay Freddie lalo sa depiction ni Freddie. Alam naman natin na may diva factor ang mga katulad nila Elton at Freddie pero mas nabigyan ng balance ito sa Rocketman. Maganda na pinakita ang childhood ni Elton up to sa growing up years kasi mas naintindihan ko ang struggle niya.

Mas lalo kong nirespeto si Elton John dahil sa pelikulang "Rocketman". 


BODY CRASHES by Rhian Ramos

Rhian Ramos is one of the most sought-after actresses of Philippine TV and cinema. Her recent film “Kung Paano Siya Nawala” added to her filmography where she proved her versatility. In “Kung Paano Siya Nawala”, she plays Shana, the love interest of a man suffering from face blindness. Some of her other memorable movie and TV performances include Sally in “Saving Sally” (2016), femme fatale Valerie in “Silong” (2015), and Althea in “The Rich Man’s Daughter” (2015).

But aside from her acting, Rhian is also a multi-talented artist. She has recently ventured out to the music scene, leaving a cool and sexy persona for the rebirth of OPM. 

Last year, she launched her song “Napagod”, featuring Brisom, which showcases her laidback vocals in an alternative rock style. The song has an '80s new wave touch and the lyrics openly tells a relatable 'hugot' story. In February this year, the music video of the song was released. It definitely felt like a throwback video with its '80s filled vibes. 

Last June 13, Rhian delightfully surprises the audience and her fans at 12 Monkey’s Music Hall and Pub as she launched the music video of her latest single ‘Body Crashes”. The video gave us a western sense because of the kissing scenes, which added to the sexy appeal of the song. The video also referenced movies such as Lost in Translation’s karaoke scene and intimate moments in Kung Paano Siya Nawala.





Sunday, June 2, 2019

FREEDOM WRITERS (2007)



Nagagandahan ako sa pelikulang ito. May moments na naiyak pa ako.

After "Dangerous Minds" (1994) starring Michelle Pfeiffer, "Music of the Heart" (1999) starring Meryl Streep at Coach Carter (2005) starring Samuel L. Jackson, ito yung pelikulang tungkol sa teacher na naging instrument para mabago ang buhay ng kanyang mga estudyante na may iba't ibang nationality, background at trials sa buhay.

Talagang hindi maiiwasan na ma-attach ang mga estudyante sa teacher at sa section nila kasi unconventional teacher si Erin (portrayed by Hilary Swank). Kung sa "Music of the Heart" ay musika ang ginamit para mabago ang buhay nila at sa Dead Poets Society (1989) ay poetry ang naging inspirasyon, dito naman sa "Freedom Writers" ang freestyle writing naman ang naging daan para ipahayag nila ang saloobin sa iba ibang sitwasyon ng estudyante. Nakakalungkot lang ang nangyari sa marriage ni Erin dahil na rin siguro sa wala na rin siyang oras sa asawa niya.

After You're Not You (2014), ito ang pelikula ni Hilary Swank na inspiring at heartwarming. Kakatuwa si Imelda Staunton dito parang showdown nila ni Hilary Swank after parehas silang nominee ng Oscar Best Actress na ang nanalo ay si Hilary Swank for Million Dollar Baby (2004).

THE HUNT (2012)



Nabanggit ni direk Erik Matti ang pelikulang "The Hunt" (2012) sa isang horror film forum ng Cinema One Originals few years ago. Ang description niya pa dito sa pelikula ay "hindi horror pero nakakatakot if mangyari sa'yo". Naniniwala na ako sa kanya ng mapanood ko ito.

Noong 30's, si Lillian Hellman ay gumawa ng stage play entitled "The Children's Hour" kung saan nagkaroon ng film adaptation noong 30's at mas kilala ang 1961 film adaptation na sina Shirley MacLaine at Audrey Hepburn ang bida. Tungkol ito sa spoiled brat na babaeng estudyante na nagsinungaling to get even sa kanyang mga school headmistresses. Kumbaga malaki ang nagawa ng isang problem child na merong issues at home.

Ang pelikulang "The Hunt" ay hindi din nalalayo dito dahil naging biktima ng kasinungalingan ng isang batang babae si Lucas (Mads Mikkelsen). Napakahusay ni Mads Mikkelsen sa pelikula. Deserving na manalong Cannes Film Festival Best Actor si Mikkelsen. Gustong gusto ko ang eksena sa simbahan kung saan nagkaroon sila ng komprontasyon ang ama ng bata na bestfriend nya din.

Ang Brazil din ay nagkaroon ng sarili nilang version ng "The Hunt" na napanood ko noong nakaraang taon. Ang pamagat naman ng pelikula ay "Liquid Truth" (2017). Ang kaibahan sa mga pelikula ay kung paano kumalat ang kasinungalingan sa pagtsismis. Sa "Liquid Truth" ay mas mabigat dahil kumalat ang tsismis sa social media.

QUEZON'S GAME




Isa sa pinakamahalagang pelikula ng taon ang QUEZON'S GAME. Importanteng mapanood ang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na maaaring ngayon ay limot na ng ating henerasyon. Napakahusay ng pagganap ni Raymond Bagatsing bilang Manuel Quezon. So far, ito ang kanyang best performance matapos ang pagganap niya bilang Nick Joaquin sa "Dahling Nick". Hinangaan ko ang karakter ni Quezon lalo na sa kanyang leadership. Hindi man siya perpekto pero nanindigan siya na gawin ang tama na patuluyin sa ating bansa ang mga Hudyo para maligtas kay Hitler. Kitang kita sa pelikula ang mabusising pananaliksik kaya nag-pay off ito sa script. Magaling din ang direksyon at sinematograpiya. So far, ito ang paborito kong pelikula ng taon.

Hanga din ako sa istilo ng pelikula. Sa title card pa lang ay ibinase na ito sa mga 30's o 40's movies. May mga shots sa ilang eksena na maaaring kinuhang basehan ang pelikulang "The Conformist" ni Bernardo Bertolucci at ang mga classic na 30's at 40's movies.

Maaari ring maihalintulad kay Oskar Schindler ng Schindler's List ang ginawang desisyon ni Manuel Quezon.

Kung sa "Ang Larawan", si Rachel Alejandro ay gumanap na Paula. Isa sa magkapatid na babaeng napag-iwanan na ng panahon dahil ikinubli nila ang kanilang sarili sa mga pagbabago ngunit sa huli ay napalaya ang sarili. Dito naman sa Quezon's Game ay malaki ang naging papel niya bilang asawa ni Quezon. Isa rin siya sa nagbigay ideya o mungkahi sa kanyang asawa. Mahusay din si Billy Ray Gallion bilang Alex Frieder na siyang nagmalasakit sa mga kababayan niyang Hudyo.

Tunay na maipagmamalaki ang "Quezon's Game". It's a must see.