Another found story
based sa isang crime na kinasangkutan ng mga trending na cute twink boys na
sina Christian Lloyd at Matthew Ivan noong 2016 na nakapatay ng barangay
Captain.
Sa pelikulang ito,
imbes na kapitan ay mayor ang napatay.
Sa eksenang nag
expressway sila, naalala ko ang pelikulang “Kinatay” ni Brillante Mendoza dahil
sa mga shots. Sa pagpunta nila sa isang resort, naalala ko naman ang pelikulang
“Jino to Mari” lalo sa pagsalubong ni Ruby Ruiz. Si Ruby Ruiz ay parehas mapapanood
sa “Fuccbois” at “Jino To Mari”
Sa aking opinyon,
nakakatuwa na pinakita ang mga eksena sa male beauty pageant hindi dahil enticing
ang mga pakita ng abs nila ng mga pangunahing actor sa screen kasi ngayon lang
ako nakapanood na male contest o pageant na bahagi ng kwento sa pelikula pero
sana pinalawak ang part na iyon ng istorya sa pelikula.
Sana din may backstory
paano nakilala si Brithanygaile o si "come to mommy" bago nangyari
ang shocking events.
Hanga ako sa tapang
nila Royce Cabrera at Kokoy De Santos lalo't hubo't hubad sila sa mga eksenang
hindi biro gawin. At sympre, for Best Supporting Actor win talaga si Ricky
Davao dito na medyo naalala ko ang character ni Gabby Eigenmann sa pelikulang
"Swipe" sa pagiging foot fetish nya.
Ang final scene nitong
Fuccbois reminded me sa last scene ng pelikulang "Sibak: Midnight Dancer"
(1994). Over-all, okay naman ang pelikula. Ka-bitin lang talaga at nakukulangan
ako.
P. S. Nanood si Jak Roberto sa screening nito kagabi sa Trinoma. Sina Jak Roberto at Lucho Ayala ang gumanap ss reenactment ng Christian Lloyd at Matthew Ivan incident sa Imbestigador noong 2017.
P. S. Nanood si Jak Roberto sa screening nito kagabi sa Trinoma. Sina Jak Roberto at Lucho Ayala ang gumanap ss reenactment ng Christian Lloyd at Matthew Ivan incident sa Imbestigador noong 2017.
No comments:
Post a Comment