Sunday, August 18, 2019

PARASITE (2019)





"Get out of my house! I don't need a parasite!" - Melissa (Maricel Soriano) in Separada. Charot! 


Shocking itong PARASITE. Ang pansin ko sa dalawang magkasunod na Palme D'Or Cannes Film Festival. SHOPLIFTERS ang nanalo last year tapos this year ay “Parasite”. Parehas na ang Parasite at Shoplifters ay tumatalakay sa isyu kung paano makaka-survive ang pamilya sa pang-araw araw na buhay. At parehas din na tinalakay sa pelikula ang mga sosyopulitikal at sosyoekonomikong isyu. Isa pang mapapansin sa dalawang pelikula ay na-push to the limits at hindi kumbensyunal na paraan ang ginawa ng dalawang pamilya. Hindi poverty porn type ang pelikula. AT NAKAKAGULAT ANG TWIST ng parehong pelikula. PERO to the nth intense level itong PARASITE. Gripping at parang spellbinding novel ang pelikula. Napakagaling ng screenplay, well-acted at superb ang direction. Napakaganda ng pelikula. 

Isang mahusay na halimbawa ng pelikulang gumamit ng "plant and pay-off device" ang PARASITE tulad na lang sa eksena kung saan ang binigay ng kaibigan ni Kevin na rock display ay sa kalaunan ay gagamitin ni Kevin upang makapaghiganti sa mag-asawang sisirain ang plano ng isang pamilya nais lamang makaahon sa kahirapan. Subalit, ito rin ang ikakapahamak niya. 

Ang basement na sa una'y pinagtataguan ng dating caretaker at katulong sa bahay pati ng kanyang asawa. Sa kalaunan din ay pagtataguan ng ama ni Kevin.

Maganda rin na pinakita sa pelikula ang tunay na kalagayan ng ibang Koreano. Madalas mapanood natin sa K-Drama na marangya ang kanilang buhay at maayos ang sistema ng kanilang pamumuhay sa bansa. Meron din palang naghihikaos.

Paborito kong eksena ay ang pagtakas ng mag-aama sa bahay ng mga Park kung saan naabutan sila ng malakas na ulan o bagyo at bumaha sa lugar nila. Dito nakita ang realidad ng buhay ng ibang Koreano at patunay na dapat humarap sa consequences ang pamilyang nagkunwari upang matikman panandalian ang karangyaan.

Sa eksena ding iyan, para siyang eksena sa pelikulang "Buy Bust" kung saan umuulan at tatakas na sina Nina Manicad at iba niyang kasama.

Saturday, August 17, 2019

CHILDREN OF THE RIVER




Mahilig ang pelikulang Pilipino gumawa ng sariling bersyon ng mga sikat na pelikula tulad ng "Kasalanan Bang Sambahin Ka?" na ating bersyon ng "Fatal Attraction” at "Moments of Love" na pinaghalong bersyon ng "The Lake House" at "Somewhere in Time".

Noel Comia, Jr. as Elias/Elia = Elio and Juancho Trivino as Ted = Oliver in somewhat a Filipino version of the phenomenal "Call Me by Your Name". Okay naman ang pelikula. 

Sana tumutok na lang sa coming-of-age and identity crisis issue kasi sa aking opinyon disengaged ako sa pag-insert ng subplot sa mga kaibigan ni Elias. May mga eksenang natuwa ako tulad sa pag-encourage ni Pepsy kay Elias at pagtanggap din ng tatay na sundalo (played by Jay Manalo) kay Elias pero may mga dialogues na hindi sincere o genuine ang ibang characters sa pagtanggap sa pagkatao ni Elias at ang mga malabong dialogues tulad sa paano nalaman ng tao ang pagkatao ni Elias? Maski ang tahasang pagsabi ni Elias kay Ted ng linyang, “Salamat. Kung hindi dahil sa iyo, di ko makikilala at matatanggap kung sino ko.” Samantalang, hindi pinakita sa pelikula na umamin harapan si Elias kay Ted.


May mga pelikulang hindi masyadong nilalahad ang pagkatao ng isang tauhan sa pelikula pero mararamdamang alam ito ng mga katuwang na karakter. Sa aking palagay, maaaring ganyan sana ang ginawa sa pelikula. Isang magandang halimbawa ang aking paboritong coming-of-age film na “The Love of Siam” na sana ay napanood din ng filmmaker para maging gabay niya.


Talagang hanga naman ako sa husay ng batang aktor at singer si Noel Comia, Jr. Pero, hindi ko talaga maiwasang matawa sa pagtatangka ng pelikulang gayahin ang “Call Me by Your Name”.

Napansin ko din sa pelikula na halatang set-up ang lighting sa bench scene nila Elias at Ted. Nagmukha tuloy itong head light.

Thursday, August 15, 2019

F#*@BOIS



Another found story based sa isang crime na kinasangkutan ng mga trending na cute twink boys na sina Christian Lloyd at Matthew Ivan noong 2016 na nakapatay ng barangay Captain. 

Sa pelikulang ito, imbes na kapitan ay mayor ang napatay. 

Sa eksenang nag expressway sila, naalala ko ang pelikulang “Kinatay” ni Brillante Mendoza dahil sa mga shots. Sa pagpunta nila sa isang resort, naalala ko naman ang pelikulang “Jino to Mari” lalo sa pagsalubong ni Ruby Ruiz. Si Ruby Ruiz ay parehas mapapanood sa “Fuccbois” at “Jino To Mari” 

Sa aking opinyon, nakakatuwa na pinakita ang mga eksena sa male beauty pageant hindi dahil enticing ang mga pakita ng abs nila ng mga pangunahing actor sa screen kasi ngayon lang ako nakapanood na male contest o pageant na bahagi ng kwento sa pelikula pero sana pinalawak ang part na iyon ng istorya sa pelikula. 

Sana din may backstory paano nakilala si Brithanygaile o si "come to mommy" bago nangyari ang shocking events. 

Hanga ako sa tapang nila Royce Cabrera at Kokoy De Santos lalo't hubo't hubad sila sa mga eksenang hindi biro gawin. At sympre, for Best Supporting Actor win talaga si Ricky Davao dito na medyo naalala ko ang character ni Gabby Eigenmann sa pelikulang "Swipe" sa pagiging foot fetish nya. 

Ang final scene nitong Fuccbois reminded me sa last scene ng pelikulang "Sibak: Midnight Dancer" (1994). Over-all, okay naman ang pelikula. Ka-bitin lang talaga at nakukulangan ako.

P. S. Nanood si Jak Roberto sa screening nito kagabi sa Trinoma. Sina Jak Roberto at Lucho Ayala ang gumanap ss reenactment ng Christian Lloyd at Matthew Ivan incident sa Imbestigador noong 2017.  


JOHN DENVER TRENDING



"LIKE AND SHARE PARA MAKARATING KAY TATAY DIGONG"

"Bakit mahirap lang ba ang pwedeng magnakaw ng iPad?"

Maaring cliche na ang mga sumusunod na salita: compelling, gripping and haunting. Yan ang mga naiisip kong salita habang pinapanood ang "John Denver Trending".

Ito ay kwento ng isang ordinaryong batang nagbago ang buhay matapos maging viral ang video ng kanyang pananakit sa kaklaseng nambintang sa kanya ng pagnanakaw ng iPad. 

Napakahusay ng batang si Jansen Magpusao bilang John Denver at ni Meryll Soriano na gumanap na kanyang inang si Marites.

Dama ko sa pelikula ang paranoia pati ang trauma ni John Denver na dulot ng pag-iba ng trato sa kanya ng mga taong nakapanood ng video lalo na ang trato sa kanya kung paano na ang mga nasa katungkulan ang dapat sana ay tumulong sa kanya. Maganda rin na naipakita sa pelikulang ito ang mga kaganapan sa eskwelahan na hindi nalalaman ng magulang tulad ng bullying.

Isa na rin sa hindi malilimutang nanay ng pelikulang Pilipino si Marites. Handa niyang ipagtanggol ang kanyang anak sa mga taong hindi sila pinaniniwalaan. Marahil ang role na ito ay maaring nabigay kay Maricel Soriano noong prime years niya kaya naman sa pagtanggap ni Meryll Soriano ay talaga naming bumagay sa kanya.

Napakagaling ng direksyon at screenplay ni direk Arden Rod Condez maski ang sinematograpiya, musika at iba pang aspeto ng pelikulang ito.

Kung sa Denmark ay merong “The Hunt” at sa Brazil ay merong “Liquid Truth”, kung saan parehas sa pelikulang ito ay tinalakay ang maling pag-aakusa sa dalawang lalaking may makulay na nakaraan. Sa “Liquid Truth” at “John Denver Trending”, parehas naman na pinakita ang disadvantage ng social media lalo sa one-sided na paggamit ng viral na video. Ang dalawang pangunahing tauhan sa “Liquid Truth” at “John Denver Trending” ay parehas na nagdusa sa panghuhusga ng mga taong nakapaligid sa kanya na walang konkretong basehan.

Sunday, August 11, 2019

MIDSOMMAR (2019)




Hindi ako mahilig sa horror pero nagandahan ako dito sa Midsommar. I find it creepy at disturbing. Ang maganda sa pelikula ay depicted ang isang toxic romantic relationship ng isang babaeng may anxiety issues na saktong may pinagdadaanang matinding pagsubok at isang boyfriend na napipilitan na lang sa relasyon.

Sakto, may pa-fiesta 'yong isang barkada sa Sweden. Meron din thesis barkada kaya kinuha nila ang opportunity para may topic o case study na din. Vulnerable pa naman si Dani (Florence Pugh) dahil nagrerecover pa sa suicide ng kanyang kapatid na nadamay pati ang magulang nila. Kaya sumama na din siya to divert her attention.

Ang isang nakakaenganyo na lugar ay unti-unting naging bizarre/weird dahil kulto at occult pala ang festival kuno na ito.

May style sa film na ala-Kubrick meets Noe ang mga shots at cinematography sa pelikula. Ang hinangaan ko dito ay si Florence Pugh. Mahusay niyang nagampanan ang isang napakahirap na role na isang babaeng may anxiety at co-dependency issues.

Hanga din ako sa hindi paggamit ng music sa mga parts na intriguing at nagdeal sa grief ni Dani pati ang production design.

Hindi para sa lahat ang pelikulang ito lalo't slow paced baka katulugan. May mga naglabasan sa sinehan kalagitnaan ng movie sakto naihi ako kaya nalaman ko ang dahilan. Boring daw kasi ang film.

Lesson sa movie: mag-research muna regarding sa festival at lugar baka matulad sa mga tauhan ng pelikula.