Sunday, June 2, 2019

QUEZON'S GAME




Isa sa pinakamahalagang pelikula ng taon ang QUEZON'S GAME. Importanteng mapanood ang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na maaaring ngayon ay limot na ng ating henerasyon. Napakahusay ng pagganap ni Raymond Bagatsing bilang Manuel Quezon. So far, ito ang kanyang best performance matapos ang pagganap niya bilang Nick Joaquin sa "Dahling Nick". Hinangaan ko ang karakter ni Quezon lalo na sa kanyang leadership. Hindi man siya perpekto pero nanindigan siya na gawin ang tama na patuluyin sa ating bansa ang mga Hudyo para maligtas kay Hitler. Kitang kita sa pelikula ang mabusising pananaliksik kaya nag-pay off ito sa script. Magaling din ang direksyon at sinematograpiya. So far, ito ang paborito kong pelikula ng taon.

Hanga din ako sa istilo ng pelikula. Sa title card pa lang ay ibinase na ito sa mga 30's o 40's movies. May mga shots sa ilang eksena na maaaring kinuhang basehan ang pelikulang "The Conformist" ni Bernardo Bertolucci at ang mga classic na 30's at 40's movies.

Maaari ring maihalintulad kay Oskar Schindler ng Schindler's List ang ginawang desisyon ni Manuel Quezon.

Kung sa "Ang Larawan", si Rachel Alejandro ay gumanap na Paula. Isa sa magkapatid na babaeng napag-iwanan na ng panahon dahil ikinubli nila ang kanilang sarili sa mga pagbabago ngunit sa huli ay napalaya ang sarili. Dito naman sa Quezon's Game ay malaki ang naging papel niya bilang asawa ni Quezon. Isa rin siya sa nagbigay ideya o mungkahi sa kanyang asawa. Mahusay din si Billy Ray Gallion bilang Alex Frieder na siyang nagmalasakit sa mga kababayan niyang Hudyo.

Tunay na maipagmamalaki ang "Quezon's Game". It's a must see.


Monday, April 15, 2019

BREAKTHROUGH (2019)



20th Century Fox/Fox 2000 Pictures presents... a faith-based film that used Uptown Funk by Bruno Mars as soundtrack...

More than that, grabe pinaiyak ako ng pelikulang ito pati kasama ko at ang mga nanonood sa sinehan. Surprisingly, si Stephen Curry pala Executive Producer nitong pelikula. Nice!

Sa pagiging tearjerker ng pelikula, this film reminded me of LORENZO'S OIL.

Hindi lang pang-holy week special pang-Mother's Day Special din.

Pinakita sa pelikula ang matinding pagmamahal at faith ng isang ina sa kanyang anak. Madami din diniscuss sa film like adoption, older generation disagreeing then adjusting sa modern way of preaching & worship songs na ginagamit ng mga pastors sa millenials at generation Z, pride, forgiveness, family and community.

Millenial at Generation Z talaga ang target ng pelikulang ito.

Grabe lang ang support na pinadama ng church sa film. Kung may ganyan lang na church, lahat siguro ng tao ay a-attend dahil hindi lang dinaan sa prayers kumbaga sinuportahan din ang family in times of crisis.

In this film, God proves once more that He is a healer.

Ang butas lang ay hindi pinakita ang struggle ng family sa financial matters. Siguro dahil ito ay based on a book.


Napakahusay ni Chrissy Metz as a loving mother. Pag moments niya di ko na mapigilan umiyak. Magaling din si Josh Lucas as tatay ni John. Kahit hindi masyadong hina-highlight sa pelikula ay pinakita niya ang tagong emosyon ng isang ama. Surprising si Topher Grace as pastor na tinulungan ang family sa gitna ng krisis. Isa ito sa pinakamagandang faith-based film na napanood ko. Nakakapanindig balahibo nung kinakanta ng mga tao sa labas ng ospital ang "OCEANS" ng Hillsong. Worth watching ang pelikulang ito.

AKIN ANG KORONA (2019)




After JAY (2008), ito ang pelikulang accurately depicted ang behind-the-scenes ng isang public affairs program sa TV network. 

Satirical comedy kumbaga. Deserving ang panalo ni Nar Cabico sa Best Actor for Sinag Maynila 2019. Napakahusay niya bilang Nanong, CS (case study) ng mala-Face to Face/Personalan na kalaunan ay magiging CS ng isang docu-reunion special. Lahat ay gagawin niya para makatulong sa kapatid at mahanap ang nawawalang ama. 

Magaling si Phi Palmos as supportive bestfriend ni Nanong. 

Pinaka-relate sa lahat kapag galing ka sa TV ang portrayal ng isang under pressured na researcher na si Dona Mae (ginampanan ni Kiray Celis). 

Magaling din si Aaron Rivera as Marky ang ruthless at determined na Segment Producer. 

Hongwopo naman ng gumanap na cameraman si Kirst Viray. (Wala pong assistant cameraman). 

Scene-stealing din si Angel Aquino bilang Ms. Hope, ang host na nawalan ng pasensiya noong hindi na mahanap ang tatay ni Nanong. 

Wickedly funny ang script at mahusay din ang direction. Para sa akin, ito ang pinakamahusay na pelikula ng Sinag Maynila 2019. Isa din ito sa paborito kong pelikulang Pilipino sa taong ito.

Sunday, April 7, 2019

JESUSA (2019)




The Greatest Love: Drug Addict Edition.

Dinaig ni Sylvia Sanchez si Naomie Harris sa Moonlight sa pelikulang ito. Martyr kung martyr na kayang talunin si Nora Aunor sa Minsan May Isang Ina (1983) at iba pang martyr role ni ate Guy.

Ito ang klase ng role na pwedeng ibigay kanila Nora Aunor o Gina Alajar noong 80's. Pwede ding ibigay kanila Maricel Soriano o Rosanna Roces noong 90's to 2010's.

Pansin ko lang madaming unnecessary characters at ang mga supporting karamihan ay unsympathetic.

Saka kailangan talaga naka-uniform po ang manikurista eh hindi naman sa nail spa nagtratrabaho kundi home service at sa labas lang ang pagma-manicure so akala ko nurse si Jesusa. Sayang po 'yung costume.

Pinatunayan ni Sylvia Sanchez na kayang tapatan ng husay sa pag-arte ang pelikulang walang karede-redeeming value.

Okay gets ko dark theme pero cringeworthy ang ibang dialogue. If manalo man ng Best Actress sa Sinag Maynila si Sylvia Sanchez eh deserve niya naman.

LAKBAYAN (SINAG MAYNILA 2019 OPENING FILM)




Madalas sa mga trilogy o anthology noon magpahanggang ngayon ay pinagsasama ang mga mahuhusay na direktor ng pelikulang Pilipino ngunit bibihira na ibang genre at tema ang tinatalakay. Laging inaasahan at naging bahagi na sa isang film festival noon ang Shake, Rattle and Roll franchise/installment na horror genre kung saan pinagsasama ang mga sikat na artista at direktor. 

Kaya kakaiba ring viewing experience ang mapanood ang pelikulang "LAKBAYAN" ng Sinag Maynila. Pinagsama-sama ang tatlo sa respetado at mahuhusay na direktor ng ating henerasyon - Lav Diaz, Brillante Ma. Mendoza at Kidlat Tahimik.

Sa HUGAW (Dirt) na dinirek ni Lav Diaz, tatlong minero (Andres, Baldo at Paulo) ang naglalakbay pabalik sa kanilang bayan ngunit isang insidente ang susubok sa kanilang tatlo bago pa makarating sa paroroonan.

Sa DESFOCADO (Defocus) ni Brillante Ma. Mendoza, isang freelancer na cameraman (Joem Bascon) ang sinundan ang welga ng mga Sumilao Farmers na mula Agusan hanggang Maynila na naganap noong 2007.

Sa LAKARAN NI KABUNYAN naman ni Kidlat Tahimik, natunghayan ang pagbihiyahe ng anak ni Kidlat Tahimik na si Kabu upang balikan at tuklasin muli ang kultura at sining na makikita sa iba't ibang panig ng bansa. 

Isa na maituturing na maikling pelikulang nalikha ni Lav itong HUGAW. Iba pa ito sa short films niya dahil madalas ay mahahaba ang kanyang pelikula na dinaig ang mga gawang epiko ni David Lean. Habang pinapanood ko ang HUGAW, pakiramdam ko ay nanood ako ng isang bahagi ng pelikulang DAPOL TAN PAYAWAR ng QCinema dahil sa paglalakbay sa masukal na kagubatan. Madalas naman mapanood sa mga pelikula ni Lav ang mga lakaran sa dako pa roon. This time, mahiwaga ang paglalakbay ng tatlong tauhan at maraming pangyayari na hindi pinapakita sa manonood. Sa isang insidente kung saan nauwi ito sa madugong paghaharap, hindi natin alam kung totoo ba ang sinasabi ni Andres (Don Melvin Boongaling). Mahusay si Nanding Josef sa kanyang subdued acting bilang Baldo. Magaling pero medyo annoyed ako sa theatrical acting ni Bart Guingona bilang Paolo dahil hindi natural ang dating ng bitaw sa kanyang mga linya. Magaling din ang gumanap na Andres.

Habang kinikwento ni Andres kanila Mariposa (Hazel Orencio) ang insidente ay pinapaalala sa akin nito ang Japanese film na Rashomon dahil si Andres lamang ang nagkwento sa pangyayari. Mapapaisip ka kung totoo ba o hindi ang sinasabi ng binata.

Hindi nawawala sa mga pelikula ni Brillante Ma. Mendoza na talakayin ang sosyopolitikal na isyu sa kanyang mga kwento. Sa "Desfocado" na base sa tunay na buhay. Matapang na inilahad ni Mendoza ang pinagdaanan ng mga Sumilao farmers upang makamit ang lupang kanilang inaasam subalit sa huli ay masaklap ang kinahantungan ng lider ng mga magsasaka.

Maihahalintulad sa pelikulang "Noy" (2010) ni Coco Martin ang Desfocado dahil parehas na videographer o cameraman ang karakter na Noy at Jose (Joem Bascon). Kabilang din sa pelikulang Noy noon si Joem. Sa Noy, nakamit ni Joem ang Pinakamahusay na Pangalawang Aktor noon sa Gawad Urian. Ang kaibahan lamang ay ang kinukunan nilang pangyayari. Si Noy ay nagsilbing mata sa eleksyon samantalang si Jose ay sinundan ang masalimuot na paglalakbay ng mga Sumilao farmers upang maiparating ang kanilang hinaing.

Mahusay na ginampanan nila Joem Bascon, Soliman Cruz at Fe Gingging Hyde ang kanilang mga papel.

Ito ang aking obserbasyon sa Desfocado segment:

1. Maaaring dahil freelance cameraman/videographer si Jose kaya siya lamang ang kumuha sa paglalakbay ng Sumilao farmers. Naging one-man team siya. Kadalasan sa mga ganitong sitwasyon dapat ay may kasama siyang reporter, producer at assistant cameraman. 
2. Sa eksena sa dagat, mas malakas ang NATSOT (Natural Sound on Tape) kesa sa pag-uusap nila Jose at isang kasapi ng nagwewelga. Maaaring nais ipahiwatig ng filmmaker na dahil nagbibingi-bingihan ang nasa gobyerno pati tayo kaya hindi natin naririnig ang nais nilang ipahatid.

Surprisingly, pinakanagustuhan ko ang "Lakaran ni Kabunyan". Ito ang talagang sumalamin sa "Lakbayan". Nakuha nito ang essence sa kabuuan ng trilogy na ito. Sa isang quasi-documentary at travelogue/road movie dinala tayo ni Kidlat at kanyang anak na si Kabu sa iba't ibang bahagi ng bansa upang mabigyang diin ang pagpapahalaga sa ating kultura at sining.

Bilang ama, iminulat ni Kidlat ang kanyang anak sa kultura at sining dahil ito ang bumubuo ng ating pagkaPilipino. Maaaring sinakop tayo ng mga dayuhan noon ngunit hindi dapat balewalain ang mga kontribusyon ng ating mga ninuno noong sinaunang panahon. Ito ay nagsilbing aral upang hindi mawala na ang ating kasaysayan at ating pagkakakilanlan sa bansa. Sa bawat rehiyon ng Pilipinas ay may matutuklasan kang kulturang dapat pagyamanin. Para na rin akong kasama ni Kabu sa kanyang paglalakbay. Masarap ulit balikan ang ating kasaysayan, kultura at sining. Ang maganda pa dito ay malaki ang impluwensiya ni Kidlat sa kanyang anak. Cute din ni Kabu na nagpadagdag sa appeal ng pelikula.

Sa tatlong segment, may kanya kanya silang tema, genre at mensahe. Sa Hugaw, ito ay pulitikal at may pagka-misteryo. Sa Desfocado, paghingi ng katarungan at pagbantay sa karapatan ang ipinapahayid na mensahe. Pulitikal din ito. Sa Lakaran ni Kabunyan naman ay kultural at pagmamahal sa bayan ang ipinapabatid nito. 

Friday, February 1, 2019

MGA PELIKULANG AABANGAN SA SPRING FILMS



A Short History of Parking Lots

In a time marked by transient and convenient relationships, a young parking attendant finds herself at the intersection of a personal and unlikely crossroads.


Ang Araw ng Itim na Nazareno

In an alternate reality in 2019, the tyrannical President of the Philippines holds a mock snap election to regain the trust of his discontented constituents. Signs of a second Ice Age begin to loom in the background and a police intelligence officer takes radical measures to save the country.


Children of the Lake

The lives of an 8-year old girl who survives by planting improvised explosives and an astute military private intertwine during the 6-month Marawi siege with fear, vengeance, and hope poking out of the beleaguered city’s corners.



Istariray is Born

A young, gay barangay singing contest mainstay goes to extreme lengths to become the front act of his ultimate idol Regine Velasquez.


Hayop Ka 

Avid Liongoren’s animated feature follows an attractive feline saleslady at a department store as she figures in a love triangle between her mongrel janitor boyfriend and a high society businessdog




I'm Ellenya L.

Doing everything for internet clout, a young online influencer-wannabe seeks the help of a social media guru. Sparks fly and things spin out of control as she is tasked to create original content in a span of a week for fear of having to return to her humdrum job.


'Kuya Wes' Commercial Cut

Caught somewhere between transactions and true love, a hopelessly naive remittance clerk becomes infatuated with and helps a beautiful customer in her time of need as his relationship with his younger brother spirals into disarray.




Maboteng Usapan

Boy meets girl in college, embarking on a wide-eyed exploration of sex, fears, love, and friendship in a time fraught with uncertainties.




Post Angst

In what seems to be a stoner film, music and medical marijuana thread together the stories of five men who try to face their own demons and explore uncharted territories where existential crises and reality merge.




Puppy Love

Based on an F. Sionil Jose short story, two childhood sweethearts—a small town boy and the daughter of the richest landowner in town—reunite after the decades that followed the Japanese occupation, only to find that the changing times have broken them apart.


Sunshine Family

A modern Filipino family in South Korea tries to mend its strained relationships when the father meets a hit-and-run accident and takes apart the car which wounded him.


The Bouncer

A man hardened by violence decides to turn over a new leaf and reunites with his blind niece as he tries to defend the club he is working for from shady regulars. But at what cost?



Walang KaParis

Reunion movie of Alessandra de Rossi, Empoy Marquez and Sigrid Andrea Bernardo.

SPRING FILMS



(Makikita sa larawan mula sa kaliwa - direk James Robin Mayo, direk Joyce Bernal, Sa gitna naman ay sina Ogie Alcasid at Ina Raymundo. Sa bandang kanan naman ay sina Piolo Pascual at Moi Bien Marcampo.)


Mula sa mid-2000’s at late-2000’s, mas nakikilala na ang mga independent movies. Matagal na rin naman lumilikha ng independent films ang Pilipinas noon pero hindi ito napapansin. Maaaring nakakapagbigay ng pansin ang indie kapag ang kasama sa pelikula ay sikat na artista.

Kapag sinabing independent films, ang unang pumapasok sa isipan ng tao na maliit ang budget ng production at hindi kilala ang mga umaarte dito.
Matapos makapagbigay parangal sa ibang bansa ang pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” noong 2005, ito ang nagbigay daan sa iba pang filmmakers upang makapaghatid ng de-kalidad na pelikula. Dito nakilala ang pangalang Brillante Mendoza.

Isa pa sa kinilala at hanggang ngayon ay lumilikha ng independent films ang Spring Films. Binuo ang Spring Films nila Piolo Pascual, Joyce Bernal at Erickson Raymundo.
Nagsimula ang production outfit na ito sa pelikulang “Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme” (2009) na pinagbibidahan ni Eugene Domingo. Nasundan ito ng dalawa pang pelikula – Ang Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme (2012) at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel (2013).

Ang Spring Films din ang nag-produce ng pelikulang “Kita Kita” na itinuring na highes-grossing independent film of all time noong 2017. Pinagbibidahan ito nila Alessandra De Rossi at Empoy Marquez. Sinundan pa ito ng “Meet Me In St. Gallen” (2018) kasama sina Bela Padilla at Carlo Aquino.

Sa kanilang ika-sampung taong anibersaryo ay handog nila ang “Kuya Wes” Commercial Cut. Si Ogie Alcasid ang bida sa pelikulang ito. Kasama din sina Ina Raymundo at Moi Bien Marcampo. Ipapalabas ito sa sinehan sa darating na Marso 13, 2019
Pakaka-abangan din ang mga pelikulang kanilang ihahandog kasabay ng kanilang ika-10 taong anibersaryo.

Anecdote/short background ng Spring Films:

In Full Bloom: Spring Films Marks 10th Year!

In this corner of the planet, we have the dull misfortune of having only two seasons: wet and dry. Much of our culture has been built around these polarities for hundreds of years. At some point in the timeline, director Joyce Bernal, actor Piolo Pascual, and entertainment businessman Erickson Raymundo decided that a bit of change was in order, and it only took them a decade. Spring is in the Philippines — it has been for 10 years — to watch Philippine cinema grow and flourish in the sun.

“Si Eugene Domingo noong time na yun, mayroon kaming pelikula na supporting lang
siya at artista si Piolo,” Bernal reminisces in between swigs of soju. “Tawang tawa kami sa kanya. Sabi namin, ‘Gawan natin ‘tong pelikula!’ Nakipag-meeting kami sa writer nagusto ni Eugene na si Chris Martinez, lumabas yung script, ipo-produce namin ni Piolo. Wala kaming alam sa business kaya ipinabasa namin kay Erickson. Si Erickson, gusto nang ariin yung script, tawang tawa na, first draft pa lang. Kami, ‘Okay, Erickson, kalma. Idea namin ito, eh.’”

In 2009, Kimmy Dora became the highest-grossing independent film at P80 million, and they had never even predicted it. Perhaps it was just a fairly abundant season for the three and Kimmy Dora was merely aseed they had recklessly strewn on what happened to be a fertile ground. After all,recent times have been increasingly conducive for independent content production. “I believe we’re in the renaissance of Philippine cinema, coinciding with its centennial this year,” muses Pascual. “We’re adapting to the times and anybody can be a producer.

However you look at this, it can be lucrative. There’s a big chance of breaking out internationally because the access is already global.” Raymundo, however, wants to make it clear that their efforts to nurture the growth of local filmmaking aren’t a messianic advocacy, but rather a collaborative one. Although the entertainment landscape has already lent itself to a more competitiveness, the producer and Cornerstone Entertainment founder opines, “We work with almost everyone. We offer possibilities. We want to give opportunities to filmmakers and actors na pinaniniwalaan naming tatlo na magagaling at may magagandang materyal pero hindi siguro bibigyan ng pagkakataon ng iba.”

Spring Films would like to believe that quality Filipino films are always in season. The tree in its logo serves as the perfect metaphor for its decade of existence: some films were destined to blossom into hits, others were meant to be blown away by the winds of change like dispensable leaves; either way, the tree stays firmly rooted in the ground, standing sturdier than ever. For now, the independent production outfit is wasting no time to showcase the vibrancy of its 13-film repertoire, kicking off with the commercial release of James Robin Mayo’s Kuya Wes that features previously unseen edits. The promise of spring is the promise of growth, and there will always be Spring Films. Come join the festivities and bask in the glory of a blooming Philippine cinema.