Tuesday, December 27, 2016

MMFF 2016 Movies Part 1

Hindi naiaalis ang kontrobersya sa mga nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF). Ngayong taon, nagkaroon ng pagbabago sa line-up ng MMFF. Kung dati rati madalas mamayagpag ang mga mainstream films, ngayon ay mapanghamon at nakakapanibagong mga kwento at konsepto ng mga pelikula ang kalahok mula sa independent cinema. Noon ay may hiwalay na kategorya ang MMFF para sa independent films ito ay ang MMFF New Wave. Bihira na mabigyan noon ng pagkakataon ang mga indie sa nasabing film fest lalo na sa main category. Ngayong taon ay kalong naging makulay ang MMFF sa mga napiling pelikula.
Unang bahagi ito ng aking pagrerebyu sa ilang pelikulang kalahok.



SEKLUSYON, Reality Entertainment sa direksyon ni Erik Matti.
Isa sa masasabing kontrobersyal na direktor na muling tumatalakay sa isa na namang kontrobersyal na paksa ang inyong masasaksihan sa pelikulang ito. Sa mga nagdaang taon, walang takot na tinalakay ni Erik Matti ang mga isyung sosyopolitikal. Babanggitin ko lamang ang dalawang pelikula na kanyang maituturing na obra sa mga nakaraang taon. Sa pelikulang On The Job (OTJ) [2013], mapangahas na ipinakita ni Matti ang korupsyon at bulok na sistema sa ilang sangay ng pamahalaan. Binangga naman ng pelikulang "Honor Thy Father" (2015) ang isang napapanahong isyu tungkol sa investment scam pati na ang matapang na pagtalakay sa religious hypocrisy sanhi ng isang legalismo na sistema ng isang kulto. Ngayon naman ay isang proseso ng pagpapari (sa Katoliko) ang matutunghayan sa "Seklusyon" na kumakatawan sa isang lipunang nalinlang ng huwad na propeta.
Sa mga nakaraang film fest madalas ng mapasama ang genre ng horror kaya hindi na pagtatakahan na napasama ang "Seklusyon".
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Miguel (Ronnie Alonte) ay dadaan sa isang proseso na kung tawagin ay "seklusyon". Pitong araw silang susubukin ng demonyo upang mapatibay ang kanyang pananampalataya sa Diyos at maging ganap na pari. Samantala si Padre Ricardo (Neil Ryan Sese) ay nag-iimbestiga sa himala na ginagawa ni Anghela (Rhed Bustamante) sa bayan ng Ildefonso, Quezon. Katambal ni Anghela sa panggagamot ang misteryosang si madre Cecilia (Phoebe Walker). Sa pagdating ni Miguel sa abandonadong seminaryo ay nakilala niya si mang Sandoval (Lou Veloso) na nagsisilbing tagapamahala nito. Kasama,niya rito sina Fabian (Dominic Roque), Marco (John Vic De Guzman) at Carlo (JR Versales) na mga magpapari rin. Kanya kanya silang sinusubok sa lugar ng "seklusyon" at lalo pang nagpadagdag ang pagdating nina Anghela at sister Cecilia. Patuloy naman sa pag-iimbestiga si padre Ricardo. Isa nga bang sugo ng Diyos si Anghela o kampon siya ng kadiliman? Ano ba ang relasyon ng madreng ito sa bata? Ano ang pakay ng dalawa sa mga bagitong magpapari.
Habang pinapanood ko ang Seklusyon, tulad ng nabanggit ko sa aking facebook post: "It's like reading a Stephen King (master of horror) novel." Sa nobela ni Stephen King tulad ng "Firestarter", mabagal sa umpisa ang kuwento ngunit may mga elemento na katatakutan pwera pa sa bata na hindi makontrol ang kapangyarihan niyang lumikha ng apoy pati na rin ang sosyopulitikal na aspeto na hinahabol lamang ng nabulag na lipunan ang supernatural niyang kapangyarihan. Kung maihahalintulad sa Seklusyon at isasaalang alang sa kultura at tradisyon ng Pilipino, nariyan ang mga taong deboto na hindi talaga isinusuri ang isang himala na gawa ng supernatural na kakayahan.
Nariyan ang ilang horror tropes tulad ng nakakagulat na paggalaw ng isang santo (parang eksena sa pelikulang "Itim"), ang batang mala-child of light ba o child of darkness o The Omen? ang karakter, kahit ang inner demons o past life ng mga bagitong magpapari subalit hindi pa rin buo ang subplot ng isang karakter tulad ni John Vic De Guzman bilang Marco. Minolestiya niya ba ang mga bata? Pinagkaitan ba siya ng pagkabata? May bahagi ang pelikula na binibigyan tayo ng impormasyon tungkol sa lihim na pagkatao ni Anghela pero may bahaging malalim ang political undertones na hindi maka-engage ang ilang audience. Isa pang dahilan ang multiple messages na gustong iparating ng pelikula. Nakakatakot ang nightmare sequence ni Miguel lalo na ang rebelasyon ng tunay na katauhan ni Anghela at paghaharap ni padre Ricardo at Anghela.
Kahanga hanga ang pagganap ni Rhed Bustamante bilang Anghela. Ganoon din si Neil Ryan Sese bilang Padre Ricardo.

ORO, sa direksyon ni Alvin Yapan. Sa tatlong pelikulang napanood ko last December 26, ito ang bet ko for Best Picture.
Ang "Oro" ay hango sa Caramoan Massacre dalawang taon na ang nakakalipas. Ayon kay Alvin Yapan sa isang interview, ang pelikulang "Orapronobis" ni Lino Brocka ang kanyang naging inspirasyon sa paggawa ng pelikula. Ang pelikulang "ORO" ay tungkol sa isang barangay na pinamumunuan ni kapitana (Irma Adlawan). Dalawampung taon na siyang naninilbihan sa barangay. Pangunahing hanapbuhay ng tao ang pangingisda ngunit kung kinukulang ay nagkakabod o nagmimina ng ginto ang ilang kalalakihan. Ang salitang "oro" sa Kastila ay ginto. Nagulo ang katahimikan ng barangay ng isang grupo ng armadong lalaki ang ipinatitigil ang kanilang operasyon at hinihingan sila ng permit. Nangyari ito matapos ang paghaharap nila kapitana at Mrs. Razon (Sue Prado) tungkol sa presyo ng pagbebenta ng ginto sa labas.
Matapang na pelikula ang "ORO". Mahusay na iskrip at direksyon. Magaling ang powerhouse cast. Hindi ko talaga malimutan ang matapang na pagganap ni Irma Adlawan bilang Kapitana. Dati yung mga walang takot na babaeng karakter at intense akting na kailangan ng matinding stamina ay napapanood kay Vilma Santos o Maricel Soriano pero saludo talaga ako kay Irma Adlawan dahil nagawa nya ito. Magaling din sina Joem Bascon, Mercedes Cabral, Sue Prado, Sandino Martin at Cedrick Juan.
Kakaiba rin ang paggamit ng "Dutch angle". Ang tabinging kuha ng camera na nagpapahiwatig ng hindi pantay na antas ng tao sa lipunan pati na rin ang nakaambang panganib na magaganap sa kuwento.
Gripping at edge-of-your-seat political thriller ang ORO.

ANG BABAE SA SEPTIC TANK 2: #Foreverisnotenough mula sa panulat ni Chris Martinez at direksyon ni Marlon Rivera
Sequel ng Ang Babae sa Septic Tank ang pelikulang ito. Nagbabalik si Eugene Domingo na ginagampanan ang kanyang sarili. Matapos ang mahabang sabbatical leave sa showbiz ay inalok ni direk (Kean Cipriano) si Eugene sa kanyang iskrip na "The Itinerary". Unang nasa isip na gaganap na asawa ni Eugene si Joel Torre. Gusto ng aktres na si Jericho Rosales ang maging leading man niya. Hindi umaayon si direk sa suhestiyon ng aktres kaya nasabi niyang, "I'm just an actress." Samantala, si Jocelyn (Cai Cortez) ay ang magsisilbing line producer ng pelikula at ang tahimik naman na si Lennon (Khalil Ramos) ang bagong production assistant. Habang pinag-uusapan nila Eugene at direk ang magiging pelikula ay meron namang marital problem si direk. Ang magiging pelikula ay sumasalamin sa nangyayari sa kanyang buhay may asawa. Sa bandang huli, mapapayag kaya nila si Eugene?
Eugene Domingo never fails her audience. Napakahusay pa din. Nakakaloka. Consistent pa rin siya bilang sarili niya. (Hahaha). Nakakatawa ang mga eksena lalo na yung pangatlong klase ng hugot kung dati TV Patrol acting ngayon naman yung hugot lupaypay lupasay. May naalala kami ng kaibigan ko sa hugot level 3. Parang "Maricel Soriano" intense acting iyon at yung ginamit na linya reference sa tagalog 80's classic na "Nagbabagang Luha". Nakakalungkot lang dahil wala si JM De Guzman.
Mas gusto ko pa rin ang unang "Ang Babae sa Septic Tank"  kesa dito pero hindi ako na-disappoint sa sequel. Sa totoo lang, bihira ka na makakita ng magandang sequel. Isa sa magandang sequel na napanood ko "Ang Babae sa Septic Tank 2".
Masaya ang pelikula kaya hindi namin makakalimutan ang ingay ng mga bata sa sinehan.

Thursday, December 15, 2016

ANINO SA LIKOD NG BUWAN (SHADOW BEHIND THE MOON)



Nagkaroon ng free screening ang ANINO SA LIKOD NG BUWAN sa UP Film Center noong December 14.
Ang pelikulang "Anino sa Likod ng Buwan" ay nagkamit ng iba't ibang pagkilala at parangal sa loob at labas ng Pilipinas. Sa pelikulang ito nakamit ni LJ Reyes ang Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Pangunahing Aktres.
Ang pelikulang ito ay patungkol sa hidwaan ng militar at rebelde noong 1993 sa Marag Valley. Sina Emma (LJ Reyes) at Nardo (Anthony Falcon) ay ilan lamang sa naipit sa gulo at inilikas dahil sa bayolenteng kaganapan sa labanan. Naging kaibigan nila si Joel (Luis Alandy) na kabilang sa militar. Sa gitna ng kaguluhang ito, dapat ba nilang pagkatiwalaan ang isa't isa?
Sa simula ng pelikula ay makikitang naliligo si Emma (LJ Reyes). Nang matapos ay nagtapi siya at naabutang naglalaro ng baraha habang nag-uusap sina Nardo (Anthony Falcon) at Joel (Luis Alandy). Sumali siya sa laro ng makapagdamit. May mararamdaman kang tensyon sa mga tauhan ng pelikula habang nanonood kahit sa simula pa lang. May mga bahagi na kung saan dahil sa haba ng monologue at dialogue ng mga karakter ay para kang nanonood ng isang Ingmar Bergman film. Talkie film kumbaga. Makakakuha ka ng clue o hint na delikado at kumplikado ang sitwasyon ng tatlong karakter sa kanilang linya. Sa first half na bahagi ng pelikula ay mabagal at sa mga usapan lang tayo umaasa at nakakuha ng impormasyon ngunit habang tumatagal ang pelikula ay lalong nagiging interesante ang mga karakter at intense ang mga eksena. (Hindi ako masyadong magkwekwento dahil spoiler alert!).
Humanga ako sa pagkakaganap ni LJ Reyes bilang Emma. Sa una, hindi mo maintindihan ang motibo niya sa pagiging malapit kay Joel at ang panlalamig niya kay Nardo. Maaaring ituring na femme fatale si Emma lalo na kapag nalaman mo ang kanyang tunay na motibo. Manipulative at scheming si Emma. Samantala, masasabing pantay pantay na nabigyan ng pagkakataong maipamalas ang kanilang angking galing sa pag arte sina LJ, Anthony Falcon at Luis Alandy. Isa pa sa hinangaan ko rito ay si Anthony Falcon. Dama mo ang theatrical roots niya sa pag-arte. Si Luis Alandy ay binigyan ng sapat na interpretasyon ang kanyang role. Subalit, talagang nakakapanibago si LJ Reyes dahil sa atake niya sa kanyang karakter. Malayong malayo sa mga roles niya a telebisyon. Deserving ang pagkapanalo ni LJ Reyes bilang Pinakamahusay na Pangunahing Aktres sa Gawad Urian sa pelikulang ito.
Dama mo din ang theatrical roots ni Jun Lana sa mga linya ng karakter, blockings pati ang paggamit ng mala-claustrophobic set sa pelikula. Magaling din ang kanyang direksyon.
Kakaiba rin ang dating ng pelikula dahil sa paggamit ng mala-footage o analog video na maaaring dala na rin ng editing. Ito lalo ang nagbigay ng mood na foreboding at delikado sa kalagayan ng mga karakter.
Catchy rin ang ginamit na pamagat. Maaaring ito'y tumutukoy sa eclipse na kasabay ng mga damdamin at pagnanasang pilit na itinatago o mga lihim na sa bandang huli ay mabubunyag rin.
Compelling at gripping sa bawat twists ng pelikula na para kang nagbabasa ng page turner na libro. Napakahusay na political thriller ang ANINO SA LIKOD NG BUWAN (Shadow Behind the Moon).


Friday, December 9, 2016

"MAGIC TEMPLE: Digitally Restored and Remastered Version"



Hindi mawawala sa isipan ng mga bata at kabataan noong 90's ang pelikulang "Magic Temple". Isa ito sa kilalang fantasy adventure Filipino teen movie noon. Naging tanyag din ito sa ilang linya ng kanta sa pelikula na "tabi, tabi po sa bangkay/lulubog, lilitaw sa saradong hukay". Maituturing din itong pop culture ng dekada 90. 
Kabilang ang pelikulang ito sa 22nd MMFF noong 1996. Kasabay nito ang mga pelikulang "Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso" starring: Jaclyn Jose bilang doctor at the barrio, Gina Alajar at John Arcilla. (Nararapat din i-digitally restore at remaster itong "Mulanay". Maganda din ang pelikulang ito). Isa pa ang remake ng Trudis Liit starring: Amy Austria, Jean Garcia, Suzette Ranillo at Agatha Tapan.
Una ito sa tatlong pelikulang tampok sina Jason Salcedo at Junell Hernando sa direksyon nila Peque Gallaga at Lore Reyes. Pagkatapos ng Magic Temple, ginawa naman ang "Magic Kingdom" (1997) na film debut ni Anne Curtis at "Gangland" (1998) film debut naman ni Ryan Eigenmann. Ang "Magic Temple" at "Magic Kingdom" ay parehong fantasy adventure teen movies samantalang tumatalakay sa isyung kabataan sa tunay na mundo ang "Gangland".
Ipinalabas ang digitally restored at remastered version ng "Magic Temple" sa Rockwell Power Plant Mall noong December 6, 8 pm ng Cinema 1 at 2 nito. Sa Cinema 2, bago magsimula ang pelikula ay host ang direktor na si Eric John Salut. Kwela at kalog si direk. Dinaluhan ng ilang personalidad ang gala screening tulad nila Ricky Davao, Agot Isidro, Juan Miguel Severo, Cathy Garcia-Molina, Lance Raymundo pati ang mga casts and crew ng pelikula kabilang sina Sydney Sacdalan, Dodge Ledesma, Jun Urbano, Mae Cruz-Alviar, Marc Solis at Junell Hernando.
Ang "Magic Temple" ay tungkol sa tatlong kabataang sina Jubal (Jason Salcedo), Sambag (Junell Hernando) at Omar (Marc Solis) na sinanay ni Master Sifu (Jun Urbano) upang ipadala sa kaharian ng Samadhi at harapin ang kalabang si Ravenal (Jackie Lou Blanco). Ipinangako naman ni Master Sifu na may tutulong sa kanila. Sa kanilang paglalakbay nakilala nila sina Telang Bayawak (Gina PareƱo), Sisig (Cholo Escano) at Shaolin Kid (Sydney Sacdalan). Naging kaibigan nila ang multong batang si Yasmin (Anna Larrucea) na hinahanap ang kanyang buto up an manahimik na ang kanyang kaluluwa. Nagkagusto naman sa kanya si Sambag. Nakilala rin nila si Rexor (Aljon Jimenez) na kampon ng kalabang nilang si Ravenal. Sa bandang huli ay nahanap nila ang buto ni Yasmin at natalo nila ang mga kalabang si Rexor at Ravenal. Nanaig ang kabutihan laban sa kasamaan. 
Nauso noon ang mga kung fu na may halong fantasy movies. Evident ito sa mga Chinese movies na pinagbibidahan nila Jet Li, Donnie Yen, Stephen Chow, Jackie Chan at Chow Yun Fat. Marahil nakakuha ng ideya o reference rito ang "Magic Temple". 
Marami ring teoriya ang pelikula tulad ng mga pangalan ng pangunahing tauhan. Si Jubal ay nag-rerepresent sa Luzon, si Sambag naman ay Visayas samantalang si Omar ay sa Mindanao. Maaaring tinatalakay ang "regionalism" sa pelikula. Hindi rin malinaw kung bakit si Sambag ang nagsisilbing narrator o voice over sa pelikula. Dahil ba sa ang filmmaker ay taga-Visayas. Maaari ring siya ang nagsilbing balanse sa kanilang tatlo. Kung ito ang teorya ng pelikula ay may pulitikal na aspeto na hindi halata ng manonood. 
Sa dekada '90, masasabing mahusay ang mga special effects na maaaring makipagsabayan sa ibang pelikulang Asyano pagdating sa genre na fantasy. Mahusay din ang prosthetics na ginamit. 
Hindi nakumpleto ang dekada '90 kung wala ang "MAGIC TEMPLE". 
Sana ay ma-digitally restore at remaster din ang "MAGIC KINGDOM".

Tuesday, November 29, 2016

LOVE NOTES (sample feature/column)

Dear Jim,

         I'm a young lady who fantasizes "chick flick" leading men. Recently, I watched "My Big Fat Greek Wedding" and find myself falling in love with John Corbett's character Ian Miller.

         I'm an avid fan of romantic movies. When I watch chick flick movies, I can't stop myself to like those fictional male characters. Lately, I realize that all my standards of finding a right guy are based on these "chick flick" loveable guys.

         At my age of 20, I'm NBSB (No boyfriend since birth). I hope that I'll find a guy similar to those guys in romantic movies. So far, I couldn't find a guy like them. What should I do, Jim?

                                                                                                                                     Jerilee

Dear Jerilee,

         Thank you for sending an e-mail. We all have this notion to adapt the principles we watch in movies.

          It's good to be entertained with these kinds of films BUT you must consider there are things happen only in movies not in real life. "Chick flick" guys are created by artistic screenwriters.

          Jerilee, you're still young. There are great things in store for you. Learn to participate in healthy activities that will develop your personality. If you're still studying, join groups that can hone your potential.

          In the meantime, try to lessen watching romantic movies. Do not isolate yourself. Hence, get out of your comfort zone. We don't know maybe your forever is just around the corner.


                                                                                                                                         Jim

HORROR FILM MAKING FORUM "The Way We Scare" (Horror & The Paranormal in Cinema)

November 19. Bahagi ng 2016 Cinema One Originals ang Horror Film Making Forum. Interesting, ano? Isa na ang horror sa genre na tinangkilik ng mga Pilipino. Isa rin ito sa genre na sa palagay ko ay patuloy na tatangkilikin lalo na nang masang pinoy. 

Moderator ng forum na ito walang iba ang nag-iisang "Asia's King of Talk" (parang ang nag-iisang Superstar. Sa bagay, Noranian siya) si Boy Abunda at ang mga guest panelists ay ang mga kilalang direktor sa larangan ng pananakot. Sila Erik Matti (direktor ng Aswang Chronicles at ang mga kontrobersiyal na pelikula tulad ng On the Job at Honor Thy Father), Rico Maria Ilarde (direktor ng mga horror films ng Regal Films), Dodo Dayao (film critic at direktor ng indie film na "Violator") at Ed Cabagnot (Faculty member ng UP Diliman sa College of Mass Communication at nagtuturo ng film studies).

Ipinakilala isa isa ni Boy ang mga guest panelists.

Una ay si Erik Matti na sa pagpapakilala ni Boy ay highly controversial at walang takot kahit sino ang banggain kahit sistema pa ito. (Lalo na noong nakaraang taon sa kanyang Magnum opus "Honor Thy Father"). Hindi inaasahan ni Erik Matti na mapasama siya sa horror director dahil hindi naman niya considered na horror ang Aswang Chronicles. At sa pagkakaalala niya ay "Pasiyam" lang ni Roderick Paulate ang horror na ginawa niya.

Nagpalabas ng presentation si Erik Matti at sa pagtapos ng bawat video clips ay binigyan niya ng pakahulugan ang horror. According to Erik Matti, horror is defined as follows:

a. Horror is what terrifies you in the gut

b. Horror is pure entertainment

c. Horror is also about reimagining the tropes

d. Horror films are all about other horror films

e. Horror is an exercise in craft

f. Horror is a quintessential film genre

Hanga ako sa presentation ni Erik Matti. Sa kanyang estratehiya, ito ay patunay na galing siya hindi lamang sa industriya ng pelikula kundi pati sa larangan ng advertisement. Nakakatuwa lang makita sa mga video clips ni Erik Matti ang mga horror movies sa ibang bansa tulad ng Psycho, Scream, The Shining, Nightmare on Elm Street, Saw series, The Exorcist at iba pang pelikula pati ang mga pelikulang Cape Fear na remake ni Martin Scorsese at ang ikinagulat ko ang "Midnight Express" Sadyang humurous si Erik Matti dahil sa bandang huli ang nakakatakot na ipinakita niya ay ang video clip ng pag-deklara ng dating pangulong Ferdinand Marcos ng ideklara ang Batas Militar o Martial Law. Hmm? Napapanahon.

Merong ilang katanungan si Boy kay Erik. Nang tanungin si Erik tungkol sa kanyang paborito o nagustuhang horror film. Binanggit niya ang Danish movie na The Hunt (2012) kung saan nanalo si Mads Mikkelsen ng Cannes Film Festival Best Actor. Naintriga tuloy ako lalo sa pelikula dahil hindi ko ito napanood. Para kay Erik, hindi nature ang horror ng pelikula kundi nakakatakot ang nangyari sa pangunahing tauhan.

Nabanggit din ni direk Erik na hanga siya sa pagiging effective ni James Wan ngayon sa horror.

Sumunod na nagbahagi ng kanyang karanasan bilang horror film maker ang direktor na si Rico Maria Ilarde. Nagpalabas ng video clips si direk Rico ng mga nagawa niyang pelikula. Aminadong hindi nakapaghanda si direk Rico kaya ibinahagi niya ang kanyang karanasan.
Bago iyon, ibinahagi niya sa amin ang magkaibang naobserbahan niya habang nanonood ng horror na pelikula. Nang manood siya ng Japanese horror movie "Ringu", napansin niya ang bulong-bulungan na natatakot sila sa mangyayari sa mga karakter. Samantala, nang manood siya ng "The Conjuring" ay hindi mapigilan ng mga tao ang sigawan.

Dito na niya naikuwento ang sariling karanasan pagdating sa horror film making. Noong dekada '90 nang makaisip siya ng kwento tungkol sa zombie. Hindi hype ang zombie stories sa pelikula di katulad ngayon na naglipana matapos ang The Walking Dead TV series at Train to Busan.

Naalala ko nakagawa ng isang episode si Erik Matti tungkol sa aprit (zombie) sa kanyang TV series na "Kagat ng Dilim" sa Viva TV noong early 2000's. Sikat na rin si George Romero sa paggawa ng zombie films pero oo nga hindi pa masyadong maingay noon dito sa Pilipinas ang tungkol sa zombie. Nagkaroon lang ng episode dati sa "Verum Est" ni Tony Velasquez.

Going back, ni-reject ang konsepto pati ang nagawang script ni direk Rico ng iba't ibang mainstream film studios dito sa Pilipinas dahil hindi daw ito tatanggapin ng manonood at baka hindi pa kumita kaya naisipan niyang mangibang bansa para mag-aral. Pagdating sa Amerika, nagpa-mentor siya sa frequent collaborator ni Roger Corman. Eventually, nabigyan nya ng pamagat ang script ng "El Capitan". Hanggang sa makilala niya si James Hong, isang Chinese actor na madalas lumabas sa horror movies at pinangakuan siyang handa itong mag-invest na gawing pelikula ang script nya basta bumalik siya sa Pilipinas at idirek ito. Pagbalik niya dito sa Pilipinas ay gustong gawin ni Mother Lily ang script dahil na rin sa tulong ni Joey Gosengfiao ngunit may mga kondisyon. (Ang sabi ni direk Rico dapat tandaan namin ang mga pangalang Joey Gosengfiao kung nais naming magtrabaho sa industriya dahil isa siya sa tumulong kay direk Rico at sa iba pang film makers ngayon tulad ni Jeffrey Jeturian). Ibibida ang kanyang mga artista at may babaguhin sa script. Lalagyan ito ng nudity at sex scene. Laking gulat ni direk Rico dahil hindi niya intensyong lagyan ng nudity at sex scene ang pelikula. Hanggang sa nabago ng ilang drafts ang script at maging "Dugo ng Birhen: El Capitan" ang pelikula na pinagbibidahan nila Klaudia Koronel at Monsour Del Rosario. Dito nagsimula ang career niya sa industriya. Makalipas ang ilang taon, hindi naman nakatakas sa film critics si direk Rico. Nang gawin nya ang horror film na "Pridyider", (wag malito dahil hindi ito yung gawa ni Ishmael Bernal) negative ang reviews ng critics na kesyo lumabas na psycho lahat ng female characters.

Nagtanong si Boy kung gaano katagal ginagawa ang horror at kung mas mahirap ba ang horror kesa ibang genre. Depende daw ito sa budget ng production at availability ng actors sagot ni direk Rico na sinang-ayunan din ni Erik dahil kahit sa anong genre ay nakakaapekto ito sa paggawa ng pelikula. Ang sabi pa ni Erik Matti ay kung papipiliin siya between romantic comedy at horror dahil wala naman siyang intensyon na gumawa ng rom com ay mas pipiliin niya ang horror. Mahirap daw kasi ang gumawa ng rom com dahil kailangan na ang actors ay may chemistry. Mahirap din ang horror gawin pero mas gusto niya ito aniya.

Pangatlong pinakilala ni Boy si Dodo Dayao. Isa siyang film critic na naging direktor. Ang pagpapakilala sa kanya ni Boy ay "new breed of directors".

Tulad ni direk Rico, hindi nakapaghanda si Dodo for any presentation pero nag-share siya ng thoughts about horror film making. Ayon kay Dodo, ang paggawa ng horror movie ay confronting our fears at nagbibigay din ng cathartic effect.

Last but not the least ay ipinakilala niya si Ed Cabagnot. Tulad ni Erik Matti, may hinandang presentation si Ed. Hindi daw siya handa. Pero yung totoo? Para kaming nasa film school at naghanda siya ng slides. Nakakatuwa. Naalala ko tuloy si Nick De Ocampo. May side comment pa si Ed na hindi namin maintindihan ang slides nya at wag daw kaming mag take down notes tutal millenials daw kami. (Mega habol pa naman ako sa notes. Feel na feel ko. Di ko na makunan ng picture kasi ang bilis ng paglipat nya ng slides. Sayang ang ganda pa naman about horror). Saka isang oras lang kasi ang forum. Binigyan lang ng ilang minuto ang guest panelists.

Meron pa siyang slides about "how critics critique a film" at genre analysis lang ang nasulat ko. Criticize nya din ang mga film critic. (Natawa ako dito sa part na ito).

Naalala ko tuloy ang isang manunulat na ang mga kritiko halimbawa sa pelikula ay dapat din matuto na gumawa ng screenplay at magdirek ng pelikula.

Going back, may ibinahagi pa siya tungkol sa 9 emotions na hindi ko na nahabol pa. Nagbigay din siya ng top 17 horror movies para sa kanya. Here as follows:

17. Black Sabbath

16. Spirits of the Dead

15. Gabi ng Lagim

14. The Conjuring

13. The Shining

12. Woman in Black

11. The Others

10. The Sixth Sense

9. Ringu (The Ring)

8. Orfanato (The Orphanage)

7. The Eye

6. Itim

5. Phobia

4. Kwaidan

3. The Legend of Hell House

2. The Haunting

1. The Innocents

Nakakaloka ang banat ni Ed ng ipakita niya ang slide ng Pelikulang "Itim" kung saan ang eksena ay sinasaniban ang character ni Charo Santos. "What happened to the career of this girl?" Maaaring ang ibig niyang sabihin ay magaling na aktres si Charo Santos at dahil sa comeback movie nya na "Ang Babaeng Humayo" ay nagkaroon ulit ng pagkakataon na mai-showcase nya ang kanyang talento. Sana ay nagtuloy tuloy siya sa acting career nya.

Napanood ko ang ilan sa listahan at agree ako sa kanya tulad ng The Conjuring, The Others, The Sixth Sense, Ringu (The Ring), The Eye, Itim, Phobia at The Innocents. Yung iba hindi ko pa napanood. Napanood ko yung remake ng The Haunting nila Catherine Zeta-Jones, Liam Neeson, Lili Taylor at Owen Wilson. Bata pa ako noon so hindi ko na matandaan. Sabi nila, "nothing beats the original" yung bida sila Tony Award winning actress Julie Harris at Claire Bloom. Napanood ko ang "Itim". Maganda na nakadagdag sa resonance ng pelikula ang Holy week at nakakatakot ang eksena ng gumalaw ang mga rebulto o santo sa nightmare o dream sequence ni Tommy Abuel. Nakakatakot ang mood at atmosphere sa panonood ng Ringu (The Ring) na pinagbibidahan ni Hiroyuki Sanada. Aminado akong personal favorite ko ang "The Eye" na ang bida ay si Lee Sin Je. Ipinalabas ang "The Eye" dito sa Pilipinas early 2000's kung kailan kasabayan nitong sumikat ang ibang Asian horror films tulad ng "Ringu" ng Japan, "The Grudge" ng Japan, "Shutter" ng Thailand at "The Phone" ng South Korea. Nakakatakot din ang "Phobia" ng Thailand. Lumabas ang pelikulang Phobia matapos ang success ng "Bangkok Haunted 1 and 2" at "Shutter". Nakakatakot ang episode ng Phobia tungkol sa textmate at isang episode tungkol sa flight stewardess na minumulto. Ang nakakatuwa rito ay ipinalabas ni Ed ang video clips ng dalawang episode ng "Phobia" at diniscuss niya ang importance ng set-up, context, movement at set-up of situation sa horror movies. Pinapanood niya din ang ilang eksena sa pelikulang original Cat People noong 1940's at original The Haunting noong 1960's. Going back, nakakatakot naman talaga ang twist ng "The Others" ni Nicole Kidman kahit ng "The Sixth Sense." Nagustuhan ko naman ang sexually-repressed character ni Deborah Kerr na si Miss Giddens sa pelikulang "The Innocents". Tulad ng iba niyang prim and proper at sexually repressed characters na nagustuhan ko tulad sa "Black Narcissus" at "The King and I". Hango sa nobela ni Henry James na "Turn of the Screw" ang The Innocents. Isinulat naman ni Truman Capote ang screenplay. Ang pelikulang "The Innocents" ay isang gothic horror film.

Matapos nilang i-discuss ang horror films. Hinayaan naman na magtanong ang audience.
May nagtanong na babaeng audience kung bakit laging babae ang bida o survivor o victim sa horror movies?

Na-intriga si Boy Abunda kung may problema ba si girl sa issue na ito ay kung naiisip ba ni girl na sexist ang horror movies. Nilinaw naman ni girl na wala.

Sinagot ito ni Erik Matti na wala namang dahilan o symbolism o allegory kung babae ang bida. Depende din sa script at syempre if involved ang talent manager ay gusto ang artistang babae ang bida.

Dito nagsalita si Boy Abunda na nagpapasalamat siya sa horror movies dahil nabibigyan ng project ang mga babaeng artistang handle niya ang career. (Si Boy Abunda ay hindi lamang host. Isa rin siyang talent manager, kolumnista at dalubguro).

Napansin ko din yan sa mga horror movies tulad ng "Halloween" na pinagbibidahan ni Jamie Lee Curtis. Nagkaroon ng mga teoriya na kesyo misogynist ang killer at dahil bida ang babae ay may feminist touch.

Nag-recommend naman ng ilang horror movies na dapat namin panoorin si Ed tulad ng Australian movie na "Babadok" at Sundance Film Festival winner "The Witch" ni Robert Eggers lalo pa't nagpapakita ang pelikula ng prowess ng babae. Naintriga tuloy ako sa Babadok dahil hindi ko pa napapanood.

Dagdag pa ni Ed na nauna pa tayong manakot o gumawa ng horror movies sa kalapit na bnasa natin sa Asya tulad ng Indonesia at Malaysia.

Nagtanong naman si Boy Abunda kung importante ba na maulit ang mga tropes sa horror film tulad ng lumilipad na gamit, nagpapakitang multo... Sagot ni Erik Matti ay ito ang demand ng mainstream kaya kahit na criticized ang ganitong istilo sa horror ay dapat gawin dahil naniniwala din siya na horror films are all about other horror films.

Nagbigay din ng tips at pieces of advice si Erik Matti na dapat ay panoorin uli o i-rewatch ang isang pelikula kahit horror pa ito para mas lalong ma-appreciate. Ang sabi nya pa ay "a good horror film has integrity" kaya very important "to do a research". Para sa kanya the worst kind of horror is horror comedy.

Si Rico Maria Ilarde naman ay nagbigay ng tip habang kausap ang new breed director na si Dodo Dayao. "So far, Dodo is enjoying himself in creating movies in indie but when it comes to mainstream pag demand ng studio na gawin ito. Gawin mo."

Sabi pa ni direk Rico, "There must be balance between passion and professional abilities."
May nagtanong ulit sa audience kung anu-ano ang challenges sa paggawa ng horror movies at paano ito na-overcome.

Sabi ni Dodo Dayao noong ginawa niya ang indie horror movie na "Violator" ay meron siyang mainstream movie/TV at theater actors. Sa kanyang karanasan, kumportable siya sa mainstream TV movie actors tulad nila Victor Neri at Joel Lamangan. Sa theater actors naman, na-challenge siya to give them insight sa characters nila but overall for him it's a rewarding experience.

Dagdag pa nila Erik at Rico na bread and butter mostly ng actors sa Philippines ang TV at lumalabas na sideline nila ang pelikula at ang trato naman ng ibang artista kahit ng ibang tao sa pelikula ay glamor.

Tinanong naman ni Boy Abunda ang mga direktor na sina Erik Matti, Rico Maria Ilarde at Dodo Dayao kung nakakita ba sila ng multo o nakaramdam ng pagmumulto sa set o location ng paggawa ng horror movies nila. Sinagot ang bawat isa ng "hindi" kahit pa ang mga actors nila ay nakakaramdam.

May bonus pa sa attendees si Erik Matti dahil sa amin niya unang pinapanood ang trailer ng "Seklusyon" ang horror movie entry niya sa MMFF 2016.

Pagtapos ng trailer ay bumanat si tito Boy ng "mukhang kikita!". Sabay tawa.

Naalala ko ang TV show na "Ang Pinaka" ay gumawa ng listahan ng
Top 10 Pinoy Horror Movies. Ito ay ang mga sumusunod:

10. Di Ingon Nato

9. The Road

8. The Healing

7. T2

6. SRR13: Parola

5. Blackout

4. Numbalikdiwa

3. SRR12: Punerarya

2. Wanted: Border

1. Yanggaw

Kasama sa panelists ang mga film critic na sina Oggs Cruz (ng Rappler) at Armando Dela Cruz (ng filmpolicereviews). Criticized din ang paggawa nila ng top 10 Pinoy Horror Movies. Dahil ang paniniwala ng iba ay hindi horror ang Yanggaw. Nga lang, sa listahan ang napapanood ko pa lang ay ang The Healing, T2, SRR12: Punerarya at Numbalikdiwa. Intriga din ako sa Yanggaw.

Sa film forum na ito at kahit sa pag-feature ng mga Pinoy Horror Movies ay may natutunan tayo at may natutunan din ang mga film makers.

Sana ay naimbitahan din ang mga kilalang direktor sa horror sa forum tulad nila Peque Gallaga at Lore Reyes. Sila ang direktor ng "Tiyanak" ang nagpabago ng trend sa Philippine Cinema pagdating sa horror. Isa pang tanyag din sa genre na ito ay si Chito RoƱo. Direktor siya ng Patayin sa Sindak si Barbara (remake), Feng Shui, T2 at The Healing.

Sabi nga nila, "gumastos ka para manood ng horror at takutin ang sarili mo. Parang gumastos ka sa pamumundok at pagurin ang sarili mo." Nariyan din ang kritisismo ng escapist daw ang panonood ng horror. Hindi na maialis ang horror genre dahil naging bahagi na ito ng mundo ng pelikula.


Muli, mabuhay ang pelikulang Pilipino!

Saturday, November 19, 2016

Cinema One Originals 2016: 2 COOL 2 BE 4GOTTEN is not your typical teen movie




November 17. Nagkaroon ng premiere night ang 2 Cool 2 Be 4gotten sa Trinoma Cinema 1. First time kong umattend ng premiere night. Laking gulat ko sa dami ng tao. Karamihan pala sa mga ito ay fans nila Khalil Ramos at ang dating PBB housemate na ngayon ay Hashtag member Jameson Blake. Surprising na jam packed o puno ang sinehan ultimo sa mga aisle na yung iba nakaupo. Todo support naman talaga ang mga fans. Natatawa ako sa hiyawan, tilian at sigawan like "Jameson! Jameson!", "Ethan!", "Khalil, may space pa sa tabi ko!" (pero boses ng lalaki narinig ko at hindi beks).

Ang "2 Cool 2 Be 4gotten" ay tungkol kay Felix Salonga (Khalil Ramos) na introvert, geek, achiever at hindi palakaibigan. Nakilala niya ang Fil-Am na magkapatid na si Magnus Snyder (Ethan Salvador) at Maximus Snyder (Jameson Blake) na transferee sa kanilang high school. Mapapansin na ang milieu ng pelikula ay 90's at ipinakita ang epekto ng pagputok ng Mt. Pinatubo at Lahar sa Pampanga. Going back, humingi ng tulong na magpagawa ng math assignment sa Math si Magnus kay Felix dahil naasiwa siya sa kanilang openly gay math teacher (Joel Saracho). Pumayag naman si Felix at tinulungan ang kaklase. Binayaran naman ni Magnus si Felix sa paggawa ng assignment nito. Di nagtagal ay nagkasundo ang dalawa. Madalas magkasama na sumasagot ng assignment si Felix para kay Magnus pati na rin kay Maxim at parehas na rin nilang binabayaran si Felix. Matagal ng gustong makasama ni Magnus ang kanyang Amerikanong ama at mamalagi na sa Amerika dahil ayaw niyang magtagal sa Pilipinas. Si Maxim naman ay hindi naapektuhan o balewala sa kanya ang gustong mangyari ni Magnus. Nakilala naman ni Felix ang mommy (Ana Capri) ng dalawang Fil Am na magkapatid. Considered na cool si mommy dahil okay lang sa kanya na magyosi at uminom ng gin ang kanyang mga anak. Naimpluwensiyahan naman ng magkapatid si Felix. Hmm... "Bad company corrupts good character."

Napapansin naman ni Maxim na close sa isa't isa sina Magnus at Felix kaya napaghinalaan niyang bakla ito. Hanggang sa maisipan ni Maxim na isama sa masamang plano si Felix. At ito ay ang patayin ang kanilang mommy. Ayon kay Maxim, papayag lang ang ama nila na parehas silang makapunta ng Amerika kung papatayin nila ang kanilang mommy. Alang alang sa kapatid, gagawin ni Maxim ang lahat. Sasama kaya si Felix sa gustong mangyari ni Maxim? Alam kaya ni Magnus ang masamang balak ng kapatid?

2 Cool 2 Be 4gotten is not your typical teen movie. Dark ang tema at approach ng film maker sa pelikula.

Humanga ako sa performance ni Khalil Ramos dito bilang Felix. Ipinaalala niya sa akin at may kaunting pagkakahalintulad ang karakter nya kay Tom Ripley na ginampanan ni Matt Damon sa pelikulang "The Talented Mr. Ripley" (1999). Sa pelikulang ito, maaaring merong identity crisis ang karakter na si Felix dahil hindi tayo  nabigyan ng kwento sa nakaraan nya o karanasan nya noong bata pa na maaaring magbigay sa atin ng ideya. Nagkwento lamang siya ng karanasan niya noong pumutok ang Pinatubo na bahagi ng nakaraan nya. Maaari ring dahil teenager pa siya kaya may identity crisis ang karakter.

Ang pagkakahalintulad nila Felix at Tom ay ang longingness to connect sa ibang tao ngunit marami rin ang kaibahan tulad sa motibo ng karakter.

Ang karakter naman ni Ethan Salvador na si Magnus Snyder ay meron rin konting  pagkakahalintulad kay Dickie Greenleaf ng "The Talented Mr. Ripley". Ito ang karakter na ginampanan ni Jude Law sa nabanggit na pelikula. Parehas silang lumalabas at itinuturing na bestfriend ng pangunahing tauhan. Tulad ni Felix, may longingness to connect din si Magnus. Kay Magnus, ito ay ang kanyang ama.

Sa kabilang banda, marami ring kaibahan sina Dickie at Magnus tulad nang socialite na adult si Dickie samantalang estudyanteng Fil Am si Magnus.

Ang karakter naman na si Maxim (ginampanan ni Jameson Blake) ay may pagka-psychopath.

Mahusay ang pagganap ni Khalil Ramos sa isang challenging role. Khalil Ramos is superb. Nabigyan niya ng hustisya ang kumplikadong karakter. Ito na ang pangalawa niyang mapanghamong pagganap na napanood ko matapos ang Honor Thy Father (2015).

Bumagay naman kay Ethan Salvador ang kanyang role. Nabigyan niya ito ng maayos na pagganap.

Jameson Blake is a revelation in this movie. Napasabak siya sa mga mapangahas na eksena ang dating PBB housemate at ngayo'y Hashtag member tulad sa eksena kung saan ay pinaghubo't hubad siya ng damit ni Felix, nag-butt exposure at pinag-masturbate. Nagulat ang mga tao sa eksenang ito.

Magaling din ang mga supporting actor tulad nila Ana Capri, Joel Saracho, Ruby Ruiz, Peewee O' Hara at Jomari Angeles.

Kung ating bibigyan ng pansin ang mga simbolismo sa pelikula, si Felix ay sumasalamin sa mga Pilipino nahuhumaling sa banyagang ideya. Maaari ring ang identity crisis ng pangunahing tauhan sa pelikula ito ay maging pulitikal ang perspektibo.

Mahusay din ang direksyon ni Petersen Vargas at iskrip ni Jason Paul Laxamana. Magaling din ang musika at teknikal na aspeto ng pelikula.

Kung gusto mong makapanood ng kakaibang pelikula, panoorin ang "2 Cool 2 Be 4gotten."

Friday, November 18, 2016

NAGALIT ANG BUWAN SA HABA NG GABI (Digitally restored and remastered)



Noong Dekada '80, kilala ang mga direktor na sina Emmanuel Borlaza, Elwood Perez, Joey Gosengfiao at Danny Zialcita sa mga on-the-nose dialogue at witty lines. Nauso rin noon ang mga love triangle at adultery o extra-material affairs na tema sa pelikula.

Isa sa hindi malilimutang pagganap at kwento ng tungkol sa pagiging kabit o kerida ay ang pelikulang "Relasyon" (1982) kung saan nakuha ni Vilma Santos ang Grand Slam Best Actress sa papel na Malou - isang kabit.

Marami ring paglalarawan ng komprontasyon ng asawa at kabit sa pelikula. Isa na dyan ang sumikat ng dekada '90 ang pelikulang "Minsan Lang Kita Iibigin" ni Maricel Soriano at Zsa Zsa Padilla kung saan ay hysterical ang asawa. Hindi nalalayo sa mala-Dynasty confrontation scene naman ang eksena nila Beth Bautista at Elizabeth Oropesa sa pelikulang "Palabra De Honor". Isa na namang obra ni Danny Zialcita.

Sa katunayan, ang mga napanood kong pelikula ni Danny Zialcita ay ang Langis at Tubig (1980) kasama sina Vilma Santos, Amy Austria at Dindo Fernando tungkol sa kaso ng bigamy na kamakailan lamang ay ginawan ng TV series ang "Tubig at Langis" na pinagbibidahan naman nila Cristine Reyes, Zanjoe Marudo at Isabelle Daza. Kasunod na napanood kong pelikula ni Zialcita ang Gaano Kadalas ang Minsan? (How Often is Once?). Muli pinagbibidahan ito nila Dindo Fernando, Vilma Santos kasama si Hilda Koronel. Dito sumikat ang linyang, "Gaano Kadalas ang Minsan... Once... Twice... Three Times ... More..." Ginawan din ito ng TV series na pinagbibidahan nila Camille Pratts, Diana Zubiri at Luis Alandy.

Ang "Nagalit Ang Buwan Sa Haba ng Gabi" ay pangatlo sa pelikula ni Zialcita na aking napanood. Ito ang pinakanagustahan ko. Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nila Laurice Guillen, Dindo Fernando, Gloria Diaz at Eddie Garcia. Kasama sina Janice De Belen, Liza Lorena, Suzanne Gonzales at Tommy Abuel.

Hindi maipagtapat ni Dimitri (Eddie Garcia) ang kanyang tunay na pagkatao sa asawang si Estela (Gloria Diaz) matapos na dumalaw sa kanya ang lalaki niyang kalaguyo (Johnny Vicar) sa piging ng mag-asawa. Meron pang isang boyfriend (Michael De Mesa) si Dimitri na hiniwalayan siya sapagkat mag-aasawa ito ng babae. Nalaman naman ni Estela ang lihim ni Dimitri matapos makakita ng card sa suit ni Dimitri galing sa kanyang boyfriend. Labis ang  pagkadismaya at galit ni Estela sa asawa kaya iniwan niya ito at hiniwalayan upang makahanap ng tunay na lalaki sa buhay niya. Sa kabilang banda, naka-disgrasya naman ng salamin ng sasakyan  si Jenny (Janice De Belen). Pag-aari ni Tony (Tommy Alvarado) ang sasakyan. Pinababayaran ni Tony ang abala ni Jenny sa kanya. Kinuha nila ang impormasyon ng isa't isa at nalamang magka-apelyido sila ngunit hindi sila related sa isa't isa. Maituturing na larawan ng perpektong pamilya sina Miguel (Dindo Fernando) at Delza (Laurice Guillen) kasama ang kanilang anak na sina Jenny at isa pang bunsong anak na lalaki. Nagkakilala naman sa isang beach resort si Estela at Miguel. Dito ay nagkaroon sila ng relasyon. Natuklasan naman ni Estela na may asawa na si Miguel kaya nais niyang mas bigyan siya ng oras at panahon ni Miguel sa kanilang relasyon. Walang nagawa si Miguel kundi aminin kay Delza ang totoo.  Nagpaalam pa si Miguel kay Delza na bibigyan nya lamang ng dalawang buwan ang relasyon nila Estela. Sabi nga ni Delza, "adultery with consent?" Gumawa pa ng schedule si Miguel para kay Delza. Samantala, muling nagbabalik ang dating nobyo ni Delza na si Dr. Raul (Tommy Abuel) at nasaktuhan nito ang kalagayan ni Delza. Pilit na nililigawan muli ni Raul si Delza at gusto nitong makipagkita sa kanya madalas. Narinig naman ni Jenny ang usapan ng dalawa. Sa sama ng loob ay lumayas si Jenny at humingi ng tulong kay Tony na hanapan siya ng matutuluyan. Hinayaan ni Tony na tumuloy sa kanya si Jenny. Nang mapatawad ni Jenny ang kanyang ina, ipinakilala nito si Tony. Si Delza naman ay kinausap ang ina ni Tony pati si Miguel dahil sa kumplikadong sitwasyon. Sa kabilang banda nama'y nililigawan muli ni Dimitri si Estela. Kinausap naman ni Miguel si Tony sa tungkol kay Jenny na huwag nang makipagkita ito sa kanyang anak. Kanya kanyang sitwasyon. Kanya kanyang desisyon. Paano haharapin ng mga tauhang ito ang bukas kung sa haba ng gabi ay nagalit na ang buwan? (Hahaha)

Ang pelikulang ito ay drama pero dahil sa mga witty lines ay naging comedy. Kahit na dekada '80 pa ginawa ang pelikula ay nakakaaliw ang mga on-the-nose dialogue at witty lines tulad ng mga sumusunod:

Sa eksena kung saan ay ipinapaalam ni Miguel kay Delza ang lagay niya. Pinaalalahanan siya ni Delza, "Tandaan mo: Herpes is forever."

Sa eksena kung saan ay nagpapaalam si Miguel kay Delza at tinanong siya ni Delza, "Adultery with consent?"

Sa eksena kung saan pinagsabihan ni Delza si Raul, matapos siyang pagtangkaan. Pinagsabihan siya ni Delza, "Don't be like an animal. You're a doctor."

At ang pinakasikat na linya sa pelikula na binanggit ni Delza, "Nasaan ang asawa mo, na asawa ko, na asawa ng buong bayan?"

Maraming salamat sa matalim na panulat at direksyon ni Danny Zialcita.

Nakakatuwa ang eksena kung saan tinulungan ni Delza si Miguel mag-empake ng gamit dahil pupunta na ito sa kanyang kalaguyo. Hindi ito katulad sa mga hysterical confrontation ng mag-asawa na kung saan nagwawala si misis na malamang nangangaliwa si mister.

Napakahusay ng pagkakaganap ni Laurice Guillen bilang Delza. Labis akong humanga sa kanya rito. Controlled at tamang tama sa timpla ang acting bilang asawa na martir ngunit palaban din naman sa oras na dapat ay lumaban at may panindigan sa pagiging ina. Dito matutunghayan ang kanyang roots sa theater dahil sa kanyang performance. May naalala ako sa kanyang pagganap tulad ni Sandy Andolong bilang Sylvia sa pelikulang "Moral".

Isa pa sa mahusay ang pagganap ay si Eddie Garcia bilang ang closeted homosexual husband ni Estella na si Dimitri. Controlled din ang acting. Naalala ko tuloy sa kanya si Jack Nicholson at Stanley Tucci.

Nakakatuwa naman si Odette Khan bilang kaibigan na boutique shop owner ni Estella. Hindi lamang ang mga witty lines ni Laurice ang nakakatawa pati ang sa kanya at ang galaw niya.

Sa kabilang banda, ang papel ni Suzanne Gonzales na regular na nakikita sa pelikula ni Zialcita ay sumasalamin sa napakong pangako sa relasyon. Siya ang sinasabihan ng lihim nila Delza at Jenny. At nasisira niya ang lihim na dapat ay hindi malaman ng mag-ina. Kahit sa kalagayan ng karakter nya na iniwan siya at hindi na binalikan pa ng asawa.

Hindi naiiba ang papel ni Dindo Fernando sa pelikulang ito sa mga ilang pelikula niya kay Zialcita tulad sa Langis at Tubig at Gaano Kadalas ang Minsan. Inilalarawan ng kanyang karakter ang machismo at false representation ng manhood.

Sa sitwasyon nila Delza (Laurice Guillen) at Estella (Gloria Diaz), ipinakita nila ang reaksyon ng babaeng nasaktan. Maaaring maging manhid o numb na ang feeling nila o di kaya ay may tendency na mag-shut down na lamang ang emosyon. Ipinakita rin dito kung gaano naapektuhan ang mga anak sa sitwasyon.

Muli, maraming salamat ABS CBN Film Archives at Film Restoration katuwang ng Sagip Pelikula at Film Development Council of the Philippines (FDCP) dahil sa nais nitong ipapanood sa atin ang classic at lumang pelikulang Pilipino. Dapat lamang na panoorin at tangkilikin natin ang sariling atin.

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

Wednesday, November 16, 2016

TATLONG TAONG WALANG DIYOS: THREE YEARS WITHOUT GOD (Digitally restored and remastered)



Isang hamon sa industriya ng pelikulang Pilipino ang mag-preserve ng mga kopya ng mga luma o classic na pelikulang sariling atin. Mas lalong isang hamon na ito ay i-digitally restore at i-remaster.

Itinuturing na pangalawang Golden Age of Philippine Cinema ang 70's dahil sa dekadang ito umusbong ang mga mahuhusay na filmmakers at mga pelikulang obra nila. Nariyan sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Mike De Leon, Eddie Romero, Celso Ad Castillo, Mario O' Hara at marami pang iba. Kabilang sa mga pelikula ng dekada ang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, Nunal sa Tubig, Insiang, Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon?, Tatlong Taong Walang Diyos at marami pang iba.

Ating pagtutuunan ng pansin ang isa sa mga digitally restored at remastered classic at critically-acclaimed na pelikulang Pilipino ang "Tatlong Taong Walang Diyos".

Isa ito sa mga restored classics ng Cinema One Originals.

Nobyembre 15 ang red carpet gala screening ng digitally restored at remastered na "Tatlong Taong Walang Diyos".

Maulan ang panahon subalit hindi natinag ang mga supporters ng pelikulang Pilipino. Dumalo rin ang mga kilalang personalidad sa industriya tulad nina Angel Aquino, Ricky Davao, Isay Alvarez, Robert Sena, Lore Reyes, Joyce Bernal, Lance Raymundo, Bernardo Bernardo, Philbert Dy, Mario Bautista, Jeffrey Hidalgo at marami pang iba. Naroon din ang mga Noranians.

Ang pelikulang "Tatlong Taong Walang Diyos" ay produced at pinagbidahan ng nag-iisang superstar Ms. Nora Aunor mula sa panulat at direksyon ni Mario O' Hara. Kasama rin sina Christopher De Leon at Bembol Roco (Rafael Roco, Jr.).

Mula sa pamagat, ipinakita kung paano hinarap ng tatlong pangunahing tauhan ang tatlong taon ng digmaan.

Sina Rosario (Nora Aunor) at Crispin (Bembol Roco) ay dalawang magkasintahang naipit sa gulo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Si Crispin ay sumama sa gerilyang nakikibaka at lumalaban sa mga Hapones.

Nilusob ng mga Hapones ang bayan ni Rosario. Mas piniling manatili sa bahay nina Aling Sion (Yolanda Luna), Mang Andoy (Mario Escudero) at Kapatid niya habang ang iba nilang kababayan ay nilisan ang kanilang lugar.

Isang gabi, kumatok sa pintuan ng bahay ni Rosario sina Masugi (Christopher De Leon) at Francis (Peque Gallaga). Si Masugi ay isang Hapones na mahusay magsalita ng Tagalog sapagkat sa Maynila siya lumaki. Si Francis naman ay matalik na kaibigan ni Masugi at isa ring doktor. Hindi nagustuhan ng binatang Hapones ang pagiging palaban ni Rosario matapos niyang gustong paalisin ang dalawa habang umiinom ng alak kasama ang kanyang ama. Sa pagkalasing ay ginahasa ni Masugi si Rosario. Pagkatapos nito ay bigla na lamang umalis ang dalawang dayo.

Makalipas ang ilang linggo, binalikan ni Masugi si Rosario upang humingi ng kapatawaran sa kanyang nagawa ngunit hindi ito matanggap ng dalaga. Kahit dalhan pa ng mga pagkain ang pamilya ni Rosario ay hindi niya pa rin mapatawad ang binata. Habang nagsisimba ang mag anak ni Rosario ay bumisita ang mga Hapon. Binaril ng isang gerilya ang isang Hapon. Dahilan upang magkagulo sa loob ng simbahan at arestuhin ang mga kalalakihan kabilang si Mang Andoy. Ipinagtapat naman ni Rosario kay Masugi na siya ay buntis. Inayang magpakasal ni Masugi si Rosario. Sa una'y tumanggi ito subalit pumayag din sa huli. Labis itong kinainis ng kanilang kababayan. 

Hindi naglaon ay natutunang mahalin ni Rosario si Masugi lalo pa nang makita ni Rosario ang kabutihan niya. Bumalik naman si Crispin kay Rosario ngunit nakita n'yang may anak na ito. Ikinuwento ni Aling Sion ang nangyari kay Rosario at tinanggap nya ito.

Samantala, lalong tumindi ang giyera sa muling pag-kilos ng Amerika laban sa mga Hapon. Hindi na maiwasan ng mag asawang Rosario at Masugi na itago ang kanilang sanggol sa gitna ng digmaan. Kalaunan ay napatay ang pamilya ni Rosario ng mga gerilya. 

Saktong muling nagbalik si Crispin. Inakala ni Rosario na kasabwat ng mga gerilya si Crispin ngunit sugatan pala ang binata. Kahit na sa magkaibang panig ay pumayag si Masugi na tulungan si Crispin.

Nilusob ng mga Amerikano ang mga Hapon badya ng pagkabigo ng Hapones sa Amerika. Dahil dito'y kailangang iligtas ni Masugi ang kanyang mag-ina ngunit sila 'y tinambangan sa daan. Napatay ang matalik na kaibigan ni Masugi na si Francis. Naitago naman pansamantala ni Masugi sina Rosario subalit napatay siya ng rebelde.

Nagtungo si Rosario sa simbahan at humingi ng tulong sa pari. Huli na ang lahat sapagkat kinuyog siya ng taumbayan.

Isa ito sa hindi malilimutan at pinakamahusay na pagganap ni Nora Aunor sa kanyang mga pelikula. Mahusay din sina Christopher De Leon at Bembol Roco sa kanilang pagganap. Magaling ang iskrip at direksyon ni Mario O' Hara.

Naipakita sa pelikulang ito ang realidad at horrors of war. Tulad ng Oro, Plata, Mata, kabilang ito sa mga  pelikulang Pilipino na inilarawan ang madilim na kasaysayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa bahagi ng pelikula kung saan nakitaan ng pagbabago si Rosario matapos siyang gahasain ni Masugi ay naalala ko si Luisa sa pelikulang Dahas. Malayo man ang kwento at milieu ng pelikula ngunit may pagkakahalintulad sa pagbabago ng karakter. Ang karakter nina Rosario at Luisa ay parehas natutunang magpatawad at mahalin ang taong nanamantala sa kanila.

Napapanahon din ang speech ng ilang mga tauhan tulad ng isang tagapagsalita ng mga Hapones at sabihing tangkilikin raw ang produkto ng mga Hapon, kaibigan daw ang mga Hapon at ang mga gamit ng Amerikano ay basura. Pulitikal ang pag-sambit nito. Maski ang komprontasyon nina Masugi at Crispin sa pag-anib sa gerilya na tinanggihan ni Masugi dahil parang kinakalaban ng bawat isa ang kanilang mga sarili. May pagkakahalintulad sa speech ni Heneral Luna.

Sa kabilang banda, bago ipalabas ang digitally restored at remastered version ng Tatlong Taong Walang Diyos ay nagbigay ng paunang salita si G. Leo Katigbak ng ABS-CBN kung saan ipinaliwanag niya na isa sa pinakamahirap na ni-restore nila ang pelikulang ito dahil sa mga scratches, dumi at iba pa na taglay ng natirang kopya ng pelikula. Sa pakikipagtulungan ng Italian Company na Immagine Rirovata na pinamumunuan ni David Pozzi ay nai-restore ang pelikula. Sila rin ang kumpanyang nakipagtulungang i-restore ang pelikulang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag.

Bahagi ng kultura ng isang bansa ang pelikula. Bilang isang Pilipino, dito natin nahahanap ang ating identity o pagkakakilanlan.

Maraming salamat sa mga tao at organisasyong sumusuporta sa pelikulang Pilipino tulad na lamang ng ABS CBN Film Archives, ABS CBN Film Restoration, Film Development Council of the Philippines at iba pang organisasyong binubuhay ang mga classic Filipino films.

Tunay na maipagmamalaki ang pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos. Ito ay itinuturing sa isa sa pinakamahusay, pinakamahalaga at pinakamagandang Pelikulang Pilipino.

Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

Tuesday, November 15, 2016

DUKIT: Pag-uukit ng pagkatao na hinubog ng panahon



Tatlong taon na ang nakalipas ng mapanood ko ang pelikulang "Dukit". Hindi ko pa rin ito makalimutan. Umukit ito sa aking isipan na isa sa mga magagandang pelikulang Pilipino ng dekada.

Mula sa panulat at direksyon ng batikang manunulat na si Armando Lao katuwang si Honey Alipio.

Ang pelikulang Dukit ay tungkol sa buhay ni Willy Layug. Isa siyang tanyag na mang-uukit. Ang pelikula ay nahahati sa ilang bahagi ng kanyang buhay mula sa pagkabata, pagiging ama, pagsisimula at pagiging ganap na mang-uukit ni G. Layug at ang gawaran siya ng parangal o patrolling Presidential Merit Awardee for Ecclesiastical Art.

Ipinakita sa pelikula na bantog si Ginoong Willy Layug sa kanyang likha lalong lalo na sa pag-uukit ng mga santo.

Sa kabilang banda, ang mga santong ito ay sumisimbolo sa ispiritwal na aspeto.

Habang tinatangkilik ng kanyang mga parokyanong relihiyoso o deboto ang kanyang mga inuukit, nariyan ang bahagi ng kanyang nakaraang hindi niya mapatawad.

Tulad ng proseso ng pag-uukit ay sumasalamin rin ito sa kanyang buhay.Tulad sa pag-uukit, hinubog ng panahon  si G. Willy Layug. Hinubog ang kanyang pagkatao sa mga karanasan at mga tao sa kanyang buhay.

Malaki ang naging epekto ng relasyon niya sa kanyang ama. Ito ang nakaapekto sa pananaw niya sa buhay. Naging masalimuot ang pagtanggap niya sa pangyayari na lumaking walang ama sa kanyang tabi.

Dito kumunekta ang kuwento ng  pelikula sa mga manonood. Magkaiba man kami ng kuwento ng buhay ni G. Layug pero naka-relate ako sa kanya. (Hindi ko na idedetalye pa kung paano ako naka-relate dahil personal na iyon.)

Hindi man inuudyok o nais ng pelikula ang emosyonal na aspeto ay may mga bahaging emosyonal ito na hindi makikita sa melodrama.

Hindi rin kumbensyonal ang pelikula. Gumamit ito ng non-linear narrative. Ginamit ang mga flashback upang lalong maintindihan ang mga bahagi ng buhay ni G. Layug na hindi alam ng ibang tao.

Pagpapatawad o forgiveness ang nangingibabaw na mensahe pelikulang ito. Makatotohanan ang paglalarawan kung paano magpatawad ang mga kalalakihan sa pelikula.

Mahusay na nagampanan ng mga aktor ang kanilang mga karakter tulad nila Bor Ocampo, Mark Joseph Griswold, Bambalito Lacap, Raquel Villavicencio at kahit mismo si G. Willy Layug. Mahusay ang pagkakasulat ng iskrip at direksyon ni Armando Lao. Maihahanay ito sa kanyang obra tulad ng Itanong Mo Sa Buwan at Tuhog.

Tunay ngang ang talento ng isang Pilipino tulad ng pag-uukit ay maipagmamalaki. Subalit, mas nakakamanghang malaman ang buhay ng isang mang-uulit tulad ni G. Willy Layug.

Thursday, November 10, 2016

THE HIDING PLACE: A true story of indomitable human spirit and forgiveness despite resentful experiences



Different popular war movies regarding World War II and Holocaust are created to know history. There are lots of titles. Schindler's List, The Pianist and Come and See come to mind. These three movies join the list to name a few.

There is another exceptional war movie that captures humanity in times of peril. It's "The Hiding Place".

The Hiding Place is a produced by Billy Graham Evangelical Association under their film production divisional wing World Wide Pictures. The film is based on the autobiographical book of the same name by Corrie Ten Boom. The film is a real-life account of the Ten Booms experience as they help the Jews to escape the Nazi. It has given a limited release.

The story begins as Nazi invade Holland in 1940. Papa Casper Ten Boom (Arthur O' Connell) is a watch repairer. Her two spinster middle-aged daughters,  Corrie (Jeanette Clift) and Betsy (Julie Harris), live with him. They live a quiet life. However, Jews are arrested by the Nazis even in Netherlands. The Ten Boom family are Christians. Their hearts are moved with the Jews situation. A part of their home is specially built by the members of Dutch Resistance. After prayerful consideration, the Ten Booms decide to open their home to Jews. They hide them as they seek refuge from the Gestapo. Even though their Dutch heritage is considered Gentiles, they risk their lives for the Jews. "Remember, it is the Jews who gave us the Bible and our Savior.", as Papa Casper tells them

They also learn that hiding Jews are not easy. They encounter different personalities and characters of Jews refugee. There's one Jewish man who is hard to deal with but the Ten Booms remain patient.

On February 28, 1994, the Nazis discover that the Ten Booms are helping the Jews by hiding them. Corrie and her entire family alongside with their friends are arrested after a Dutch collaborator pretended to be a Jew who needs a refuge for his family and betrayed them.

Fortunately, the hidden Jews are able to escape. The family suffers as they face hardships. The Nazis send Corrie and her sister Betsy to a concentration camp in Germany for hiding Jews in their house. Their father, Casper, dies before he reaches the concentration camp. The two sisters are forced to work. They are also given not enough food.

One time, a Nazi lady guarding women work is not satisfied with Betsy. She hit her hard. Corrie wants to get even with the Nazi lady but Betsy always reminds her not to be resentful. Corrie and Betsy encourage one another. Corrie is almost losing faith in their situation but her sister always motivates her even though others mock them in the camp because of their faith.

Betsy's weak health fails and she dies afterwards.

On December 1944, Corrie is surprised that she is considered to leave the camp. Later on, it is discovered that a clerical error happened. Her fellow prisoners left in the camp are put in the gas chambers the following month.

At the film's epilogue, an elderly Corrie Ten Boom concludes, "No pit is so deep that He is not deeper still."

This film also depicts the horrors of war. It includes few violent moments such as disturbing beatings and other inhumane treatments that happen in the camp.

The movie is slow-paced and somewhat dragging at the first thirty minutes. Though, it manages to let the audience feel the tension specially when Ten Booms are discovered hiding Jews. This motion picture will let you feel heavy because of what happened to the characters.

In a situation where love and forgiveness must be shown, Corrie and Betsy never fails to do it. Corrie somewhat entertains negative thoughts but her sister Betsy reminds her the love of Jesus and His forgiveness. Corrie learns to forgive and finds strength by relying on Jesus.

Newcomer Jeanette Cliff is excellent as the strong-willed Corrie. Five-time Tony Awards winning actress Julie Harris is magnificent as the weakling but strong in spirit Betsy. Academy Award winner Best Supporting Actress Eileen Heckart is not to be ignored as the world hardened woman due to circumstances but retains her humanity.

This movie is must see. Don't miss it.

Wednesday, November 9, 2016

WORLD WIDE WEB OF CRITICISM

Oktubre 21 ng dumalo ako sa World Wide Web of Criticism tungkol sa film criticism. Ito ay ginanap sa QCX Theater sa Quezon City Circle.

Marami akong natutunan at na-obserbahan sa film forum na ito.

Bahagi ng QCinema, ang event na ito. Nakakatuwang isipin na sa pamamagitan ng film forum na ito ay nakakapag-reach out ang mga taong nasa industriya ng pelikula.

Moderator si G. Lilet Reyes. Isa siyang scriptwriter.

Naimbitahan ang mga tanyag na film critics tulad nila Don Jaucian ng pelikula.tumblr.com na ngayon ay editor-in-chief ng CNN Philippines Life, Richard Bolisay na isang guro at kritiko rin ng mga pelikula sa lilokpelikula.wordpress.com, Michael Edillor na admin ng Philippine Cinema Online Forum (PCOF) at Philbert Dy na film critic sa clickthecity.com. Naroon din ang producer na si Bianca Balbuena.

Ibinahagi at ikinuwento ng mga panauhin ang kanilang karanasan sa pagsusulat tungkol sa pelikula. Kung paano sila nagsimula sa pagkahilig sa panonood ng mga pelikula at gumawa ng mga entries sa kanya-kanyang blog hanggang sa makakuha ng imbitasyon na makapagsalita tungkol sa pelikula, ang isa ay naging trabaho na niya ang maging film critic, ang isa naman ay naging bahagi na ng malaking broadcasting company at ang isa naman ay nakilala na din sa industriya ng pelikula.

Si Don Jaucian ay nakapagtapos ng kursong nursing ngunit sa pagkahilig sa panonood ng pelikula ay binuo ang pelikula.tumblr.com. Ayon sa kanya, matagal na niyang gustong maging manunulat. Napansin niya na habang gumagawa ng blog ang mga naglalabasang top 10 best film of the year.  Bihira ito para sa pelikulang Pilipino. Napansin ko din ito. Kahit pa may nakagawa na ng libro tungkol sa 100 Acclaimed Filipino movies ay madalang kang makakita ng top 10 best Filipino movies of the year pwera na lamang kung gumawa ng listahan ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino ng sampung pinakamahusay na pelikula ng dekada. Kaya lumikha siya sa blog niya ng top 10 best Filipino films of the year. Hanggang sa siya ay naimbitahan sa iba't ibang larangan ng pagsusulat. Aminadong hindi na niya nagamit pa ang kursong natapos ngunit maligaya siya sa kanyang tinahak na karera. Kasalukuyan ay editor-in-chief siya ng CNN Philippines Life.

Si Richard Bolisay ay isang guro sa sikat na pamantasan dito sa Pilipinas. Mahilig din siyang manood ng pelikula kaya naisipan niyang magsulat base sa kanyang obserbasyon sa panonood ng pelikula. Siya ang nasa likod ng blog na lilokpelikula.wordpress.com

Si Philbert Dy, tulad ng dalawang nabanggit, ay nagsimula rin sa film criticism sa pagsusulat ng blog base sa obserbasyon nya sa panonood ng mga pelikula at nakahiligang panonood ng mga pelikula. Hanggang sa naisipan niyang lumapit sa clickthecity.com upang bigyang suhestiyon na magkaroon ng film reviews ang website sapagkat nagbibigay sila ng mga screening schedules sa mga pelikula sa sinehan dito sa Pilipinas. Pumayag naman ang nabanggit na website kaya ito ang kanyang naging propesyon.

Si Michael Edillor ay Canadian-based na cinephile. Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng kamalayan sa pelikulang Pilipino ng siya ay mapunta sa Canada. Wala siyang matagpuang sources ng mga pelikulang Pilipino. Naisipan niyang lumikha ng mga blogs tungkol sa film history ng Pilipinas, insights, criticism at reviews sa pamamagitan ng social media network na facebook. Hanggang sa maisip niyang buuin ang Philippine Cinema Online Forum.

Si Lilet Reyes naman ay scriptwriter ng pelikula. Kahit iba ang kinuha niyang kurso noong kolehiyo ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkahilig sa pelikula ng siya ay maging manunulat ng mga dulang pampelikula.

Si Bianca Balbuena ay kilalang producer ng mga mainstream independent films tulad ng That Thing Called Tadhana at Hele sa Hiwagang Hapis.

Bukas sa publiko ang event na ito kaya mga mag-aaral ang nakita ko. Mga grade 9 students ng Pugad Lawin National High School ang inanyayahan  ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na dumalo sa film forum na ito kasama ang kanilang guro sa asignaturang Journalism. Dumalo rin ang ilang estudyante ng Communication Arts ng Miriam College. Meron din mangilan ngilan na young adult at adults na interesado.

Napansin ko na hindi masyadong nagpaparticipate at hindi ganoong ka-interesado ang mga estudyante. Hindi rin sila maka-relate sa usapan. Tunay ngang mahirap na mag-reach out sa mga millenials. Nang tanungin tungkol sa pelikulang Barcelona: A Love Untold (na hindi ko pa napanood), Kathniel vs. Jadine, doon na napukaw ang atensyon ng mga estudyante.

Kahit ng tanungin ang mga estudyante at dalawang guro ay mainstream na pamagat ng mga pelikula ang naibigay ng tanungin kung anong pelikula ang gusto at ayaw nila.

Karamihan talaga ng alam ng mga masa ay mainstream na pelikula. Pelikulang gawa ng mga kilalang entertainment production company sa Pilipinas. Sa ngayon, patuloy ang pamamayagpag ng mga sikat na local film companies lalo pa sa mga romantic drama at rom com movies. Hindi naman natin masisi ang mga masa dahil sa kakulangan ng promotion sa mga independent films.

Maaaring sabihing kinakain tayo ng sistema na tanggapin ang mga ganitong kaisipan tulad ng mga nakikita at nababasa natin sa social media. Ang mga pelikulang mainstream ay may layunin na hayaan tayong tumakas panandalian sa mga kinalulugmukan nating mga isyu sa buhay. Kumbaga escapism. Nililibang tayo. Yan ang inilalatag sa atin ng mga rom com, comedies (slapstick man o sarcastic o sitcom), horror, thriller o drama na formulaic na. Ika nga business as usual. Ito ay negosyo na kailangan pagkakitaan. Kadalasan ay mapapansing compromised ang quality tulad ng aesthetic at artistic values na  nilagyan ng moral. (ano to?)

Sabi nga ng isang kilalang opisyal ng isang tanyag na network sa isang interview nya, "independent films should understand that mainstream needs profit."

Ginagawa naman lahat ng mga independent filmmakers upang maipaabot ang kanilang mensahe sa kanilang pelikula. Nariyan ang pumupunta sila sa mga sikat na pamantasan. Minsan, dumadayo din sila sa mga pampublikong paaralan. Sa independent films nakikita ang mga aesthetic, artistic at malikhaing pamamaraan ng paglalahad ng kuwento.

Ngunit, nagkaroon na rin ng konting kontrobersya ito dahil sa kaliwa't kanang poverty porn at mga soft core porn (daw) to excuse ang for the sake of art. Na kesyo necessary (daw) ang full frontal, pumping scene at iba pa. (Ano na naman to?)

Ano kaya ang pwedeng makapukaw sa curiousity ng millenials  na pinakamadaling ma-bore at mas nakukuha ang atensyon ng mga selfie lord, social media, DOTA, LOL at NBA? (Huh?)

Going back, marami rin akong natutunan. Kulang pa rin ang aking kaalaman tungkol sa film criticism. Kailangan pala na may sarili ka ring pananaw at insights sa iyong napanood. Hindi lang basta obserbasyon lamang. Gagawa ka rin ng pananaliksik ukol sa ilang aspeto at elemento ng pelikula. Higit sa lahat, ano ang nakuha mo sa panonood at bakit ito dapat panoorin ng iba.

Bigla kong naalala ang mga tips at pieces of advice sa akin ni Michael na admin ng PCOF dahil sa kasisimula ko pa lang ay dapat mas galingan ko pagdating sa film criticism. At tulad nga sa sinasabi ng mga kritikong ito kung nais namin mapalawak ang aming kaalaman sa pagsusulat sa pelikula kailangan pa namin manood ng iba't ibang klase ng pelikula at magbasa rin ng mga libro.

Sabi ni G. Bolisay, ang isa sa kahulugan ng salitang "passion" mula sa Latin ay "suffering" o "pagdurusa". Kaakibat nga ng pangarap halimbawa sa pagsusulat ang pagdurusa.

"Magdusa Ka!", sabi ni Nida Blanca sa pelikula na may katulad na pamagat.

Bigla ko tuloy naalala ang isa pang film critic na si Oggs Cruz. Siya ang guest speaker noong nakaraang Abril 2 sa UP CAST Kape't Pelikula kung saan ibinahagi niya ang kanyang karanasan at nalalaman tungkol sa pelikula. Naroon din si Bianca Balbuena na nagbigay ng kanyang nalalaman at karanasan bilang producer.

Sa panahon na kahit may mga limited run ang mga indie films sa mga film festival at ang presyo ng ticket ay pwede ng ipangkain ng isang mahirap na pamilya. Paano magiging interesado ang mga manonood na marami ng balakid sa kanilang atensyon?

At bilang manonood, dapat rin ay bukas at imulat ang ating isipan sa iba't ibang konsepto.

Salamat QCinema sa pagkakataong makadalo sa inyong film forum.

(Nasaan na ang mga kinuha n'yong pictures namin? Calling the attention ng mga organizers ng QCinema film forums)